YEAR 2013

0 0 0
                                    

Ako po pala si Juliet Summers, 13 years old, hindi ganun ka talino pero nasa top 10 padin naman, nakilala ako sa school ng dahil sa varsity ako ng chess. Long black hair, Morena ang beauty ko at di rin katangkaran. 2nd year high school ng arellano university nung makilala ko si Chris Ravens 3rd year high school ng PCWHS. Pogi, chinito, medyo maskulado, moreno at basketball player pa.

Nag ka kilala kami ng dahil sa asaran ng mga kaibigan namin, inaasar kami sa isa't isa na tila na bagay daw kaming dalawa hahaha ewan ko ba kung bakit. Pero ang pag kaka alam ko na may gusto nga daw saakin tong si Chris. Di naman ako agad naniniwala pero ayun din yung kumakalat na issue sa lugar namin.

Isang araw, nagulat nalang ako ng biglang nag chat sakin si chris at nakikipag kilala, friendly naman ako at nakipag usap din ako kasi alam ko namang walang masama sa ginagawa namin. Tumagal ng ilang linggo ang pag uusap namin ng biglang umamin si chris na Crush nya ako. Di naman ako agad naniwala at akala ko nag bibiro lang sya. Sa isip isip ko din ay hindi ko naman seseryosohin to simpleng "oo" lang naman ang sasabihin ko at walang mawawala. So ayun naging kami nga pero hanggang facebook at text lang naman kami nag uusap. Di kami nag kikibuan sa personal grabe sobrang awkward hehe and planado ko na hanggang isang linggo lang kami tapos nun makikipag break nako.

Isang linggo na naka lipas at nakipag break na nga ako. Ang sabi ko "uy basta pag nag break tayo friends pa din ha" um-oo naman sya kaya akala ko okay lang talaga. Edi ayun naging kami ng june 29, 2013 at nakipag hiwalay ako ng july 05, 2013. Akala ko pag tapos ng lahat magiging okay lang kami pero hindi ko alam kung bakit na bo-bother ako tuwing nakikita ko sya na naiwas ng tingin sakin.

Isang araw nag bibike ako at nadaanan ko sya, huminto ako at sinubukan ko syang kausapin pero di nyako pinapansin. Sabi ko "uy kala ko ba friends pa din kahit wala na tayo?" Pero di nya padin ako pinansin. Nakalipas ang isang buwan bago kami ulit nakapag usap. Inabot nanaman ng isa't kalahating buwan ang pag aayos namin at seryoso ng ligawan.

Naging kami ng October 16, 2013 medyo nahihiya pa din kami sa isa't isa dahil isa sya torpe habang ako naman ay inosente pa sa pag boboyfriend (1st boyfriend ko po sya). So ayun kami na gf goals sana ang peg ko kaso strict ang parents ko hindi pa alam saamin na may boyfriend na ako kumbaga secret on kami, friends lang ang nakaka alam pero alam na din naman ng family nya kaso di nya pako pinapakilala.


**guys i hope you enjoyed reading my love story hehe, there's more paaaaa! Comment lang kayo kung may gusto kayong iadd thankies**

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon