Chemistry of Love - One Shot

521 23 12
                                    

Kamoteng kahoy talaga! Meron raw kaming recitation sa Chemistry! O___________________O 

Ang masaklap...

Hindi ako nakapag-aral!

Ni hindi ko man lang nabuksan kahit saglit yung notes ko! May ugali pa naman itong Chemistry teacher namin na si Ms. Arcos na kapag hindi ka nakasagot sa recitation, tatayo ka for the whole period AT free ang classmates mo na magtanong ng two questions. Ansave naman diba? 

Mga tanong pa naman ng mga kaklase ko minsan... lakas makasira ng ulo.

"What is the difference between mass and weight?" tanong ni Ms. Arcos

Aguuuuuur.  Ano ba yun?! Bahit halos lahat ng classmates ko alam ang sagot? Anak ng pitumpu't pitong puting tupa naman oh! ( _ _) Yumuko na lang ako kasi di ko rin naman alam ang isasagot eh. 

"Oh I see that Ms. Abad would like to recite today."  tanong ni Ms. Arcos sa akin

HUHUHU =(( Sabi ko na nga ba eh, tatawagin ako nito eh. Ako lang ata kasi ang di nagtataas ng kamay. 

"So Ms. Abad? What is the difference between mass and weight?"  

Nakatingin na lahat ng classmates ko sa akin. Lalo akong nanlamig nang makita ko na pati  rin si Paul, yung first honor slash crush ko ay nakatingin sa akin. Grabe na talaga to! Di na keribels ng bangs ko! Sobrang nakakahiya! Oh lupa, lamunin mo muna ako kahit saglit lang please? 

"I'm sorry ma'am but I don't know the answer." sagot ko kay Ms. Arcos habang nakayuko

 "You know the consequence naman Ms. Abad right?"

"Yes ma'am."

Wag kang mag-alala ma'am, alam na alam ko ang napaka showbiz mong consequence. Tss

 -______-

"So class, who would like to ask Ms. Abad?" tanong ni Ms. Arcos sa klase

Bigla naman nagtaaas ng kamay itong si Andrew at tinanong ako. "Gusto mo ba si Paul?

processing...

processing...

processing...

processing...

processing...

Nyek. Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko yung tanong.

Jusme. Naghihiyawan na ang mga kaklase ko. Lahat sila tila inaantay kung ano yung isasagot ko. Si Paul naman, nakita kong nakatingin na rin. Si Ms. Arcos naman, ang showbiz ng smile. WAAAAH! O//////O At ako naman, nasa processing mode pa tungkol dun sa tanong ni Andrew. 

"Sagot na Jem!"

"Oo o Hindi lang ang sagot diyan!"

"Sayang oras, uy!" 

GRABE!!! Ano na gagawin ko? Para akong binuhusan na sankatutak na red paint sa mukha.  Nakakahiya talaga! Hindi na nga kami nag-uusap nung si Paul eh, tapos mangayayari pa 'to! Eh lalo nang hindi kami magiging close nun. Pero no choice ako, kailangan kong sagutin. Kesa naman tumayo ako sa likod no! Edi para akong estudyanteng may bantayog sa likod. =________= 

 *inhale* *exhale*

"Uhhhhhhhhhhhh, Oo"  pabulong kong sabi

"Ano? Lakasan mo!

"Oo" pabulong ko ulit na sinabi

"Ang hina naman Jemarie oh! Lakasan mo kasi!"

"Oo nga sabi eh! Paulit-ulit?!" sinigaw ko na para marinig ng lahat. 

"Yun yun eh!

"Nice one Jem!"

Ang pula pula ko na siguro. WAAAAAAAAHHHHHH!! Nasa kalagitnaan ako ng pagdadrama ng makita kong nagtaas ng kamay si Paul.  Tumayo siya at humarap sa akin. 

Wait... 

HUMARAP SA AKIN?!?!  >////////< Huhuhu siguro sasabihin niya, "Di kita gusto Jem chuchuchuchu" Sakit naman nun! ( _ _ )

"Gusto mo pala ako ha?" tanong niya sa akin

"Ahh ehhh" kaloka lang, yun lang nasabi ko. 

"Akala ko pa naman, isa ka sa mga di tinatablan ng charms ko."

Huh?! 

Nagulat na lang ako ng...

Bigla siyang ngumiti tapos lumapit sa akin.  Hinawakan yung kamay ko. Mygolly, PDA 'to!! Pero okay lang, si Paul naman eh. Hihi  ang lanjots ^______^

"Bakit ka nauutal? Don't worry, pareho lang tayo. Huwag ka na mahiya, ang lakas nga ng CHEMISTRY natin sa kanila oh.

"Yieeeeeeeeeeh!"

"Aamin na si Fafa Paul, sa wakas!!" 

Aamin? Wow. HAHAHA pwedeng mag-assume na aamin siya ng pag-ibig niya sa akin? HAHAHA

"So, gusto ko lang malaman mo na,

gusto rin kita."

And with that thing he said, hindi ako nagsisisi na hindi makasagot sa recitation sa Chemistry.  :""> May magandang dulot pala yun? HAHAHA =)))) 

Chemistry of Love - One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon