PRIMERO

5 0 0
                                    

Tinitigan ko ng mariin ang test paper ko sa physics. Nang marealize ko na mawala ng mangyayari sa papel ko kakatitig ay ipinasa ko na. 

Para lang akong tangang nag aantay ng himala sa papel ko. Inayos ko na ang gamit ako at naglakad palabas ng room. Finals exam pa naman. Di bale, bawi nalang ako sa 2nd sem. 

"Uy Shana sama ka mamaya?" tanong sakin ni Jonas. Nakasandal siya sa pader ay inaantay siguro matapos magexan sina Aedril.

"Oo naman. Kayo ba?" Overnight swimming kasi kami sa isang private resort na 2 days and 2 nights ang ganap namin. Matagal na namin itong naplano pero sadyang nanatiling drawing at mamayang gabi lang makukulayan. Para sa inyong kaalaman, grade 10 pa lang kami naplano na namin ang lahat. Dapat kasi after moving up kami magswimming ang kaso. Kaso. Habang palapit ng palapit ang petsa, paunti ng paunti ang kasama. Sa wakas naman ay matutuloy ngayon dahil may sembreak kami ngayong grade 12.

"Sa wakas matutuloy din. Excited na koooo." Ngiting ngiti si Zee habang may pagheadbang pa. Baliw talaga ang babaeng ito. 

"Una na kami nina Joshua ha." Paalam ko kay Jonas. Tatambay muna kasi kina Zee. 10am pa lang kasi tapos 7pm pa ang kitaan namin sa tagpuan mamaya. Sa halip na umuwi sa kanya kanyang bahay, napagpasyahan namin nina Nathalia, Melody at Joshua na tumambay nalang muna kina Zee tutal ay malapit ang bahay nila sa plaza. 

Dumaan muna kami sa supermarket para mamili ng pagkain. Balak din kasi namin na magmovie marathon para pangpalipas oras na rin.

"Ang dami naman niyan Melody. Iyo lahat yan?" gulat na tanong ni Joshua. Halos mapuno na kasi yung dala niyang basket ng junkfoods at kung ano ano pang pagkain. 

Natatawa naman ako at si Nathalie dahil lahat kami ay may bitbit na basket pero pinakagabundok ang laman ng basket ni Melody.

Dalawang pansit canton na spicy ang binili ko, isang pack ng fita na spicy tuna at isang pack ng sugo na kulay red tapos isang lata ng root beer. Madami man akong binili naniniwala pa rin akong mas madami ang kay Melody.

Nagbayad na kami at pumunta na sa bahay ni Zee.

Pagdating namin ay inilapag na namin ang mga gamit namin sa kwarto ni Zee dahil dun daw kami tatambay. Inihanda na namin ang mga binili naming pagkain habang nagseset up na si Zee ng horror movie. Horror movie daw eh, para daw may thrill kuno.

Nakaupo kami lahat sa lapag habang mga may katabing kumot at kumakain. Nagsimula na yung movie. Tahimik kaming nanonood at puro nguya ang naririnig.

"Zee palakas naman ng aircon." sabi ni Melody. 

"Aba ayoko nga. Ikaw na. Ano may utusan ka pa?" sagot ni Zee.

"Shhhh! Ang ingay!" reklamo ni Joshua.

"Ako na nga! ang tatamad niyo!" sagot ko at tumayo para lakasan ang aircon.

Pansamantala kaming natahimik. Pansamantala. Nagsimulang humagikhik ng mahina si Nathalie at sinaway na naman siya ni Joshua.

"Ano bang nakakatawa? Horror a?" sabi ko. Natuluyan na siya tumawa ng nakanganga at may paghampas hampas pa sa lapag.

"Kasi.. hahaha.. yung babae.. hahaha kamukha hahaha ni hahahatangina" halos hindi na makahinga si Nathalie sa kakatawa pero nakatingin lang kami ni Melody sa kanya. Natatawa naman si Joshua at si Zee sa tawa ni Natalia.

"KAMUKHA NI MELODY HAHAHA! Deadly weapon din. HAHAHA!" So ayun na nga. To make the lng story short, walang takutang naganap. Paano ba naman. Lahat na ng bagay tinawanan namin. 

3pm na nung naisipan namin na maghanda na. Naligo na kami at nagbihis na ng kanya kanyang pormahan. Sinuot ko na sa loob ang one piece na kulay navy blue at pinatungan ko ng tshirt na v-neck na white at maong na shorts at sandals na lace-up. So ayan nga. Hindi talaga ako maalam pumorma kaya tshirt shorts nalang. Alangan namang mag pantalon ako kung sa swimmingan ang punta. Ang mga fashionista kong kaibigan ay mga naka dress na pang beach, yung halos see through na at si Joshua naman ay nakapang boracay na outfit. Alam niyo yun? Yung may tshirt na white sa loob tapos pinatungan ng polo na hindi nakasara tapos naka shorts. 

Halos 8pm na kami nakarating sa kitaan. Alam na, pag sinabing 7pm, 8pm pa talaga yun.

Binati na ni Zee sina Jonas kasama sina Aedril Luke at Grahan na ang lalakas din makapormahan. 

Napaisip tuloy ako kung swimming ba ang pupuntahan namin o photoshoot eh. 

Nagjeep na kami papunta sa resort. Ang lalakas makapormahan, magjejeep lang pala. Pinagtitinginan tuloy kami nung mga kasakay namin sa jeep. Kasi naman siyam kaming mga nakapormahan tapos itong si Aedril, hindi ko alam kung anong hangin ang pumasok sa utak nito  at may dalang salbabida na may giraffe na ulo.

Mga 45 minutes ang byahe at narating na namin ang resort. So dahil nga kami ay mga hamak na estudyante lamang ay low bugdet kami. Naarkila namin yung resort dahil private naman siya kaso hiwalay ang bayad ng kwarto. Sa kasamaang palad, isa lang ang naafford namin. Kaya siksikan kaming siyam sa kwarto at pinoproblema kung paano matutulog.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hungry HeartsWhere stories live. Discover now