[ Miya's POV ]
Lunes na naman at maaga ulit akong pumasok. Naka-upo ako at naghihintay ng mga magpapatutor. Nag-iisip-isip ako. Nakakahiya mang sabihin pero naiisip ko yung utak-butiking 'yun.
Naiisip ko siya kasi nacu-curious ako kung binasa niya kaya yung notebook na ibinigay ko o baka binasura na niya 'yun. Peste naman siya kung ganun pero posible pa rin kasi nga utak - butiki talaga 'yun. Bahala siya. Erase. Erase na nga lang.
May kumatok sa nakabukas na pinto ng office. Kaagad kong tinignan kung sino ito. Siya ulit. Si Catherine ang kumatok.
"Pasok ka," sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya at pumasok. Umupo siya at nagpaturo uli sa geometry. Napakamasiyahin niya tapos mabait siya at magalang pa.
Nga pala, siya kaya yung nagsulat ng letter? Matanong nga dibale tapos naman na akong magturo sa kanya.
"Uhm, may gusto sana akong itanong."
"Ano yun ate?" sagot naman niya.
"Kilala mo ba si Price?"
"Si Price?? May gusto ka rin sa kanya ate?" bigla siyang kinilig tapos nanlaki ang mga mata niya.
"Hah? Hinde!!! over my dead body," agad ko namang sagot.
"Sobra ka naman ate. Ang gwapo-gwapo niya. He looks perfect."
"Nagsulat ka ba ng letter sa kanya?" tanong ko tapos bigla siyang nahinto sa pagsasalita at mukhang naging seryoso ang kanyang mukha.
"Aa-ee. Opo pero hindi ko alam kung nabasa niya kasi... kasi"
"Iniwan mo sa tapat ng waiting shed?" bigla kong sinabi.
"Waah? Pa'no niyo po alam?"" tapos bigla siyang napatingin sa akin.
"Nakita ko kasi yung letter. Huwag kang mag-alala, nabasa niya 'yun. Nakita kong binabasa niya."
"Yaaay!! Talaga po?!"
Kinikilig siya.
"Hay. Kung alam mo lang sana kung ano ang inabot ko dahil lang sa letter mong 'yan," mahina kong bulong sa sarili ko.
"Aa? May sinasabi po kayo?"
"Wala- wala... ehehehe. Sige, alas-otso na, pasok ka na."
"Aa. Sige po. Bye po."
"Sige."
Mga bata nga naman ngayon marunong na sa mga letter-letter na ganyan. May I love you pa talaga. Tsk. Tapos, sa taong 'yun pa. Ang weird naman.
Tama nga ang hinala ko, siya nga iyon. Sows. Kawawa naman pala siya kung sa kanya sinabi yung mga sinabi sa akin ng utak-butiking yun.
LUNCH
Gutom na gutom na kami dahil maraming pinagawa sa klase. Dumiretso na kami sa canteen. Siyempre, spaghetti pa rin ang i-oorder ko. Gustong gusto ko talaga ng spaghetti.
"Oh my, iisang bowl na lang ang natira," bulong ko sa sarili ko. Nauna na sina Shin na nakabili ng pagkain nila kaya nauna na silang umupo. Tinanaw ko sila at nakita kong hinihintay nila ako.
"Miss, isang spa--"
Tapos biglang may tumabi sa akin tapos nagsalita kaya napahinto ako sa pagsasalita. O-order na sana ako e.
" 'Yang spaghetti po sa akin," tapos agad-agad niyang nilabas yung wallet niya.
"Hoy! Akong nauna riyan. Saka may pila dito!" sigaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Si DANCER at AKO
Подростковая литератураDalawang mundo. Dalawang personalidad. Parehong ayaw paawat. Parehong nagtatago. Parehong ayaw magpakita ng totoo. Isang kwento ng landas na pinagtagpo. Kwento ni President Miya at ni Dancer Price. Kwentong pinaghalong romance, comedy at drama . Paa...