6 o'clock na. Napasarap kasi sina Oshien sa gala gala nila kaya ngayon lang siya nakauwi. Lagot-lagot talaga siya nito kay Julian pag-uwi niya. Pa'no naman kasi, halos tinadtad na siya ng mga tanong about sa married life niya. Hindi na nga niya alam kung ano pang sasabihin. Nagkakandadugtong–dugtong na lahat ng mga alibis na sinasabi niya. Kailangan na talagang malaman ni Julian 'to.
Kaso bago ang lahat, ahh patay talaga, anong oras na kasi. Kaninang tanghali pa sila natapos magpamedical tapos ngayon lang siya uuwi. Malamang nasa bahay na yun. Kaso ang nakakataka lang, hindi pa siya tinetext. Curfew na niya ngayon ah. Ano kayang nangyari? Usapan kasi nila before 6 dapat makauwi na siya. Not unless reasonable yung dahilan like may activity sa school or whatsoever. Ang mahalaga lang naman makapagpaalam siya kay Julian. Kapag hindi naku lagot. Handa-handa na ng tenga. Grabe ang strikto nga niya sobra. Last time kasing nag-argue sila tungkol dito natalo na naman siya.
"Babae ka lalake ako. No matter what happened kaya kong ipagtanggol ang sarili 'ko. Ikaw? Kahit ga'no ka kalakas babae ka pa rin. Sa tingin mo magtitiwala akong ligtas ka sa labas kapag dis-oras na ng gabi? Babae ka ba talaga ha?"
oh diba? Wala pa nga nasermunan na agad. Ayaw na niya mangyari yun. Kaya ngayon pa lang, ahh.. she gotta be ready na.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan nila.
Kailangan talaga dahan-dahan para hindi gaanong halata. Pagpasok niya.. hala?
"Ba't andilim? Hindi pa siya dumadating? Loko yun ah? Hindi man lang nagtext o tumawag kung male-late ng uwi. Porque siya pwedeng magstay sa labas ganun na? Ikaw ngayon ang may sermon sa'king bwisit ka." since wala pa naman palang tao sa bahay, nagdire-diretso na lang siyang pasok. Binuksan niya yung mga ilaw sa bahay saka umakyat na muna sa kwarto nila para magbihis.
Hindi na niya muna binuksan ang ilaw sa loob nun. Masilaw lang siya. Napagod kasi siya eh, ayaw niya ng malinawanag. Kapag ganun,gusto muna niyang humiga sandali bago gumalaw galaw.
Umupo siya sa gilid ng kama para tanggalin ang sapatos niya. Hala sige bara-bara nang tanggal gusto na niya humiga eh. Pero parang may something..
Nakiramdam muna siya.. in three seconds... Napatili siya nang may naramdamang kamay sa bewang niya sabay biglang yakap sa kanya. Slow-mo. pa! Napatakbo tuloy siya sa wall kung nasaan ang switch ilaw.
"Sino ka?! Pa'no ka nakapasok?! Help!!! Julian!!!! Ahh Mommy, bakit kung kailan wala pa siya dito? Manyak ka! Lumayas ka ditong pangit ka! Julian!!!"
"Bakit ba? Tss.. ano bang sinisigaw mo diyan?"
"Hah? Sino ka ba!"
"Para kang sira, hindi mo na 'ko kilala? Buksan mo yung ilaw. Nababaliw ka na naman." Dali-dali nga niyang binuksan ang ilaw.
Pagkatingin niya, hay ambubu talaga.
Manyak? Pangit?
Anak ng baka eh kung ganito lang kagwapo ang pangit why not? Choosy pa ba? Tara na! Papamanyak lang pala eh! Ah syete erase-erase. Hindi ka ganun Shien. Nabubuang ka na naman. Si Julian naman pala kasi talaga yung nasa kama. Nakadapa lang doon, nakapikit pa nga rin kahit gising na eh.
"Plue naman eh! tinakot mo kaya ako! Bakit ka kasi nangyayakap bigla! akala ko kaya walang tao dito! Pagpasok ko patay lahat ng ilaw tapos yun pala nandito ka na!" sisi niya dito saka umupo uli sa gilid ng kama. Nanghampas pa.
BINABASA MO ANG
Let's Play! Husband and Wife!
RomanceI'm Bored "Let's play" "No idea." "Let's Sing" "Not interested" "Let's talk" "No topic" "Let's make" "No Thoughts" "I have" "Spill it" "You're bored?" "I am" "Go to church" "Then pray? " "And Marry Me Later."