"RELYEBO KAYO, isa sa umaga, isa sa gabi," malamig na lahad ni Calvin Formalejo sa dalawang bakla sa harap niya. Sumandal siya sa backrest ng swivel chair. Naroon sila sa loob ng kanyang pribadong laboratoryo.
Tatlong oras pa lang niya ipinaskil sa labas ng gate ng kanilang mansyon na kailangan niya ng dalawang male caregiver; heto at may nagka-interes agad.
Ang siste: parehong bakla. At kilalang-kilala niya. Nais niyang matawa sa sarili nang makadama siya ng pamilyar na galit sa kanyang dibdib.
Sa pakiwari niya, nag-aalangan siyang tanggapin ang dalawa bilang taga-alaga sa uugod-ugod at ulyanin na niyang ama. Lalo pa at malaki ang kasalanan ng magkapatid na 'to sa kanyang pagkalalake.
At para hindi lang sarili niya ang kanyang masisisi sakaling gumawa ng hindi kanais-nais ang dalawang bakla, hiningi muna niya ang opinyon ng Kuya Jude niya...
"Alin pa sa wala, bro? Ako nga, bakla rin ang bagong kasambahay ko rito sa bahay. Huwag ka kasi agad mag-alangan sa pagkatao ng iba. Gasino nang patalsikin mo sila sakaling gumawa sila ng hindi mabuti. Sige na, tanggapin mo na sila. Isipin mo na lang na nangangailangan sila ng trabaho."
Ang pangungumbinsi ni Jude kay Calvin.
Bahagya pang naririnig ni Calvin sa kabilang linya ang mga tawa ng tatlo niyang pamangkin.
"Ganyan na ganyan din ang sinabi mo sa akin bago ko tanggapin ang rapist na bimale na iyon!" paismid niyang panunuya sa kanyang Kuya.
Naalala na naman niya ang sandaling ginapang siya ng "alanganing adan" sa mismong silid niya. Ang ikinaiinis niya, sa ikalawang pagkakataon, naisahan na naman siya ng isang pangahas! Kung noong una ay dalawang bakla... sa ikalawa ay isang "paminta". Pinainom siya ng juice na may pampatulog.
Hindi na yata matatapos ang "gapang" sa buhay niya.
"Oh, that bastard! Muntik ka nang buntisin," binuntutan pa iyon ni Jude ng nakakalokong tawa.
"Siraulo! Kaya nga nag-aalangan ako sa mga baklang ito. Syempre kung nagawa ng "paminta", mas magagawa rin ng "ladlad". At baka sa ikalawang pagkakataon, makapatay na ako." Matunog niyang sabi.
Hindi alam ng kanyang kuya ang isyu niya sa dalawang bakla noong kabataan niya.
Halata naman ang pagkaaliw sa tinig ni Jude nang magsalita ulit. "Little bro, hindi na iyon mauulit kung hindi ka na maiisahan. Careless ka pa---"
Inis na pinutol na niya ang linya. Tarantado talaga ang kapatid niya. Sarap bigwasan sa panga...
Kung hindi lang urgent at maaabala siya sa kaliwa't kanan niyang negosyo, pipili talaga siya ng matinong male caregiver. Iyong may alam at marunong! Iyong malinis at hindi mapagsamantala.
"Ay bet! Ako na lang po Ser Handsome ang pang-gabing taga-silbi mo. Siguradong wala ka po sa morning kasi nasa work ka po. Hindi niyo po makikita ang husay ko sa trabaho kapag morning ang duty ko." Agad na pag-ako ni Roland sa night-duty. Pinahinhin ang tono, humahagod sa bawat salita... at animo matimtimang birhen na inipit sa ibabaw ng tainga ang ilang hibla ng buhok.
Tanawing gustong ikangiwi ni Calvin. Walang pagbabago! Makita pa lang niya ang makapal at pulang-pulang mga tuka ni Roland, nangingilag na siya. Kanina ay sinabi pa nitong Rolanda na lang daw ang itawag niya rito.
Gusto na sana niyang bulyawan at sabihing hindi niya ito matatanggap at ang kapatid nito, pero bigla niyang naisip na pupwede niyang gamitin pagkakataon iyon upang makaganti sa dalawa sa pagsasamantala sa kanya noon.
"Sige po Sir Calvin," segunda naman ng tunay na mahinhin na si Sheridan---na Shersher na lang daw. Mga bakla talaga! "Ako na lang po sa umaga para hindi puyat. Pero free po ba ang pagkain namin? At saka free wifi din po ba?" alanganing ngumiti pa ito sa pagtatanong, nakita tuloy niya ang bungal nito. Sa bungad kasi--sa itaas--dalawang ngipin ang nawala yata o binunot?
Baka sinangla? Kulay ginto na kasi mga ngipin ng isang 'to.
Sa isip ay natatawa siya sa ngiti nito. Hindi niya yata kayang isipin na ginamit nito ang maruming bibig na iyon sa kanyang kaselanan noong lango siya sa alak.
Makikita niyong magkapatid kayo. Pagsisisihan niyong nagpakita pa kayo ulit sa akin.
Matabang siyang ngumiti. "Libre lahat---"
"Ay pak!" tili ni Rolanda. "Bet na bet ko 'yan Ser Calvin. Libre lahat! I'm pretty sure na wala akong sasayangin Ser." Malandi pang humagikhik. "Gaya ng nangyari noon..." Namimilog din ang mga mata nito sa pagtitig sa mga labi niya.
Naningkit sa iritasyon ang kanyang mga mata. Nakakagago 'to ah. Masasapak ko ang makapal nitong nguso nang wala sa oras. May gana pang ipaalala sa akin ang kalaswaang ginawa sa akin noon! Mga baklang pakawala! Dammit!
Tumikhim siya. "Buweno, sa umaga ay si Shersher at ikaw Rolanda ay sa gabi. Ang sahod niyo, mababa lang. Seven-thousand ay sapat na siguro." May awtorisasyon niyang paliwanag.
Tumango ang dalawa. "At bago kayo magsimula bukas, gusto kong ipaintindi sa inyo na hindi ako ang aalagaan niyo. Si Dad! Gusto ko rin magkasundo tayong tatlo sa pagbibigay respeto sa isa't isa. Ayaw kong para kayong bulate na kinikilig kapag kaharap ako. Pormal at kaswal, iyon ang gusto ko. Maliwanag ba?" awtorisadong pahayag niya. "Lalong-lalong ayaw kong ipapaalala niyo sa akin ang kawalanghiyaan niyo noon! Sa katunayan, dapat pa kayong magpasalamat dahil binigyan ko kayo ngayon ng konsiderasyon kahit malaki ang kasalanan niyo sa akin."
"Oh, no proble-problema! Sure thing 'yan, Ser Calvin. Maaasahan mo ang galing ko sa pagtatrabaho. Hindi masasayang ang pasahod mo." Si Rolanda sa napakaharot na tinig.
Napailing siya. Kinuha niya ang kanyang cellphone. "Kokopyahin ko ang cellphone number niyo para sakaling---"
"Ay wow bungga talaga 'yan, Ser Calvin. Text-text tayo," si Rolanda ulit kasabay ng walang-kasinlanding bungisngis.
Konti na lang talaga, papangahin ko na ang isang 'to.
"Ser, wala po akong cellphone..." iyon naman ang sabi ni Shersher.
Napailing si Calvin sa isip. Sa dalawa, itong si Shersher ang nagpapakahinhin kahit halatadong malaswa rin.
"Bibilhan pa ba kita ng cellphone poor lady gay. Gaano ba kapobre ang mga sumunod niyong nabiktima pagkatapos sa akin... noon? Bakit hindi ka nakabili ng cellphone?" Tuya niya at pailalim itong inusig.
"S-Sorry po ser. B-bibili na lang po ako sa u-una kong sahod..." Pero mapagpakumbaba itong yumuko kasunod ang tipid na ngiti.
Napatitig tuloy siya sa ngiting-bungal nito. Hindi niya alam pero naisip niyang solusyunan iyon. Maganda sana ang ngiti nito, kaso bukod sa bungal nito, dilawan pa ang ngipin...
Sa naisip ay naipilig niya ang ulo. Hindi dapat siya makadama ng simpatya sa Shersher na ito.Hindi sa isang mapagsamantalang bakla!
Sundan...
February pa naipaskil ang part na 'to.. Ini-unpub ko lang... Sa ngayon ay binago ko ang banghay.. At aaminin ko... parang ayaw ko nang ituloy noon. Pero dahil mahal ko readers ko na humihiling nito... Heto na... sana ay magustuhan niyo ang simula.
Happy Reading...
BINABASA MO ANG
Bakla 2: Hating Bakla : SHERIDAN (GayRomance) (Completed)
Romance"Nang muli kitang makasama at makita ang mga ngiti mo. Inisip ko na parang masarap lumimot sa galit at ikaw na lang ang isipin ko." Una pa lang... doon sa Dolores High School; nasa puso na niya si Calvin Formalejo. Tinatanaw... hinahangaan at lihim...