James's POV
Hay umalis na si sarabeth sana makabalik sya ulit. Nandito kami ngayon ni Ter sa G.H naglalaro lang ng XBOX nya. Masaya kaming naglaro ng dumating si Ella. Ang ganda talaga nya, mahabang buhok, ang ganda ng mga mata nya at sexy pa tapos maputi. Wow naman kasi perfect girl ba sya? Tapos ang talino pa nya tapos mayaman pa. Kumpleto na nga lahat sa kanya kumbaga all in one.
Naglakad sya papunta sa kwarto ni Sarabeth.
"Umalis na si Sarabeth, dumating sya ng maaga para kunin ang gamit nya." Sabi ko kay Ella. Pinatong ko yung controller ng XBOX sa sahig, sinamantala naman ni Ter yung pagkakataon para patayin ang character ko.
"Ahh. Ok" sagot ni Ella na parang walang pakialam. Pusong bato nanaman ? Eh nung mga nakaraang araw parang nagiging close na sya sa amin eh.
Dumarecho na sya sa kwarto nya. Bakit kaya nagkakaganun nanaman si Ella? Hmm..
"Oy! Madaya ka pinatay mo character ko! Sinamantala eh! " reklamo kay Ter.
"Ganun talaga pare, kailangan sulitin ang bawat pagkakataon." Sabi nya ng tatawa-tawa.
"Ewan ko sayo pare! Dami mo alam , ulit nga laban tayo ulit." Hamon ko sa kanya at naglaro.
Naglaro kami halos maghapon hanggang dumating ang tanghalian.
"Wait lang Jesster magluluto na ako" sabay tayo at dumerecho na ako sa kusina.
Hinanda ko na ang mga ingredients at mga gagamitin ko. Magluluto kasi ako ng Sinigang na Baboy para sa tanghalian.
After 35 mins. Tapos na akong magluto ayos naman ang sinigang ko at ready na din ang rice. Tinawag ko si Ter para tulungan ako maghanda.
"Pare ikaw ok na, tawagin mo na si Ella tutal tayong tatlo lang naman ang nandito ngayon sa G.H eh" sabi nya at tinuro ang kwarto ni Ella.
"Oo nga pala, sige tatawagin ko na" sabi ko at pumanik na sa kwarto ni Ella.
Kinatok ko yung pinto ni Ella. Di sya nasagot as usual.
"Ella kakain na tayo , halika na." sabi ko habang kinakatok yung pinto nya.
Di pa din sya na sagot. Kaya binuksan ko na ang pinto nya kahit walang pahintulot. Pagbukas ko nakahiga sya sa kama nya at naka kumot.
Lumapit ako at hinipo ang noo nya at ang leeg nya.
"Ella may lagnat ka. Wait lang kukuha akong gamot." Sabi ko sabay labas ng kwarto.
Pumunta ako sa Clinic ng school para himingi ng gamot pero naubusan na daw sila.
"Kahit isa lang po wala na talaga?" Sabi ko sa nurse.
"Oo. Ubos na talaga eh pasensya na. Punasan mo nalang sya muna ng basang bimpo at pakainin para bumalik ang lakas nya." Sabi ng nurse.
"Ahh sige po thank you." Sagot ko.
Dumerecho ako sa G.H at sinabi kay jesster na bumili ng gamot sa drug store. Sa una ayaw pa nya kasi gusto na nya kumain pero napapayag ko din naman.
Kumuha ako ng maligamgam na tubig at bimpo. Tapos nagluto ako ng lugaw. Pagkatapos ay dumerecho na ako sa kwarto ni Ella.
Pinunasan ko sya sa buong ulo nya. Sa kamay, at sa paa.
"Bakit ka ba kasi nagkalagnat? "Tanong ko habang sinusubuan ng lugaw.
"Over Fatigue lang siguro to." Matamlay na sagot nya.
Hay nako Ella.
"Alisin mo muna yang kumot mo di ko mapupunasan yang katawan mo" sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
She's a Heartbreaker
Fiksi RemajaYung Crush mo, Famous sa School nyo. Yung Crush mo, Pinakamaganda sa inyo. Yung Crush mo, Heart Breaker. Ano ang gagawin mo para mahulog ang puso nya sayo? Mapapaibig nga ba nya? o Masasaktan lang sya? (Genre- teen fiction, Fantasy)