Itim Na Nakaraan Part 2

254 5 2
                                    

THREE WEEKS AGO

 

"Alam niyo ba 'yong tsismis na may nagpapakita daw Black Lady sa third floor?"

Mula sa binabasa ay napatingin si Michelle sa room mates niyang sina Lavender at Zinah. Kinilabutan siya sa topic ng mga ito.

"Oo. Pero sabi ni Miss Lea 'wag na lang daw pansinin." ani Zinah.

Si Miss Lea ang nangangasiwa ng dorm nila. Apat silang magkaka-room mate. Siya, si Regine, Lavender at Zinah. Ang dorm nila ay mismong nasa loob ng all-girl-school, ang Crescent Academy. Pare-pareho silang nasa first year college bagama't iba-iba ng kurso.

Napatingin sila sa pinto ng may kumatok doon ng sunud-sunod. Binuksan niya ang pinto at nabungaran niya si Mary, second year Engineering student, nasa third floor ang room nito.

"Bakit?" tanong niya dito.

Hindi ito sumagot pero hinila siya nito. Umakyat sila hanggang sa third floor. Nakita niyang nagkakagulo ang mga estudyante umuokupa sa third floor.

Anong mayroon?

 

Nakarinig sila ng sigaw. Pinuntahan nila iyon at nagulat siya ng makita ang kaibigang si Regine. Naka-upo ito sa sahig at nagwawala.

"Regine!" tawag niya nang makalapit dito. "Anong nangyari?" tanong niya sa mga naroon.

"Nakarinig kami ng sigaw. Tapos paglabas namin nakita namin siyang nakasalampak sa sahig. Nang lumapit kami, nagsisigaw na siya." sagot ni Lilac. Classmate nila ito ni Regine.

"A-ahhhhhhh," sigaw muli ni Regine. Nagtakip pa ito ng kamay sa magkabilang tainga na animo hindi gusto ang naririnig.

Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. "Regine! Regine! Ako ito si Michelle! Ano bang nangyayari sa'yo?"

Sumigaw at lalong nagwala ito. Pilit inaalis ang mga kamay niya. Mahigpit niya itong hinawakan subalit tila may malakas na puwersang mayroon ang kaibigan niya. Tinabig siya nito dahilan upang bumalandra siya sa sahig.

"Aray!" daing niya. Tinulungan siya ni Lilac. Ano ba ang nangyayari sa kaibigan niya?

Walang nagtatangkang lumapit dito dahil sa takot. Dumating si Kuya Badong, security guard ng dorm at si Miss Lea.

"Diyos ko!" bulalas ni Miss Lea. "Badong hawakan mo ang mga kamay niya." utos nito sa guard at lumuhod ito sa harap ng kaibigan at naglabas ng rosary.

Nagsimula ito magdasal. Hinawakan nito ang ulo ng kaibigan. "Umalis ka sa katawan ng batang ito. Sa ngalan ng Panginoon, lubayan mo siya!"

Parang slow motion ang lahat. Unti-unting tumigil sa pagwawala ang kaibigan. Nakayukyok na lamang ito.

Forbidden FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon