Kabanata 14: Owned by Him

39.2K 1.1K 303
                                    


|| Dessy Leondale’s Point of View ||

Pinagbuksan ako ni Cal ng pintuan. Hindi na naman nya kailangang gawin 'yon dahil kaya ko naman at maliit na bagay 'yon pero nagpumilit pa rin sya.

“I’ll catch you tomorrow. Good night.” Saad niya nang makapasok na kami sa loob ng gate ni Duri.

Ngumiti rin ako. “Salamat.”

Pagbubuksan sana niya ako ng double doors nina Duri pero kaagad iyong nagbukas. Nakatingin sa’min si Duri at nakataas ang isang kilay. May bandage pa rin siya sa braso na konektado sa kaniyang leeg.

Lumabas si Duri. Nasa pagitan nila akong dalawa.

“Bakit ngayon—“

“Dessy?”

Hindi naituloy ni Duri ang kan’yang sasabihin nang may marinig kaming boses mula sa likuran ko. Kaagad akong humarap doon dahil pamilyar ang boses ng may-ari.

Nagulat ako nang makita ko siyang nakatayo sa harapan ng gate. Halos wala akong masabi na salita dahil sa pagkagulat.

“W-what are you doing here?” Hindi makapaniwala niyang tanong.

Kunot-noo naman ang dalawa ngunit hindi ko iyon pinansin. Kaagad akong tumakbo at lumapit kay Tim.

“Tim!” lumunok ako at sinubukang ngumiti. “B-bakit ka nandito?”

Nagulat ata siya sa tanong ko kaya inalis niya ang aking kamay sa kan’yang braso. “Answer me first, Dessy. Kailan ka pa nandito?” Hindi man lang sya ngumingiti at halata sa itsura nito na seryoso siya. She can't even make a little smile, nagawa pa niyang itaas ang kanang kilay—Tim’s bitch face.

“Magpapaliwanag ako.” Tangi kong saad.

“Yeah. Dapat lang.” Hindi pa rin nagbabago ang reaksyon ni Tim.

Napapikit ako at hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko. Sa ngayon, hindi pa rin pwedeng masangkot dito si Tim, baka pati sya ay takutin ng grupo ng masasamang taong iyon at… hindi ‘yon pwedeng mangyari.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang may maramdaman akong kamay na pumulupot papunta sa bewang ko. Agad akong napatingin sa gumawa noon at nanlaki ang mata ko nang hapitin niya ako papunta sa kan’ya.

“She’s living with me ‘cause she’s my girlfriend.” Tumingin siya sakin at bahagyang inilapit ang labi sa tainga ko. Papalag pa sana ako pero dumiin ang hawak niya sa’king baywang. “Do you want her to get hurt?” bulong niya.

Napalunok naman ako at marahang umiling. Hindi na ako nakapagsalita at hindi makapaniwala si Tim sa naririnig at nakikita.

“By the way, who are you?” Tanong ni Duri.

Seryoso ba siyang hindi niya kilala si Tim? Halos magkaklase at araw-araw kong kasama si Tim, hindi man lang nita kilala? What a shit? Nagbibiro lang ba s’ya?

Hindi na sumagot si Tim at napailing na lamang. Kitang-kita ko sa mukha niya ang disappointment sa’kin nang tumalikod.

Tumakbo siya papalayo.

“Tim, sandali!” tawag ko. Hindi niya ako nilingon.

Inalis ko naman ang kamay ni Duri sa aking baywang. Tatakbo na sana ako nang haklitin niya ang aking braso.

“Don’t tell her about it.” Asik niya.

Inis ko namang binawi ang aking braso. “Alam ko!”

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon