Kabanata 14

12 3 0
                                    

Pamagat: Transferee

((Kaye Jane))

Nagtataka akong nakisingit sa mga istudyanteng may pinapanood na gulo dito sa canteen. Remember bumibili ako ng pagkain namin ni Mei.

Nanlaki nalang ang mga mata ko ng makita si Sky na may sinapak na lalaki na agad ring nawalan ng balanse at natumba, sinuntok niya rin yung isa pang lalaki in short may binubugbog si Sky.

Buti nalang ay lumapit sina Evo at George para awatin si Sky pero mali rin. Ng kumalma kasi si Sky ay sinuntok pa ni Evo ang isang lalaki habang si George ay walang habas na binalibag yung isa pa, narinig ko itong nagsalita.

"Ikaw ba yun?! Yung sumipa sa babae kanina?!" Galit na tanong nito sa lalaki pero sira ulo, ngumisi, paktay na! Siniko siya ni George ng dalawang beses, napapangiwi nalang ako. Bakit sila ganito? Galit na galit?

May ginawa ba ang dalawang lalaking yan na masama sa kanila? O sa taong malapit sa kanila? Babae kase sabi ni George, malamang sa alamang! Inportante yung babaeng tinukoy nun. Pati ba naman ang playboy na cold na sina Evo at Sky nakisali eh. Edi baka big deal sa kanila.

Matapos yun ay agad ring umalis si George, yung dalawang natira (Evo, Sky) ay naiwan, nagsimula na ring umalis ang mga nanonood at parang walang nangyaring gulo. Wala man lang bang diciplinary action na magaganap? Interesting huh?

Nagkibit balikat nalang ako at bumalik ng room, baka gutom na si Mei. Ng makarating ako sa pinto ay tumaas ang kilay ko. May pagkain na pala tong si Mei eh!

Paano, wala sa upuan niya at may kaharap na lalaki, nakalahad ang kamay na may carrot cake sa ibabaw. Teka! Anung nagaganap?! Ligawan daw ba sa break time! Yieee! Yung bida ko lumalaplayf! Kailangan masulat ko toh agad! Teka...

Lumapit ako, only to know na isa sa transferee ang kasama niya, Sebastian? Ata? Ay mga tao! Lutang yung dalawa! Nakalapit na akot' lahat lahat di pa ako napansin, ano toh may sarili silang mundo?

Saang fantasy world sila nakapunta? Sa Enkantadiya ba? Sa Titan Academy? Charm Academy? Ano?! O baka sa Wizards Tale ni AegyoDaydreamer?!

Grabe sila! Chaka, diba nangangawit si Sebastian sa hawak niya? Ito namang si Mei nakatulala sa cake!

Confirmed! May ligawan nga ata! Grabe huh?! Haba ng patilya ni Mei! Sarap bawasan Chaar!!!

((Mei Randa))

Siya?

Siya yung gumawa ng letter?!

Yung Secret Friend Admirer?!

Ko?!

Ay angkinan toh!

Walang basagan ng baso pero, nakakatanga yung sinabi niya!

Sa mga nababasa ko, maraming pakulo ang mga letters eh!

Pero itong si Seb? Tama? Grabe siya magdirect to the point.

To the point na di ko alam ang irereact ko sa sinabi niya!

As in nakakatanga talaga! Medyo nagaalala na nga ako sa cake, baka nangangalay na siya.

"Itong cake ang sign, kung tatangapin mo, ibig sabihin, payag kang maging kaibigan ko. Kung hindi ayos lang maghihintay ako."

Pero nanatili akong tahimik na nakatanga sa cake. Ni hindi ko namalayan ang mga nangyari dahil dumating na ang teacher ng next subject.

Nabalik lang ako sa realidad ng bumati ang mga kaklase ko kaya tumayo ako at bumalik sa upuan ko, ang sama ko ba dahil di ko tinanggap ang cake ni, sino nga yun? Sef? Set? Seb?

Fairytale?! hindi totoo yun!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon