Chapter 5: Anger

71 5 2
                                    


Nandito na ako sa school ngayon, habang naglalakad ako hindi ko maiwasang mapaisip.

Bakit wala pa kaya yun? Nasan na siya? Sabi ko magiging personal assistant ko na siya, ganun ba trabaho ng assistant hindi man lang ako sinundo sa bahay. Naalala ko na naman yung kagabi siya ba talaga yung nakita ko o wrong person lang.

Teka bakit ko ba siya iniisip pa? Mas mabuti ng wala siya para wala ng manggulo pa sa akin. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ng makita ko si Jenny. Buti naman kasi namiss ko na siya.

"Trix!" sigaw niya ng makita ako tapos niyakap niya ako. "Ano kamusta ka na?" tanong niya sa akin. Ang laki laki ng ngiti niya sa mukha niya.

"Ayos lang ako, ikaw?" tanong ko din sa kanya. Namiss ko din siya ilang araw na din kaming hindi nagkikita.

"Eto maganda pa rin." pagbibiro niya pang sabi. Natawa na lang ako. Si Jenny talaga napaka masiyahin parang hindi siya nagkakaroon ng problema ahh. "Tara kain muna tayo, nagugutom na ako ehh." tas bigla siyang nag pout ang cute niya talaga pag ginagawa niya yun. Hinila niya na lang ako papuntang canteen. Natatawa na lang ako pag naiisip ko na parehas kami ni Jenny na palaging gutom.

Habang kumakain kami nagulat ako nakitang kong papalapit sa direksyon namin si Mark.

"Pwedeng makiupo?" tanong sa amin ni Mark. Nakita ko si Jenny sa kinauupuan niya nakatulala siya halatang kinikilig siya kay Mark kulang na lang tumulo yung laway niya. Ako na lang yung sumagot kay Mark pano ba naman kasi tong si Jenny hindi makapag salita.

"Ok lang sige upo ka na." sambit ko. Umupo si Mark sa tabi ko hindi ko maiwasang mailang sa kanya kahit magkaibigan na kami, pano ba naman kasi isang gwapong nilalang katulad niya kasama kami.

Nakita ko si Jenny parang na disappoint siya. Bakit kaya dahil ba sa akin tumabi si Mark at hindi sa kanya. Well wala naman siyang dapat pagselosan magkaibigan lang kami ni Mark.

"Uhmm...Jenny si Mark nga pala kaibigan ko." pagpapakilala ko kay Jenny.

"Kilala ko na si Mark." tapos ngumiti ng pilit si Jenny. "Sige alis na ko may klase pa kasi ako, bye Trix." tumayo siya at umalis na. Ano bang problema niya bakit siya nagkakaganon dahil ba kay Mark ehh magkaibigan lang naman kami ehh. Natulala na lang ako ayokong mapagsimulan ng away namin to.

"Trix, may problema ba?" tanong sa akin ni Mark.

"Ahh wala naman may naisip lang ako." tapos ngumiti na lang ako ng pilit sa kanya.

"Trix pag may problema ka wag kang mahihiyang sabihin sa akin magkaibigan na tayo diba?" sambit niya, ang laki ng ngiti niya sa mukha niya.

"Salamat Mark" sambit ko sa kanya at ngumiti. "Sige una na ako may klase rin ako ehh." pagpapaalam ko sa kanya.

"Samahan na kita." alok niya pa. Nakakahiya naman sa kanya ihahatid niya pa ako.

"Wag na Mark kaya ko na sarili ko." ngumiti na din ako para makita niyang ayos lang ako.

"Sige na Trix, papunta na rin ako sa klase ko sabay na tayo." sambit niya sabay pout. Omo ang cute niya pag ginagawa niya yun.

Tumango na lang ako sa kanya, nakumbinsi ako ng pout niya ehh. Habang naglalakad kami pinagtitinginan nila kami kaya hindi ko maiwasang mailang. Buti na lang din nakarating na agad ako sa room.

Nagulat ako sa nakita ko bakit siya nandito? Akala ko ba sa kabilang room siya. Kala ko pa naman din absent siya tapos makikita ko siyang nandito sa room namin. Pumunta na lang ako sa upuan ko sa likod. Buti na lang nandun siya sa harapan. Maya maya ng unti nagulat ako papalapit siya sa pwesto ko. Napatingin siya sa akin at ngumiti. Hays inaasar niya ba ako? Nakakainis siya ahh.

Stupidly Inlove with youWhere stories live. Discover now