Tumingin Saking Mata...

6 1 0
                                    

Naglalakad ako papunta sa bagong eskwelahang aking pagtuturuan ng maisip ko sya.Matagal na ring panahon.

Mahirap ang maging guro. Marami kang mga aasikasuhing bagay tulad ng paggawa ng mga exam at reports. Idagdag mo pa ang pagaaral ng masters. Nakakaloka! Kaya minsan gusto mong mag-de stress. Naisipan kong maglaro. SOR o Sword of Romance, yan ang tawag sa larong aking na-i-download sa aking android phone.

Maraming alaala sakin ang SOR. Nagkaroon ako ng mga kaibigan at mga kalaro. Nalaman ko na ang buhay ay di lamang umiikot sa apat na sulok ng paaralan.

Nakilala ko din siya. Isang kaibigan tunay na napalapit sa akin. Sayang nawala siya ng di man lang nagpaalam. Nawala siya ng walang sabi-sabi. Hindi ko man lang nasabi sa kanya ang salitang salamat. Hindi ko kasi nasabi na isa syang mahalagang tao sa buhay ko.

Ang drama ko haha. Past is past. Kailangan ko maka-move on. Marami akong dapat gawin lalo't nalipat ako ng trabaho at bahay. Wala pa naman akong kaalam alam dito sa BGC (Bonifacio Global City).
Nakakagutom magdrama, mabuti pa siguro kumain ako somewhere dito.
Pumasok ako sa isang restaurant, wala masyadong tao dahil maaga pa. Medyo busy din ang mga staff. Naupo ako sa sulok. Matagal pa naman ang pasok ko kaya nagbukas ako ng SOR at binasa ang huli kong pakikipagusap sa kanya...
Pero hindi na ito lumalabas. Na-delete na siguro ng system. Kaya nakatingin lang ako sa blangkong LCD ng aking phone. Nakatingin ako sa kawalan. Nakatingin ako. Umaasa ako na baka sakaling bumalik sya. Nakatingin ako sa kanya. Nakatingin ako at umaasa na titignan niya akong muli.

"Ma'am may i take your order?" sabi ng lalaking waiter na kanina pa nakatingin sa akin at umaasang umorder na ko pero nakatingin parin ako sa screen ng cellphone ko.

Hindi ako makasagot. Hindi ko pa nakikita ang menu.

"Ma'am ?"

"Isang Gelatin.... " nasabi ko kahit hindi ko alam kung may gelatin ba sa menu nila.
Nakatingin pa rin ako sa cellphone ko.

"Gel..atin?" tanong ng waiter.

"Oo, isang Gel...." napatigil ako nung makita ko ang mukha ng taong kumukuha ng order ko.
Ang taong hinahanap ko. Ang taong tinititigan ko sa blangko kong LCD. Nasa harap ko sya ngayon. Siya.

"Ro... Romel?!" tanging bigkas ko.
"Angel." nakingiti nyang sagot.

Sa Iyo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon