Pamagat: Quadro Interest
((Ethan George))Yung girl kanina na kakilala ni Kai. I think I saw her somewhere, pero di ko matandaan.
"Oy Sky! Nakita ko kanina tiklop ka dun sa babae ah! Imba ka pre! Sinapak ka!XD" Sino pa bang abnormal samin? Edi si Evo.
"Shut up Evo!" Saway ni Sky dito.
"So, totoo nga ang rumors, Sky sinapak ka talaga ni Mei?" Tanong ni Seb. Wow Mei pala name nung girl?
"You know her?" Tanong ni Sky sabay titig ng matalim kay Seb.
"No. Pero si Kai, Oo kilala niya, sa kanya ko lang nalaman name nun eh." Sagot nito kay Sky, ohh nakakainterest naman.
"Kai!!!" Tawag ni Sky kay Kaizylle, lumabas ito ng kwarto niya ng nakangiti at may hawak pang encyclopedia.
"Paano mo nakilala yung amazona?!" Wow hah! First time toh. Kadalasan kase walang pake ito sa mga babae, marami ngang nagcoconfess dyan sa mokong na yan, pero marami na reng nareject.
"Sinong Amazona kuya?" Kunot noong tanong ni Kai, nanatili silang tahimik kaya ako na ang sumagot.
"Si Mei tinutukoy nyan!" Sagot ko at ngayon sakin naman ito napatingin pero pinangunahan ko siya.
"Di ko ren yun kilala ok? Pangalan lang." Tumango ito at bumalik ang tingin kay Kaizylle. Ngumiti lang ulit ito at nagsalita.
"Ok pero kuya Sky, dun tayo sa kwarto ko ikaw lang naman ang nagtanong eh hihiXD" ABAT! pilyang bata! Bat kay Sky lang?! Gusto ko ring malaman eh.
"Hoy bat sa kanya mo lang sasabihin Kai?! Dapat sa henyo ring tulad ko! Pogi pa!" Sabat naman ng Evo.
"Gusto ko ren malaman Kai." Sabi ni Seb, himala... teka lang!
"Oh teka lang mga tsong! Gusto ko ring malaman." Sabi ko tumingin kami kay Kaizylle na ngayon nagpipigil na ng tawa.
"Kai, anyare sayo? Bat nagpipigil ka ng tawa?" Takang tanong ni Seb dito, oo nga kanina ko pa pansin yan.
"Oo nga bunsoy! Bakit ka tawa ng tawa?" Segunda ni Evo. Tumawa ng malakas si Kai kaya nagkatinginan kaming tatlo ni Seb, Evo, at ako. Nakita kong tumango si Seb, kaya bumaling ang tingin ko kay Evo sabay sabing...
"Tumawag ka na." Tumango ito sakin at lumapit sa landline sa tabi ng couch na inuupuan ni Sky.
"Evo, sinong tatawagan mo?" Tanong ni Sky dito.
"Sa Mental, ipapadala ko na dun si Kai, tawa ng tawa eh." Seryosong sagot nito. Binatukan naman siya ni Sky sabay hissed nito. Natawa nalang kaming lahat dahil dun, maging si Sky napangiti dahil sa ka-abnormalan ng kapatid naming si Evo.
"Haha! Kuya Evo your sweet pero di ako nababaliw! Natatawa kase ako sa inyong mga kuya ko!" Rinig naming sabi ni Kai ng mahinto kami sa kakatawa.
"Bakit ka naman natatawa samin?" Tanong ni Sky. Huminga ito ng malalim at sumagot.
"Kase sa unang pagkakataon, nagkainteres kayo sa iisang babae. HihiXD" Ng marinig namin yun, napatikhim ako, nagkatinginan rin kaming apat. Sa bagay totoo nga, at sa babaeng yun pa.
"Well, since gusto niyo malaman, ganto yun. Kahapon ko lang sila nakilala, kuya Sky remember ng sabihin ko sayo na sunduin mo ko? Di kase nakapunta yung kaibigan ko, and since nag-aantay ako sayo gusto kong sumama nalang sa bonding ng iba. Para di masayang ang punta ko sa mall and yun I saw ate Jane and Ate Mei. Naging friends kami ni ate Jane kase ang cute at bait niya! But si ate Mei kase ewan ko kase sabi niya mag-c-cr lang siya but di ko na naabutan kase dumating ka kuya Sky at umuwi na tayo. But! Hehe.." Nyemas! Dakilang cliffhanger ang bunso namin eh.
BINABASA MO ANG
Fairytale?! hindi totoo yun!
Teen FictionMei Randa hates some people on her life, lets say their whole kingdom and her family. Okay lahat lahat. Pero soon after she meet the princes, will she be able to understand their true meaning? Isang babaeng parang sinumpang dragon na isang prinsipe...