Kabanata 16

11 3 0
                                    

Pamagat: Feelingero

((Mei Randa))

"Sa tingin mo siya talaga yun?"

"Oo! Look!"

"Grabe!? Totoo pala?!"

"Oo at alam mo ba di siya nagpasalamat!"

"Talaga?! Kapal naman."

"Oo nga ang kapal, di naman bagay sa kanya."

"Pero girls I think she doesn't deserve the attention."

"Bakit?"

"She's just a commoner."

"Commoner na malandi!"

"Oo nga! Sana bumalik na si Lady Mira!"

"Oo nga! Sure ako kawawa yan pagdating ni Lady."

"Oo nga ipa-execute na kaya natin yan!"

"Wag! Dagdagan muna natin para mabigat ang parusa niyan!"

"Oo nga babae! Boba ka rin."

"Edi wow! Ikaw kaya!"

Hayss, nakakairita noh? Kanina pa yan sila naguusap sa gilid, harap at gilid ulit.

Nasa room kase ako, at absent ang teacher kaya pwedeng matulog, mag-ingay free time ganun.

Kaya masasabi kong, ang lalakas ng loob nilang mag ingay, samantalang ako ito.

Deretso ang upo at nakatingin sa black board sa harap, nag i-imagine nq nandoon ang teacher at nagtuturo ng tinuro niya kahapon, recap ganun.

Kaso di rin ako makapagconcentrate dahil sa nakakaintimidate na tingin ng nasa tabi at mga kaklase ko.

Kaya bumuntong hininga nalang ako at binuksan ang drawer sa ilalim ng lamesa ko.

Ganito kase dito, imbes na yung ibang gamit mo nasa table mo, ay may drawer sa ilalim para maluwag ang space ng table mo. Ang ganda nga eh.

Kinuha ko ang notebook ko at libro para sa next period. Mag a-advance reading ako.

Sayang ang oras kapag nakinig ako sa mga kaklase ko, na walang ginawa kundi maglagay ng kolorete sa mukha, magdaldal, chismis at kung anu ano pa.

Napansin ko nga rin si Jane, nagsusulat sa laptop, sa MS word. Siguro nagsusulat ng chapter ng story ko. Minsan nga hihiramin ko yun tapos babasahin ko. Nakasave naman yun eh.

Pero di ako natinag, tinitigan ko ng sinusulat ni Jane. Kahit malayo ako, ng konti ay kita ko pa naman ang font ng chapter na naka-bold.

"Kabanata 27..." mahinang sabi ko. Ang layo na pala niya?! Bakit ganun?!!! Basahin ko kaya? Gusto mo? Sana payagan ako.

Umiling ako bigla sa naisip ko. Baliw na ba ako? Bakit ko pangungunahan ang story na kinabibilangan ko?! Sira na naman ako.

Binuklat ko nalang ang notebook at libro ko para mag take down ng notes. Pero may naka-agaw ng atensyon ko ang papel na nakausli sa libro.

Nilipat ko ang libro at nakakita ng sulat sa kulay pink na papel. Hayss, sana naman di ito threat, tulad ng nauna.

Balikan po kung anung chapter yun, basta yung may sampalan reunionXD --JANE

Binuklat ko ang nakatuping papel at bumungad sakin ang letter. Na naman?!

Napalunok ako, di kaya galing ito sa taong nasa likod ko? (Seb) o sa iba.

'Wow naman Mei! Haba ng hair daming interesado sayo ah? Last mo na yan ahh.'

Grabe rin itong konsensya minsan noh? Galing mangdown sa tao. Lam niyo yun?! Tss.

Fairytale?! hindi totoo yun!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon