Bumalik ako sa sasakyan, badtrip at masama ang loob. Sino ba namang hindi mababadtrip sa ginawa niyang 'yon? Nakakainis. 'Di bale na nga, kiss lang naman 'yon. 'Pag ako nainis lalaplapin ko na lang siya bigla.
Sabi niya umalis na 'ko at siya na raw bahala umuwi. Bahala siya talaga, 'di ko siya susunduin. I was driving my car at mahigit sampung minuto ko na ring binabaybay ang kahabaan nitong highway pero 'di ko alam kung sa'n ako pupunta.
Kung uuwi ako, wala akong kasama sa bahay. Nakakasawa na mapag-isa. Kung hihintayin ko naman 'yong wife kong makauwi baka mamuti lang ang mata ko kahihintay sa kanya, 'di ko rin siya maso-solo. Hindi niya rin sinabi kung anong oras siya uuwi, e. Hindi rin naman uuwi si Jam dahil may baon siyang lunch.
Alright. Alam ko na! Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang taong pumasok sa isip ko.
"Hey, bro?" sagot ni Carlos matapos sagutin ang call ko.
"Hoy, taba, nasa'n ka?" tanong ko. Hindi ko siya tinawag sa pangalan niya. Badtrip ako, e.
"Nandito sa bahay, bakit may angal ka?" tanong ni gago. Badtrip na nga ako, babadtripin pa yata ako lalo.
"Badtrip ako ngayon, p're. Puking ina mo ka!" sabi ko na tinawanan lang niya.
"Bakit?" tanong niya habang natatawa pa rin.
"Pupunta ko r'yan sa inyo," sagot na malayo sa tanong niya. "I'm on my way," sabi ko pa. Tinapos ko na ang call 'di pa man siya nakakasagot ng 'oo' o 'sige'.
Madali ko namang narating ang bahay ni Carlos dahil hindi gaanong traffic.
"So gano'n pala ang nangyari?" tanong ni Carlos sa 'kin matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari kanina sa 'min ni Myz. "Dahil do'n na-badtrip ka?" tanong niya ulit sa 'kin tapos tumango lang ako.
Nandito kami sa second floor ng bahay niya dahil sabi niya mas maganda raw do'n magkwentuhan. Nakaka-relax naman dahil kitang-kita ko ang kalawakan nitong subdivision at ang magandang tanawin sa malayo. Kahit papaano ay nabawasan ang init ng ulo ko.
"Tang ina, bakit?" tanong ko sa kanya dahil bigla siyang lumapit sa 'kin tapos inilalapit niya na 'yong mukha niya sa 'kin.
"Iki-kiss lang kita, bro. Kawawa ka naman, e." Sabi habang nakangisi sa 'kin.
"Ulol," sabi ko naman sa kanya. "Sapak gusto mo?" Napalayo naman siya sa 'kin at natahimik. Natakot siguro.
"Alam mo, sa totoo lang may date talaga ako ngayon, e, pero kinansela ko 'yon para sa 'yo tapos 'yon lang pala ang problema mo? Hindi ka lang kiniss ng asawa mo? Wow! 'Di mo ba 'ko tatanungin kung sino 'yong itine-text ko ngayon? Siya lang naman 'yong babaeng ka-date ko sana ngayon at sinabi ko sa kanya na hindi ako makakasipot dahil kailangan ng kaibigan ko ng dadamay sa kanya sa problena niyang hindi naman kadamay-damay dahil sobrang babaw lang naman. What... the... fuck... Message sent." Gigil niyang saad saka ngumiti ng napipilitan lang. Iniharap niya pa sa 'kin ang phone niya para ipakita 'yong message.
"Bro, 'di mo 'ko naiintindihan, e. Nagbago na si Myz, hindi naman sa nagbago pero ang ilap niya kasi masyado. Ni hindi ko man lang siya mahawakan o makausap ng matino," kwento ko habang nakatingin lang sa banas niyang pagmumukha.
"Ba't kasi naglalandi ka pa, e, alam mo namang may asawa ka." Ibinulsa niya ang cellphone niya saka tumingin sa kawalan. Nababanas siya dahil siguro na-postponed 'yong date niya. Mas importante naman siguro ako kaysa ro'n dahil kaibigan niya 'ko.
"Oo na, mali na nga ako, e! Ano ba? Kaibigan ba talaga kita? Dapat nag-a-advice ka," saad ko. Hindi ko naman itinatanggi na nagkamali ako pero gagong kaibigan kailangan pang ipamukha.
"Oo pero 'wag kang mag-expect ng love advice sa 'kin. Seryoso ka? Wala nga akong syota tapos hihingi ka sa 'kin ng advice? Alam mo bro, inom na lang tayo." Akala ko sa mga taong walang experience sa love, e, magagaling mag-advice. No, not Carlos. Inom agad ang nasa isip niya. Napailing na lang ako.
"Ayan na naman tayo sa inom inom na 'yan, e. Ayoko mag-inom," tanggi ko. 'Di pa nga ako nakaka-move on sa nangyari no'ng nakaraan, e, tapos nag-aaya na naman siya.
"'Di 'wag, sinayang ko lang oras ko sa 'yo. Nagde-date na sana kami ni..." wika niya pero hindi niya itinuloy.
"Nino?" tanong ko naman. Mukhang importante rin yata ang taong nais niyang tukuyin dahil hindi naman siya maba-badtrip ng ganito kung 'di importante 'yon, e.
"Wala," tugon niya habang ako ay nakatingin lang sa kanya. Nagninilay sa reaksiyon ng kanyang mukha. Hindi ko naman na siya tinanong pa kahit na sobrang weird niya. Akala niya kasi sobrang seryoso ng problema ko pero kasalanan niya naman 'yon dahil sabi niya nasa bahay lang siya. 'Di niya naman sinabi na may lakad siya.
Ah! Oo nga pala, 'di ko kasi siya hinintay sumagot. Tinapos ko kasi kaagad 'yung call. Nevermind. Ano naman kayang sadya ni Myz sa coffee shop na 'yon? Hmm. Anong gagawin niya ro'n? Hmm.
BINABASA MO ANG
LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERA
Любовные романыSPG | R-18 | Mature Content In the Tiu pad, the age-old adage of 'a good husband makes a good wife' is put to the test. Mule, once a notorious jerk, a badass boy, and a womanizer, now conceals not only his wild past but also a clandestine mission th...