Chapter 24

186 7 2
                                    

Chapter 24

Sa lahat ng chismis na sinabi tungkol sakin, isa lang to sa iilang totoo. Sabi dati dalawa na daw naging boyfriend ko. Pagkakaalala nga ni Kevin eh isang nasa showbiz, isa nonshowbiz. Yung tungkol lang sa nonshowbiz ang totoo. Tungkol kay Migs. 

Miguel Andrada, heir to Andrada Companies. Nakilala ko siya nung Grade 6 kami. Nagkasabay yung schools namin na magfieldtrip sa iisang place. Sabi niya Migs daw name niya. Nung sinabi ko pangalan ko nagreklamo siya kasi mahaba. Kaya Cee nalang daw. Ayun, friends na kami agad. Imbis na sumama kami sa mga schoolmates namin, humiwalay kami. Nakakatuwa kasi siya kasama. Masayahin, palakwento. Kung nagtataka kayo kung nasan si Tyler sa mga panahong yun, ewan. Di ko rin alam. Basta si Mis kasama ko. Nilibre niya ako ng ice cream at sabay umikot sa zoo. Alam niyang artista na ako nun, di ganun kasikat pa, pero tinatrato niya akong parang kalaro niya lang. Walang special treatment. Asaran dito, asaran dun. Actually siya yung second crush ko. Alam niyo naman sino ang first eh diba...

1st year high school, same kami ng school. Hiwalay pa kami ni Tyler nun eh. Naging kapartner ko na din sa tv sa Kevin kaya naging magkaibigan kaming tatlo nung mga panahong un. Lagi kaming magkasama ni Migs. Kahit sa first sleepover ko kay Shane nandun din si Migs. Sa first hs parties nandun din siya. Malapit na matapos ang 1st yr nang manligaw siya. Oo ang aga...pbb teens nga. Pero wala eh. Hinayaan ko lang siya kasi alam ko naman na sa mga taong ganun, wala namang seryoso. 

2nd yr na kami nung sinagot ko siya. Halos kalagitnaan ng taon. 4 months din siguro siya nagtyaga mangulit sa buong pamilya ko. Kasama na dun parents ni Ty na sa pagkakaalam niya lang nun eh overprotective ninong at ninang. Dumaan din siya kay Tyler kasi sa 'bestfriend duties'. Kahit na napapayag niya si Ty, hindi parin sila magkasundo kahit kailan. Ansama ng trato sa kanya ni Tyler. Pero hinayaan ko lang.

Masaya kami hanggang 3rd yr. Sabay pa nga kaming lumipat sa school ni Tyler at Diane eh. Nung taon na kasing yun di na mapigilan ng parents namin ni Ty yung 'relasyon' nila. Baka 'san-san' na daw mapunta. Noong sinabi ko ng lilipat ako sa school ng bestfriend ko para bantayan siya eh sumama si Migs na parang wala lang. Lipat bahay lang, ganun. Masaya kami. Well, hanggang kasagsagan ng 3rd yr prom. Days before the event nag-away silang dalawa. Matindi. Hindi ko alam ano talaga nangyari kasi hanggang ngayon wala pa nagsasabi sakin ano talaga nangyari ng hapong yun. Basta nasa basketball court sila, PE ata, at nagsusuntukan na. Dumating ako na hawak na sila ng mga ilang seniors at juniors. Teachers din nandun na. Nagsplit pa ang lip ni Migs kaya duguan yung jersey niya. Lumapit ako at inalalayan siya. Paglingon ko ang sama ng tingin ni Tyler at galit na galit na kumawala sa pagkakahawak sa kanya. Tinatawag siya ng teachers pero umalis parin siya. As for Migs? Yun na yung araw na alam kong tapos na. Wala na.

Nag usap kami sa clinic. Naiiyak siya. Paulit ulit niyang sinasabi na "Sana sinabi mo nalang...Sana sinabi mo nalang..." Paulit ulit ko din siyang tinatanong kung ano ba yung sana sinabi ko nalang. Hanggang sa nalungkot ako ng sobra nang sinabi niyang "I can't do this anymore..." Obviously, tapos na. Break na kami. Lumabas kami ng clinic na magkahawak kamay. Pero sa hallway, naghiwalay kami. Parang sa movie lang. Sa kabilang direksyon siya, sa kabila ako. Dumating ang prom na si Tyler ang kasama ko. Madaming nakabuntot na photographers. Nakangiti ako. Pero most of the time, nagkakatinginan kami. Probably thinking the same question...

What happened?

At ngayon, di ko na mapigilan ang sarili kong itanong talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Buhay ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon