I got into a fight with my best friend, and I don't know where to go. I run out of our house and went to the nearest park. I am sitting in the swing when I spotted a young man walking his way towards me-- I mean, the swing. One word that immediately popped in my mind - "Gwapo"
Siguro kung nandito 'yung best friend ko kanina pa ako hinampas non, lalo na kung ako 'yung unang nagsabi nang gwapo. I'm not really that type of girl, I'm more laid back and Mari Clara type.
The guy went and sit next to me, I looked at him, and shifted my gaze right away. Nakakahiya kung mahuli ako, at confirmed, may itsura nga! Pero hindi ko alam ang gagawin ko kaya umalis na lang ako.
I tried texting my friend, nahimasmasan na sana siya gusto ko magka-ayos kami, best friends since birth kami tapos dahil lang sa isang misunderstanding mabubura 'yon? No, ayoko nga!
The day passed by, nagka-ayos kami ng kaibigan 'ko. We lowered our prides and admitted our mistakes, that's actually how you save a relationship, and it takes both parties' effort to do so. Nung nagbati kami kinuwento ko sa kanya 'yung guy, and I gave that guy a nickname -- Mr. Gray. Naka-gray shirt kasi siya noon, ok? Kinilig naman si Friend.
"Wahhh Caaaatthhhhyyyy, I'm so proud of youuuuu, kinililig akoo!!"
"Shh, Jane, ang ingay" nakalunok ata 'to ng megaphone
"'To naman ang KJ, perstym mo kasi mag kwento nang ganyan eh, masyadong misteryoso naman kasi ang lablyp mo, and ang imposibru naman kasi na wala kang kilig life noh!"
"Psh."
"Hoy! Alam kong meron, nagci-circulate kaya ang mga bagay bagay sa school!"
"Chismosa!"
"Hindi noh! Sadyang madalas lang ako makasagap"
"Sabi mo eh."
Kinabukasan pinilit ako ni Jane na pumunta sa park, gusto niya daw makita. Psh, as if naman pupunta pa 'yun dito. We stayed in the park for an hour, pero naiinip na si Jane kaya pumunta na lang kami sa Ice Cream parlor. Nauna siyang umuwi pero ako bumalik pa sa park, masarap kasi roon, maaliwalas at peaceful. Nakapikit ako nang may umupo ulit sa tabi ko, pagtingin ko --- It's Mr. Gray!
Umm awkward? No one's even bothering to talk. Hindi ko na kinaya ang awkwardness, kaya umalis na lang ako. I'm not that type of person who talks first, kaya konti lang ang friends ko sa school. Mostly dahil pa kay Jane kaya ako nakaka-gain ng friends. Umuwi na lang ako sa bahay at nag-ayos ng mga gamit, may pasok na ulit bukas kaya kailangan ko nang maghanda
The next day, pagpasok ko pa lang ng classroom ang malakas na boses na agad ni Jane ang narinig ko.
"Wahhhh magkakalablyp na si Cathe-- Aguy!" Binatukan ko nga, ang aga-aga ang ingay
"Aga-aga eh!" sabi ko sabay upo sa upuan ko.
"Sungit mo!"
"Ganon talaga!"
"Psh. Sab tayo na nga lang mag-usap, masungit na naman si Cathy eh"
"Shunga ka talaga Jane, hindi nga siya morning person diba? tapos ang ingay mo pa"
"Ay oh 'di Sorrrryyyy poooo!" Psh ginaya pa si Chichay
Nung natapos ang classes napadaan ako sa park, baka lang naman nandoon si Mr. Gray, pero wala eh. Everyday I tried to spot him there, but it always disappoints me to see no one.
Saturday Morning, I went to jog, napadaan ako sa park at naalala ko 'yung sinabi ni Jane
"Baks, try mo kaya maging friendly, makikipag-friend ka lang naman eh"
Kaya umupo ako sa swing and waited there pero walang dumadating, kaya umalis na lang ako. Nung kinahapunan bumalik ulit ako, nakita ko siya doon at naka-gray shirt ulit siya. 'Yun lang ba 'yung damit niya? Bakit parang tuwing nagkikita kami naka-gray shirt siya? Nung umupo ako sabi ko sa sarili ko, 'kakausapin ko na siya, makikipagkaibigan na ako'. Pero umurong na naman 'yung dila ko kaya walang nangyari, and this time he wa the first one to turn his back and walk away. I felt sad about that.
I texted Jane saying "Ja, I failed. 'Di ko talaga kayang makipag-friends nang ako ang unang lumalapit" Then I went home. It's not a big deal after all, it shouldn't. Love at first sight? Psh. No. Maybe I just have this strange feeling na kilala ko siya, kaso 'di ko alam kung saan, kailan o paano. Siguro nacu-curious lang ako sa kanya. Siya ba 'yung guy na lagi kong napapanaginipan? Neh. Wala akong park na napanaginipan. Baka gwapo lang kaya ako ganto.
The next day I saw him there, but by the time I sat, umalis na siya. Psh I'm such a loser when it comes to gaining friends for myself. Look ang barkada namin si Jane ang gumawa, nakisama na lang ako dahil sila lang 'yung kaibigan ko. Every school year hindi ako 'yung unang nakikipag-close sa mga classmates ko. Ewan, nauunahan ako ng hiya eh.
Paalis na ako nung may napansin ako, parang locket na hindi? Mukha kasi siyang clock eh tapos may nakasulat, it's in Palace Script font, and the writing says ' Catherine'. Ok. I admit curiosity kills the cat, I opened it and saw a photo of a guy on the left hole and a photo of a girl on the right hole. The picture looks like they're looking at each other, kasi pareho siyang naka-sideview, and kahit na hati siya mapapansin mong pareho 'yung shading and 'yung background nang parehong picture. I wonder who they are, medyo may pagkahawig pa kami nung girl oh. Itatago ko na lang baka next week magkita ulit kami, ibibigay ko na lang sakanya.
The next day nagsidikitan nanaman sa aking ang mga kaibigan ko na tila humahanap nang scoop sa isang showbiz balita.
"Uy girl! Ano na?" sabi ni Sab na halata mong excited
"Beh what happened?" sabi ni Jea habang papalapit sa akin.
"Kwentoooo dali!!!!!!" sakin naman sa tenga ng boses ni Yna
"Psh ano ba walang nangyari, nahiya siyang makipag-friends" Jane
"Ano ba! Kala niyo naman makikipag-boylet ako! Wala ok, wala!"
"Ah sorry, malay mo lang naman makapasok ka na sa cycle ng mga lovers, you know first stage - friends" sabi ni Yna habang naka-peace sign. Hay nako.
Makikinig na nga lang ako sa music ang saki sa ulo ng mga taong 'to. Pagkakuha ko ng phone ko sumabit sa earphones 'yung nakuha kong locket kahapon, tinitigan ko siya ng maigi then I opened it and realized once again that the guy really do looks familiar to me. Sino ba kasi siya? Nakakafrustrate na ah. I put it inside my pocket, dadaan na lang ako sa park mamaya at sana nandoon siya isasauli ko na sa kanya 'to.
A week had passed, and everyday I tried to pass by the park, but no Mr. Gray can be found. Siguro nga every weekends lang siya nandoon. Pero look, mali ata 'yung akala ko, wala siya ngayon, at in-fairness mukhang uulan pa kaya babalik na lang ako bukas. Sana bukas nandoon na siya, di ako mapakaling nasa akin 'tong locket, familiar siya, but still feeling ko ninakaw ko siya.
The next day nandoon ulit ako, maaraw na, pero wala si Mr. Gray and I have a feeling na 'di na siya magpapakita. Umalis na kaya siya? Pag 'di ko pa siya makita ngayon, wala nang chance or bibihira na kung mapapadpad pa rin ako dito sa park, magiging busy na ako eh, defense week na kasi.
Hapon na, palubog na ang araw. Kung ilang tao na ang umupo sa tabi ko, pero wala si Mr. Gray, nakailang ikot na ako dito sa park pero 'di ko naman siya nai-ispot. Tapos na ang oras kung kailan madala ko siyang nakikita dito. Siguro it's not meant for us to be friends, and it's not meant for me to find the answer to this mysterious locket.
Maybe in another time, masasauli ko sakanya 'tong locket, then we can be friends, but for now akin muna 'to, and you'll just be my mystery guy...
Mr. Gray.