Kabanata 10

9 2 0
                                    

Pamagat: Rascal

((Mei Randa))

As usual eto kami ni Jane, naglalakad na papunta sa locker. Pero ang iba, lahat ng madadaanan namin ay tumitingin saming dalawa. Okay sakin to be speific!

Di ba sila makamove on sa pagsapak ko kay Sino nga ulit yun?! Ewan!

"Mei okay ka lang?" Rinig kong tanong ni Jane sakin, di ko siya pinansin at naglakad nalang. Nang makarating kami sa Locker.

Kinuha ko ang mga libro na gagamitin ko sa first period, pero may napansin akong papel sa gilid. Sa pagkakatanda ko wala akong nilagay na pink na papel dito sa loob eh. Dinampot ko ito at binasa ang nakasulat. Kumunot ang noo ko, nilukot ko iyon at tinapon sa kung saan.

Walang nakapansin nun kaya kumibit balikat nalang ako. Anu kayang trip ng mga taong yun ngayon? Tss. Napailing nalang ako.

((Kaye Jane))

Habang naglalakad kami ni Mei papunta sa Room, di ko maiwasang magtaka sa kilos niya. She became really strange mula ng makilala niya si Sky? Tama ba? Nagiging depress na siya at madalas mainitin ang ulo. Napailing nalang ako, anu ba toh.

((Airron Primitevo))

Maaga akong nagising kanina dahil Gwapo ako, dumaan muna ako sa bayan para bumili ng rosas para kay Mei. Sweet talaga kapag gwapong gaya ko ang nagkagusto. Naks! Henyo talaga ako!

Kasalukuyan akong nakaupo sa upuan ko ng makitang dumating ang taong nagpatibok sa puso ko, sino pa ba edi si Mei!

Lumapit ako sa kanya para matapilok ko siya. At tagumpay naman ako. Wahahaha! Henyo ko talaga.

"Aray!" Dinig kong daing niya, lumuhod ako para maging kasing level kami ng ulo, nadapa kase siya. Hehe.

"Ayos ka lang? Eto oh baka sakali mawala ang sakit, at mapalitan ng ngiti." Sabi ko sabay offer sa kanya ng rosas! Orayt! Mga tsong henyong Evo ang inyong lingkod.

"Tss." Rinig kong sabi niya at tumayo di man lang ako pinansin!? Nahiya siguro siya dahil sa taglay kong kagwapuhan kita niyo na! Henyo ko talaga!

((Mei Randa))

Sino ba yung paepal na tumapilok sakin?! Tumayo nalang ako at di pinansin yung lalaki, pumunta ako sa upuan ko, pagkaupo ko may naglapag ng rosas, tinignan ko ang lalaki. Eto yung kanina eh.

"Para sayo Mei." Sabay offer sakin ng bulaklak, pinanliitan ko siya ng mata. Sino ba toh? Pagkalapag niya ng bulaklak ay naglakad na siya papunta sa upuan niya sa harap ni Jane na nakatingin sa banda ko. Di lang pala siya. Lahat ng nasa room.

"May gusto sa kanya si Primitevo?!"

"My gosh!"

"Inggit!"

"Taebak!"

"Omo!!!"

"Ehhh sino ba yan?!"

"Girl pigilan niyo ko susugurin ko yang babae! Huhu!"

Tss yung totoo? Ang lalandi nila. Dinampot ko ang bulaklak sa mesa ko at tumayo. Naglakad ako palabas ng room ng nasa pinto ako may nakasabay ako at saktong papasok siya sa room at ako lalabas, nagkasanggian kami ng balikat at sa lakas nun napatumba ako.

Fairytale?! hindi totoo yun!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon