Unang una po sa lahat maraming maraming salamat po dahil kayo yung naging sandigan ko sa lahat ng aking ginagawa, Salamat din po dahil palagi niyo po akong binibigyan ng baon araw araw kayo po yung inspirasyon ko sa pagpasok. Salamat po dahil inalagaan niyo po ako hanggang paglaki mahal na mahal ko po kayo pasensya na po kung palagi akong pasaway na anak at suwail,at kahit na ganun kami iniintindi niyo parin kami, Salamat din po sa suportang binibigay niyo sa akin mapa contest/etc ,Salamat sa mga sakripisyong ginagawa niyo para sa akin para lang ako'y makapagtapos at matupad ang iyong mga pangarap sa akin, Mahal na mahal ko po kayo