Sumakay ako sa kotse ko habang si Carlos naman ay nakasakay din sa kotse niya. Nang makarating kami sa bahay namin ay sinecure ko muna sa garage ang kotse ko bago tuluyang umalis at puntahan si Myz.
"Bro, pa'no kung may ka-date na ibang lalaki si Myz?" ani Carlos na nag-uumpisa na naman magtanong ng mga bagay na tiyak na ikagagalit ko.
"Loko, wala 'yon. 'Di magagawa ni Myz 'yon," sagot ko naman. Nakasakay na 'ko sa kotse ni Carlos ngayon at papunta na kami sa coffee shop na pinuntahan ni Myz.
"Paano nga kung mayro'n?" pilit na tanong ni Carlos.
"Edi bubugbugin ko kung sinoman siyang malakas ang loob na makipag-date sa asawa ko, si Myz ay para sa 'kin lang," seryoso kong sagot pero tinawanan lang ni Carlos. Siraulo talaga siya. Pinagtitripan niya 'ko.
"So sweet naman pala..." sabi niya saka tumawa na naman. Lakas niyang mang-inis.
"Mag-concentrate ka na lang sa pagda-drive, dami mong satsat animal ka," sabi ko na lang. Trip niya talagang bwisitin ako, e.
"Nandito na tayo," ani Carlos makalipas ang ilang minuto. Nakahinto na rin ang sasakyan sa gilid ng kalsada katapat ng coffee shop na pinagbabaan ni Myz kanina.
"Oh, nakikita ko si Myz..." gulat ako sa sinabing 'yon ni Carlos kaya naman nataranta ako.
"Nasa'n? Nasa'n? Tabi d'yan gusto kong makita," sabi ko habang hinahawi ang malapad niyang katawan.
"Mukhang wala pa ang ka-date niya," aniya kaya naman binatukan ko siya.
"Wala sabi siyang ka-date, e!" Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman natahimik siya.
"Ay..." sabi niya habang nakatingin sa direksiyon ni Myz kaya ibinalik ko na rin ang tingin ko.
"Nasa'n si Myz, bro? Umalis ba siya?" Hinanap ko si Myz pero hindi ko na siya nakita. Saan naman kaya siya napunta?
"Hindi bro, may dumating lang na customers. Umupo sila sa bakanteng table sa harap ni Myz," seryosong tugon ni baboy.
"E, paano natin makikita? Kung nahaharangan siya?" Tiningnan ko si Carlos. Naba-badtrip na kasi ako, e. Mukha namang may maganda siyang opinyon kaya hinintay ko siyang magsalita.
"Come on, dude. I got a plan," ani Carlos tapos kumindat-kindat pa.
Naglalakad na kami ngayon papasok ng coffee shop. Ito ang planong sinasabi ni Carlos. Papasok kami sa coffee shop para mas makita namin ng malapitan sila Myz kung may katagpo man siya o ano.
Nakikiayon naman sa 'min ang sitwasyon dahil nakakita kami ng table na bakante katabi ng table na pinupwestuhan ni Myz.
"Bro, nakikita mo ba ang nakikita ko?" tanong ni Carlos na ang tinutukoy ay ang table na bakante.
"Oo, um-order ka na tapos uupo na 'ko ro'n baka maunahan pa tayo," sabi ko naman tapos tumango naman siya. Tinapik ko pa siya sa balikat bago siya pumila.
Kampante naman kami na hindi kami makikilala ni Myz dahil naka-face mask kami ni Carlos. Si Carlos ay naka-shades tapos nakasuot ng white face mask. Ako naman ay naka-cap ng black tapos naka-black face mask.
Naupo na ako sa upuan katapat ng table ni Myz at wala siyang kaalam-alam na nasa tabi niya na ako. Talikuran kaming magkatabi. Maya-maya pa ay dumating na si Carlos.
"O, ano na bro?" tanong niya. Sinenyasan ko naman siya na tumahimik medyo napalakas kasi ang boses niya.
"Wala pa rin," mahinang sabi ko.
"Hintayin lang natin," sabi naman ni Carlos. Mayamaya ay narinig naming nagsalita si Myz.
"Nasaan ka na ba?" aniya. May kausap siya sa phone. Sino naman kaya 'yon? "Ang tagal mo naman? Nandito ka na? Nasa'n ka?" Nagpalingon-lingon kami sa paligid nang marinig namin 'yon. Sabi kasi ni Myz nandito na 'yong kausap niya sa phone.
Napatingin ako kay Carlos at umiling lang siya. Lahat ng pumapasok sa pinto ay tinitingnan namin pero walang lumalapit kay Myz. Mayamaya ay kinalabit ako ni Carlos at itinuturo niya ang nasa likod ko which is Myz.
Napatingin naman ako at tama nga si Carlos dahil may nakatayong babae sa harap ni Myz. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil napagtanto ko na walang lalaki si Myz. Babae ang katagpo niya at sa tingin ko ay si Hera 'yon, friend niya no'ng highschool, namukhaan ko kaagad dahil 'di naman madaling makalimutan ang mukha ng mga kaibigan ni Myz dahil dadalawa lang naman sila. Isa pa, hindi naman gaanong nag-matured ang mukha nitong si Hera saka pala-post din siya sa social media kaya naman alam ko na siya agad 'yon.
"Hay, ang tagal mo naman!" iritang sambit ni Myz. Obvious naman na kanina pa siya naghihintay. Nanggaling pa ako kila Carlos tapos umuwi pa 'ko ng bahay tapos pagkarating namin sa coffee shop, wala pa rin itong si Hera at kadadating niya lang.
"Sorry, medyo natagalan lang pumili ng outfit. O, bakit? Ano bang chika?" ani Hera na gano'n pa rin ang pananalita gaya ng dati.
"Bro, sino 'yon?" tanong ni Carlos. Inilapit ko muna ang mukha ko bago sumagot.
"Si Hera," sabi ko sa pabulong na sambit. Napatango naman si Carlos na akala mo'y iniisip kung sino ang babaeng 'yon. Hindi ko na pinansin si Carlos at nakinig na lang ako sa usapan ng dalawa sa likod ko.
"Wala lang. Gusto ko lang ng kausap." I'm sure na boses ni Myz 'yon.
"Si Mule ba?" tanong ni Hera dahilan para ma-curious akong lalo sa pag-uusapan nila. Hindi umimik si Myz, so ibig sabihin ako nga.
"Hay nako, Myz. 'Di pa rin kayo okay?" ani Hera na sa tingin ko ay nadidismaya sa nalaman.
"Bakit? 'Di mo pa rin napapatawad?" tanong pa ni Hera kahit na 'di nagawang sagutin ni Myz ang mga nauna niyang katanungan.
"Napatawad naman na, kaya lang..." ani Myz na tila nag-aalangan sa sasabihin.
"Kaya lang ano?" tanong ni Hera. Iyon din ang nasa isip ko, e! Pabitin pa kasi ang Myz na 'to.
"Naiinis ako..." sabi ni Myz. Narinig kong lumangitngit ang kanyang upuan kaya naman napalingon ako. Nakahalukipkip siya ngayon tapos umiirap-irap pa. Kaarte ng asawa ko talaga!
"Dahil?" tanong ni Hera kay Myz na medyo hininaan ang boses. Napatingin din kasi siya sa 'kin no'ng nilingon kong saglit si Myz kaya naman binawi ko agad ang tingin ko dahil baka mamukhaan niya pa ako kung magkatitigan kami ng matagal.
BINABASA MO ANG
LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERA
RomanceSPG | R-18 | Mature Content In the Tiu pad, the age-old adage of 'a good husband makes a good wife' is put to the test. Mule, once a notorious jerk, a badass boy, and a womanizer, now conceals not only his wild past but also a clandestine mission th...