---Nick's POV---
Araw-araw akong pumupunta sa puntod ni Mia. kinakausap ko nga siya eh para akong baliw hahaha!. tulad ngayon. kinakausap ko ang puntod niya habang naka indian squat.
Isa ka nalang bang masayang ala ala? isang linggo na ang naka lipas nang ikay nawala. unti unti na akong nawala sa mundo. wala na lahat! alal ala mo nalang ang meron ako. sunduin mo nalang sana ako mia. Oo isang linggo na pero di ko parin alam kung bakit ka nagpakamatay.Oo,sabi ng pulis nagpakamatay daw siya. pero bakit kaya? di ko parin tanggap na wala kana. parang kahapon lang nung tayo'y nag aaway nong 1st day ko sa school. kaysakit isipin na hindi na kita makikita pang muli. hindi na kita makakasama sa college.
"anong kursong kukunin mo?" may biglang nagsalitang babae sa likod ko.nagtataka naman ako.
"sino yun!? imposibleng ikaw yun mia? wag mo naman akong takutin!"
"hahahahha! naa alala mo pa ba ako?" lumingon ako at tiningnan yung nagsasalita. si Rhea pala yun! yung bestfriend daw ni mia.
"may alam ka ba? rhea? tungkol sa pagkamatay ni mia?" bigla kong natanong yun kasi wala talaga akong ideya kung anong rason nya kung ba't siya nagpakamatay! imbis na sagutin nya ako. tumango lang siya at napa iyak. maya maya'y biglang nagsalita siya
"magkita tayo bukas sa bahay ni mia" sabi nya sakin at bigla siyang umalis.
* * * * * * * * *
Papunta na ako ng bahay ni Mia.nag aantay na siguro si rhea.habang naglalakad na ko papunta kina mia,lagi ko paring iniisip kung anong ikinamatay niya.
"nick"
bigla akong napatingin sa direksyon kung san galing ang boses.si rhea na pala yun. umiiyak siya.
"ba't ka umiiyak?" tanong ko
"ahh,wala na miss ko lang si mia. tara! pasukin na natin ang bahay" sabi nya habang papasok na siya sa bahay.miss ko na rin siya,miss na kita mia. sinundan ko lang si rhea. nong pumasok na kami tumitingin tingin ako sa paligid. ang gulo gulo dito! napakakalat! sira sira na ang mga gamit.
"dito siguro siya kinukulong" sabi ni rhea habang nakatingin sa maliit na banyo.
BINABASA MO ANG
Never Ending Cries
Mystery / ThrillerBakit kaya nagkaganun si mia? Sana di nalang ako naka graduate kung ito naman pala ang kapalit may katapusan kaya itong sakit na nararamdaman ko?