Prolongue

3.4K 30 11
                                    

PROLONGUE

Ganun ka na ba talaga katapang para malaman ang madilim na sikreto ng  buhay ng tao?

Ganun ka na ba talaga kadesperado para masilip ang nakakatakot at nakakahimbal na konsikuwensya ng mga kasalanang labag sa moral ng tao?

Death reveals himself!

Mayroong THREE SIMPLE STEPS para ang kaluluwa mo ay mapunta sa “impyerno”.

Hindi natin gusto ang mapunta sa impyerno, pero sarili nating galaw ang magsasabi kung pupunta ba tayo o hindi.

Marami sa paligid natin ang tinatawag na soul trader. Hindi sila tao pero mga espirito sila sa anyo ng isang tao. Sila ang dapat nating iwasan dahil sa oras na makagawa tayo ng masama sa kanila, sila mismo ang bebenta ng ating kaluluwa sa impyerno. Kapalit ng paghihiganti nila’y isasangla nila ang ating mga kaluluwa sa impyerno at wala tayong magagawa doon.

Malalaman na lamang natin na nakasangla na ang ating mga kaluluwa sa impyerno sa oras na mararanasan natin ang tatlong simpleng paraan ng pagpunta sa impyerno, o kung sa mga matatanda pa, ito ay tinatawag na THREE STEPS TO HELL.

Una na riyan ang NIGHTMARES. Hindi simpleng nightmares kundi ang pababalik-balik na bangungot na kadalasan ang laman ay mga bagay na kinatatakutan mo. Ito ay magtatagal ng ilang linggo na magpapabagabag sa sarili mo.

Bigla na lamang yan mawawala nang hindi mo inaasahan. Akala mo’y tapos na ngunit lalo ka dapat matakot sapagkat sa oras na huminto ang mga panaginip na ito, mapupunta ka na sa ikalawang step, ang REALIZATION kung saan mumultuhin ka hindi lang sa panaginip mo kundi sa totoong buhay, kahit na ika’y gising!

Ang ikatlo at huling step ay ang ang DEATH kung saan ika’y mamatay dala na rin na natalo ka na at sumuko ka na sa kamay ng kamatayan. Lalabas ito sa paningin ng mga tao na isa lamang itong normal na aksidente. Sa oras na ikaw ay mamamatay, direktang pupunta ang kaluluwa mo sa impyerno.

Wala ka nang magagawa, wala ka nang ligtas!!!

At isa pa nga pala, sa pagdaan ng proseso ng tatlong steps na ito. Mapapansin mong may susunod sa iyong isang batang babae. Isa itong batang babae na nakasuot ng puting dress at puting ribbon.

Duguan ang batang ito, buong damit niya pati na rin ulo.

May bitbit itong manika na nagsisilbing laruan niya. Siya si Monica, madalas ay makikita mo siyang sisilip sa bintana, sa pintuan o kaya naman ay nagtatago sa ilalim ng iyong kama o sa loob ng aparador, madalas sa madidilim na kanto o espasyo. Binabantayan ka niya upang siguraduhin na ika’y nasa tamang proseso ng pagpunta ng iyong kaluluwa sa impyerno. Makikilala mo siya sa malamig na huni ng kanyang boses.

Ngayong alam mo na ang tinatagong sikreto ng buhay ng tao, may lakas ng loob ka pa rin bang saktan ang kapwa mo?

 

Hindi mo alam, na ang kapwa mong ito ang siyang dahilan para ang kaluluwa mo’y maibenta sa impyerno… Ikaw ay maisasalang sa THREE STEPS TO HELL at wala ka nang kawala kundi ang mapunta sa impyerno!

 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

~Lah.nah.nah.nah.naaah… Lah.nah.nah.nah.naaaah… Lah.naaah… Lah.naaah.. dah.daaah…”

 

“What is she doing?”

 

“My God what is she doing?”

 

Hindi nila alam kung anong ginagawa ng matandang babae sa labas ng bahay kung nasaan sila sa kasalukuyan. Nakasilip lamang sila sa bintana at pinagmamasdan ang ginagawa ng matanda sa lupa.

Ang matanda ay nakasuot ng madumi, at sira-sirang damit at may balabal na itim.

Nakapungos ang magulo at puro patay niya na buhok at may mapuputi siyang mga mata at sira-sirang mga ngipin.

Paminsan-minsan ay tititig ito ng masama sa limang kabataan na nasa loob ng bahay na puro nakasilip sa bintana habang siya ay may ginuguhit sa lupa gamit ang nakuhang kahoy at humuhuni ng nakakatakot na tono.

“Hayaan niyo siya, she’s crazy!” ang sabi ng isang lalaki.

Huminto siya sa pagmumuni, binitawan niya ang hawak na kahay, at tumingala sa langit.

“Confiteor tibi domine quinque tenebras animae peccatum commiserunt”

 

 Lumuhod ang matanda sa lupa habang binabanggit ang mga salitang iyun sa kakaiba nitong boses. Malamig, malalim, nakakatakot…

Lumakas ang hangin sa paligid at biglang umitim ang langit.

“Anong nangyayari? Natatakot ako…” lahat sila sa loob ay nakakaramdam na ng takot habang pinapanood ang matanda.

Tila isang ritwal ang ginagawa niya na hindi malaman ng lima kung anong ibig sabihin. Ngunit ramdam nila ang kakaibang sindak at takot.

Biglang kumulog ng malakas at kumidlat. Kasabay ng malakas na hangin ay tumingin ang matanda sa mga nasa loob ng bahay. Nanlilisik ang mga nagpuputiang mata niya.

Totoong akakatakot ang mukha ng babae.

 Bigla siyang sumigaw.

 

“MASUSUNOG ANG KALULUWA NIYO SA IMPYERNO!!! KAYONG LIMA! MASUSUNOG ANG KALULUWA NIYO SA IMPYERNO!!!!!”

Three Steps To HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon