Pamagat: Ysay
((Mei Randa))
Tuluyan akong lumabas ng room, hindi ko yata kinaya ang ugali nung lalaking iyon. Napaka talaga! Aminado akong nakonsensya ako sa ginawa ko sa kanya nung mga nakaraang araw pero grabe siya!
Nanggigigil rin ako talaga!
"Mei, sandali!" Napalingon ako sa tumawag sakin, sino nga ba ulit ito? Gelo? Gio?
"George?" Hula ko lang baka tumama.
"Buti naman naalala mo pa ako, saan ka pala pupunta?" Bakit parang ang chismoso naman nito, FC lang?
"Ahh wala jan lang sa tabi tabi, di ko kinakaya sa room, magulo." Gusto ko sanang matulog kaya lang, saan kaya pwede?
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Nagpatuloy kami sa paglalakad, himala nga at hinayaan ko itong sumabay sakin. Oo nga pala siya ang tumulong sakin kahapon dun sa sumipa sakin.
"Ayos naman ako, malayo ito sa bituka noh." Mga galawang ganyan meron yan eh, pero hindi naman siguro ito pakitang tao hindi ba?
"Buti naman kung ganon." Sagot naman nito, wala akong ibang sasabihin pa kaya tahimik lang kaming naglalakad sa pasilyo. Kaya lang mas masarap kung matutulog nalang ako.
"May alam ka bang pwedeng tulugan dito? Yung presko lang? Nami-miss ko na kase yung probinsya." Malay niyo lang naman diba alam niya, at chaka hindi naman siguro masama magtanong.
Hindi ko naman na kailangan ng kasama doon, kailangan ko lang ng lugar.
"Inaantok ka siguro, meron namang clinic gusto mo dun nalang?" Napatingin ako bigla sa kanya, seryoso ba siya? Di ba kami papagalitan?
"Doon kaya?" Sa di kalayuan ay nakakita ako ng bench, nasa ilalim ito ng puno at makulimlim, nakalabas na pala kami ng building. Maganda ren ang panahon ngayon, presko kasi mahangin.
"Sure ka?" Panigurado pa niya habang nakatingin rin sa bench, nginitian ko siya at naglakad na papunta doon, bahala siya kung ayaw niya sumunod inaantok na talaga ako eh.
Narating din naman namin agad yun at nauna akong naupo, tumabi naman siya sakin bakit ba parang ang tahimik pag wala ka sa room?
Pansin niyo yun? Grabe ang ingay sa room hayst.
"Mei, can I ask you?" Buti naman nagsalita ito, ang tahimik rin eh, siguro nahiya rin ito.
"Oo ba, anu ba iyon?" Sagot ko dito, bakit parang ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala ni George, mukha pang mabait at simple!
Pero medyo nakakatakot mapalapit sa ganitong tao, parang ang tahimik masyado.
"Can we be friends?" Ahh, akala ko naman kung anu na itatanong nito. Ang seryoso kasi niya masyado, nate-tense ba siya?
Bakit kaya?
"Bakit mo naman ako kakaibiganin? Pero --" naputol ang sasabihin ko kase biglang may tumawag sakin, lumingon kaming pareho sa harapan.
"Mei!" Kunot noong pinagmasdan ko ang papalapit na Sky papunta sa direksyon namin, anu na namang gusto nito?!
***
((Heat Sky))George also left the room, leaving me behind with my two other brothers. They're irritating that's why I ignored them.
"Oy Sky, wala ka man lang bang sasabihin jan? Paano ba napunta sayo yun? Foul yan!" Reklamo ni Evo, kahit kelan talaga damn!
BINABASA MO ANG
Fairytale?! hindi totoo yun!
Teen FictionMei Randa hates some people on her life, lets say their whole kingdom and her family. Okay lahat lahat. Pero soon after she meet the princes, will she be able to understand their true meaning? Isang babaeng parang sinumpang dragon na isang prinsipe...