¨So, nililigawan mo talaga tong babaeng ito?¨ tanong ni Bryan kay Lester sabay turo sa akin
Babaeng ito? Really? Yan na ang tawag mo sa akin?
¨Oo bakit? Wala namang masama kasi single naman siya.¨ sagot ni Lester.
¨Tamuuuh!¨ -- pag-sang-ayon ni Lia. Tsk! Epal masyado =____=
¨I never said you can, Lester.¨ napatingin silang tatlo sa akin. Bakit? Totoo naman.
Nakita kong ngumiti si Bryan.
¨See? Sabi na eh, hindi ikaw ang type nitong si Ynna.¨ pang-aasar niya kay Lester. Masaya ka na niyan?
¨Ayos lang kahit hindi niya ako type, seryoso naman ako sakanya.¨ FACE PALM! Bakit ba ang daming alam nito?
¨Tsk! Bahala ka, basta dadaan at dadaan ka pa rin sa mga kamay ko.¨ -- seryosong sabi ni Bryan. Ano daw?
¨Ha?¨ -- si vegetariang epal nagreact.
¨Pinagsasabi mo?¨ tanong ko kay Bryan.
¨Kasi bestfriend ko siya at hindi ako papayag na mapunta lang siya sa kung sino sino lang.¨ seryosong sabi ni Bryan.
My heart skipped a beat.
How could he say that?
¨Bestfriend ka lang niya pare, hindi ka niya tatay.¨
¨Tsk! Eh ano ngayon, ikaw? Sino ka ba sa buhay niya. Bakit ka ba kasi bigla biglang sumusulpot?¨ ano bang meron sa dalawang lalaking ito? Medyo umiinit na ang paligid.
¨Okay, what's going on?¨ tanong ni Lia, napansin din niya ata na hindi maganda ang aura ng dalawa.
¨HAHAHAHAHAHAHA!¨ --- tumawa ng malakas si Lester.
What now?
¨Bakit ka ba ganyan makapag-react pare? Nagseselos ka ba?¨ nakangiti si Lester kay Bryan.
Nagseselos sino? Si Bryan? Talaga?
¨A-AKO? Nagseselos? Kanino? Sa inyong dalawa? Tsk! Patawa ka ba?¨ natatawang sagot ni Bryan. Tsk! Umasa nanaman ba akong nagselos siya?
¨Bakit ako magseselos eh nandiyan naman si Lia.¨ kinindatan niya si Lia, at si vegetarian naman eh kita mong kinikilig.
May pa-boyish boyish pang nalalaman, malandi rin naman pala sa loob. Psh!
¨Wala akong pakialam kung maging kayo man ni Ynna, kung kayo nalang lagi ang magkasama, ang akin lang dadaan ka sa akin para masiguro ko na karapat dapat ka. Hindi ako nagseselos noh, mag bestfriends lang naman kami eh, bestfriend ko lang siya, diba Ynna?¨
Mag bestfriends lang naman kami eh, bestfriend ko lang siya...
Mag bestfriends lang naman kami eh, bestfriend ko lang siya...
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Novela Juvenil¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown