Kabanata 13

12 3 0
                                    

Pamagat: Secret Admirer (his version)

((Mei Randa))

Ng dumating ang break time ay di na ako sumama kay Jane, nakakairita kase nagkasugat ako sa tuhod at feeling ko nagkapasa ang tiyan ko.

Nagprisinta nalang si Jane na bilhan ako ng makakain, siya lang naman kase ang nakakaalam na alergic ako sa strawberry.

"Hi Mei! Di ka ba lalabas para bumili ng pagkain?" Napalingon ako sa nagsalita at kumunot ang noo. Pake ba niya? Teka! Ito yung nagbigay sakin ng bulaklak nung nakaraan ahh.

"Uhh, ako nga pala si Evo." Pagpapakilala niya, nanatili akong tahimik na nakatingin sa kanya. Teka, tinanung ko ba siya? Pake ko kung Evo pangalan neto?

"Wag ka naman ganyan, alam kong gwapo ako." Teka? Siya? Mahangin pala toh.

"Sino nagsabing gwapo ka?" Tanong ko, lumapad naman ang ngiti niya umupo sa siya sa harap ko. At humarap sakin.

"Kita mo na! Ikaw kaya, sabi mo, sino nagsabing GWAPO KA! Whoo! Henyo ko talaga!" Kumunot ang noo, may sapi ba ang lalaking ito?

"Tinanung kita, di ko sinabing gwapo ka, mahangin, Tss." Sabi ko at tumungo, ayokong kausapin ang isang toh. Mabuti pa't magbasa nalang ako. Teka!

Bumangon ako sa pagkakatungo, teka nakatingin sakin tong mahangin na toh?! Di ba toh aalis sa harap ko? Tss bahala nga siya jan.

Kinuha ko nalang ang libro ko kanina at hinanap ng inipit na papel kanina. Yung nakita ko sa locker, ng mahanap ko ay binuklat ko. Ang ganda ng pagkakasulat ah. Chaka, letter? Hayss ewan binasa ko nalang, kaso di ako mapakali, nakatitg sakin si Evo.

Kaya tinitigan ko siya ng masama.

"Di ka ba aalis jan? Lumabas ka na kung lalabas ka." Sabi ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.

"Mamamatay ako pag ginawa ko yun." Teka! Bakit patay agad?! May sakit ba toh?

"Huh?" Yan ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Mamamatay ako kase maiiwan ang puso ko dito, nasayo kase siya. Kaya dito lang ako." Muntik nang mapanganga ang bibig ko, ang seryoso niya kase nung sinasabi niya, ito ren ang unang pagkakataon na may bumanat sakin, di ko alam na nakakairita pala.

"Lumayas ka nga sa harap ko, magbabasa ako, ayokong may nangiistorbo sakin." Tumayo ako at lumipat ng upuan. Sa likod ko wala naman yung nakaupo dito eh, nasa labas siguro.

Back to reading, gusto mo ba malaman? Yung nakasulat? Eto siya oh.

Dear Mei,
      Hi, alam kong new student ka dito sa school namin, gusto ko sanang makipagkaibigan sayo, ayos lang ba? Medyo wierd pero nung makita kase kita sa hallway nung unang pasok mo dito hinangaan kita. Dont get me wrong pero, I admire your courage and your beauty. Maganda ka, at isa pa alam kong medyo may pagkamasungit ka, ayos lang yun kase di mo gaya ang iba, na laging nalang magpipigil ng hiyaw sa tuwing may gwapo, yung over reacting. Sana maging kaibigan mo ko, dont worry, I'll wait. Di kita pipilitin. Basta mag ingat ka lagi. Alam ko kase maraming nagalit sayo, nung sinapak mo si Sky. Ikaw palang ang nakakagawa nun Congrats! Mabait akong tao. Gusto lang talaga kita.

                   Your, Secret
            Admirer

Binalik ko sa pagkakatupi ang papel. Sino kaya ito? Bakit kilala niya ako? At grabe siya magcompliment. Di ko tuloy namalayan na nakangiti na ako. Parang gusto ko rin tuloy siya makilala.

***

((Ethan George))

Dumating ang break time at di na ko nagpatumpik tumpik pa at hinanap ang nanakit kay Mei. Nakita ko kase siya kanina sa may di mataong hallway, dalawang lalaki ang may gawa nun.

Nung naglalakad kase siya ay taling nakausli sa sahig at nakatago ang dalawa sa gilid. Di niya siguro napansin kaya natapilok siya at nadapa, tumakbo ako nun sa kanya pero lalong uminit ang ulo ko nang sipain ng isa sa kanila si Mei. At tumakbo ren sila agad. Kaya di ko naabutan.

Naglalakad ako sa hallway ng may makabangga ako. Di ko iyon pinansin at nagpatuloy. Pilit kong tinandaan ang itsura nung dalawang lalake, ang alam ko kase yung isa ay naka black shirt na may nakalagay sa likod na Valentino. At yung isa ay naka plain white lang.

Pumunta ako ng canteen, nakasalubong ko si Evo at Sky.

"Oh George sino hanap mo?" Tanong ni Evo. Habang palinga linga ako.

"Yung sumipa at pumatid kay Mei." Sagot ko at naglakad na pero hinablot ni Sky ang braso ko, lumingon ako dito at nakita ko sa mukha niya ang pagtataka.

"What do you mean?" Seryosong tanong niya.

"Oo nga? May nanakit kay Meiloves ko! Aba sino?!" Segunda naman ni Evo. Anung Meiloves niya! Abnuy asa siyang magkagusto sa kanya yun?!

"Narinig niyo naman diba? Bitaw, hahanapin ko pa ang nga hinayupak na yun." Sagot ko sabay hablot ng braso ko pabalik.

"I'll come with you." Out of nowhere napakunot ang noo ko, what?! May concern ren siya kay Mei?

"Ako ren!" Anu pa nga ba. Lumingon ako sa kanan at di inaasahang may nakita.

"Ayun sila!"Banggit ko.

"Saan?!" Tanong ni Evo.

"Naka black at plain white shirt yung kapapasok lang." Pagkasabi ko nun, nagulat ako ng natabig kami ni Evo ng balikat ni Sky at lumapit agad dun sa dalawa, guess what pinagsasapak niya. Tss.

Lumapit kami kay Sky at pinigilan siya, hakot na hakot naman namin ang atesyon. Halatang nabugbog ang dalawang hinayupak.

Ng mailayo namin si Sky sa dalawa ay lumapit ako sa nakaitim. Kinwelyuhan ko ito at ibinalibag ko para mapahiga. Dinig ko pang napasinghap ang iba, eto yung sumipa kay Mei eh.

Lumapit ako dito at tinanung.

"Ikaw ba yun?! Yung sumipa sa babae kanina?" Di ako nakatanggap ng sagot pero nginisian niya ako. Sa irita ko siniko ko ang dibdib at tiyan niya. Tumayo ako at lumabas ng canteen.

Bumalik nalang ako sa room, bahala na kung kumalat yun mananakit sila, edi akong bahala sa kanila!

***

((Walter Sebastian))

Napailing nalang ako habang pinapanood ang tatlo kong kapatid napaka basagulero nila. Naglakad nalang ako palabas ng canteen, dala ang isang carrot cake para kay Mei, nakita ko kase siyang kumain nito nung unang pasok niya, oo inistalk ko siya, nagcutting class pa nga ako dahil dun.

Nang makarating ako nakita ko siyang nakaupo sa inupuan ni George, uy tamang tama! Makakatabi ko siya.

Lumapit ako sa kanya, teka nakangiti siya! Ang ganda talaga niya. Umupo ako sa upuan ko at tumabi sa kanya.

"Nabasa mo pala yan?" Tanong ko sa kanya. Ako kase nagsulat niyan. Para sa kanya.

"Sino ka?" Tanong niya at tumingin sakin. Ngumiti ako ng tipid at nagpakilala.

"Sebastian, Seb nalang for short, your secret  admirer." Pagpapakilala ko sabay lahad ng kamay ko na may hawak ng carrot cake, sana tanggapin niya para maging kaibigan ko na siya.

Nakita kong nabigla siya, teka masyado atang napaaga ang reveal ko ng identity sa kanya.

Fairytale?! hindi totoo yun!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon