"Baby... G-gusto ko ng sumama sayo, ayokong mag-isa ulit. Sasama na ako---"
"Hindi mo pa panahon baby, maraming taong nagmamahal sayo. Andyan pa ang Daddy mo alam mo namang ikaw na lang ang meron siya, kaya huwag na huwag mo siyang iiwan. Marami ka pang kailan gawin, darating din ang araw ay magkakasama tayo muli. Sa ngayon ay kailangan mo pang mabuhay para sa mga taong mahalaga sa buhay mo... Kaya huwag ka ng malungkot, Okay? ayokong nakikita kitang umiiyak dahil sa akin. Kailangan mo ng tanggapin ang mga bagay na nawala na..."
Tumango ako sa kanya at nag uunahan nanaman ang mga luha ko sa pagbagsak. Pinunasan niya yun gamit ang mga hinlalaki niya.
"Diba, kasasabi ko lang na ayokong umiiyak ka?never akong mawawala sa yo kyle, babantayan kita kahit wala na ako sa tabi mo. Pag namimiss mo ako, tumingala ka lang sa langit dahil andun ako laging nakatingin sa iyo..basta tuparin mo ang mga pangarap natin baby, mag promise ka!" sabi niya sabay ngiti sa akin.
Tumango naman ako
"Basta ipangako mong ring hihintayin mo ako ha? mahal na mahal na mahal na mahal kita..."
"I promise. I love you too Kyle..."
Nakita kong unti-unti na siyang naglalaho kasabay ang liwanag sa paligid.
"Ayumi!" agad akong napabangon sa kama ko. napahawak ako sa dibdib ko na ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon at tumatagaktak ang pawis ko.
Whew! It's just a dream. A beautiful dream i guess. Napangiti na lamang ako sa napanaginipan ko.
Kung hindi pa nagpakita si Ayumi sa panaginip ko, hindi pa sana ako makakarealize at magigising sa realidad.
Unti-unti ko na ring natatanggap ang pagkawala niya at nagsisimula na rin akong bumangon. Tama nga siya sa sinabi niya, marami pa akong dahilan para ipagpatuloy ang buhay ko.
She taught me everything in life.