" IKAW ANG BUHAY KO "
Binigyan mo ng kulay ang madilim kong kahapon,
Pinalitan mo ng saya ang mga mata ko na puru luha,
Tinulungan mo akong makabangon mula sa pagkadapa,
Ibinigay mo sakin ang puso mo para muling mabuhay at maging masaya,
Ikaw ang nagturo sakin na maging malakas sa lahat ng mga problema,Pero bakit?
Bakit bigla kang lumisan na walang paalam?
Bakit bigla mo akong iniwan sa gitna ng kawalan?
Bakit kung kailan pa madami na ang mga pangarap natin saka kapa bumitaw?Paano na ako?
Paano pa magiging makulay ang buhay ko kung ako ay iniwan mo,
Paano pa ako gigising sa umaga kung hindi na ikaw ang unang makikita ng aking mga mata,
Paano titigil ang pag agos ng luha sa mga mata kung ang dahilan ng pagsaya nito ay nasa kabilang buhay na?
Paano pa ako makakabangon kung ang dahilan ng pagtayo ko ay wala na?
Paano pa magiging masaya ang puso ko kung kasabay itong namatay sa paglisan mo?
Paano pa sasaya muli ang puso ko kung ikaw lang ang nagpapasaya dito,Paano pa ako ngingiti kung ang pag ngiti ng mga labi mo ay hindi ko na muling makikita,
Paano pa ako muling sasaya kung ang mumunting halakhak mo saakin ay nagpapaligaya,
Hanggang panaginip na lamang ba kita muling makakasama?
Hanggang panaginip na lamang ba ako muling magiging masaya?
Kung ganoon sana hindi na ako muling magigising pa kung ang panaginip lang ang isang paraan para doon tayo muling magkakasama at magiging masaya❤️