Panimula

8.7K 170 3
                                    

Friends can break your heart, too. Iyon ang paniniwala ni Athos. Nakaupo siya sa batuhan sa labas lamang ng kanilang kampo at nakatanaw sa maaliwalas na langit.

Noong nagdaang tatlong taon, may kung anong kulang sa kanyang dibdib. Nawala ang taong tinuturing na niyang kapatid. Hawak hawak niya ang dogtag nito ng mahigpit, pinapangakong hindi hindi siya kakalimutan kailanman.

Siya dapat ang namatay. Kung hindi siya tinakbo ni Serge, siya sana ang nasa ilalim ng lupa ngayon. Hindi niya makakalimutan kung paano namatay sa kamay niya ang kaibigan, kung paano nito sinabi ang huling kahilingan niya.

"Sir," tawag sa kanya ng kanyang kasapi sa Special Forces. Kagaya niya, makapal na rin ang bigote nito sa kadahilanang ilang taon silang hindi nakakababa sa bundok kung saan sila naglalagi.

"Nandito na po si General. Mag-uumpisa na ang meeting." Anito at agad ding umalis.

Luminga siyang muli sa kalangitan at nilagay sa bulsa ang kwintas ng magiting na kaibigan na ipinangako niyang ibabalik sa nag-iisang pamilya nito, ang kanyang kapatid na nasa Manila at nag-aaral.

Habang naglalakad, ay inaalala niya ang hitshura ng General. Matagal na silang hindi nagkikita at tanging sa telepono lamang nag-uusap. Bigla siyang tinubuan ng kuryusidad sa maaaring hitsura ngayon ng kanyang Lolo.

Pagkabukas niya sa pintuan ng isang tent at sumalubong sa kanya si General Vicente Querio, na sa kabila ng katandaan ay matikas na matikas pa din sa suot na uniporme.

Ngumiti ito sa kanya na kanyang pinalitan ng isang saludo. Sumaludo ito pabalik at inilahad ang upuan.

"Kamusta ka na?" Tanong ng General sa kanyang apo. Batid ng matanda ang mahaba nitong buhok at ang bigote na halos tu akip sa kanyang bibig.

"Maayos naman, General." Sagot niya.

"Quit it for a second, Athos. Mag-usap tayo bilang Lolo at apo." Anang matanda at ngumiti.

Dahil doon, tumayo si Athos at nagtungo sa lalagyan ng thermos para sa ganoon ay makapagtimpla siya ng kape para sa kanila. Nagmano siya sa matanda matapos ilapag ang tasa ng kape.

"Your parents misses you, Athos. Maging si Althea." Ngiti ng matanda.

"I missed all of you, too. Balita ko ay nakapagtapos din si Gregory?" Tanong niya.

Humalakhak si General sa sinabi nito at sumimsim sa kape.

"Oo. Matiwasay namang nakapagtapos iyong si Gregory. Top of his class, too... everyone is keeping an eye on him. Afterall, achievement runs in the blood. Hindi iyon nabigo kailanman sa inyong dalawa ni Kristoff." He proudly said.

Tumango si Athos. He heard that his cousin, Kristoff, is a Captain. Well, lahat ng lalaki sa kanila ay nasa serbisyo. Maging pulis man o sundalo ang tatahakin.

"This is a long trip from the base, General. I suppose, this is a new assignment for us?" He asked after a while.

Ganito si Athos. Hindi siya sa mapakali kahit isang saglit. Noong marinig niya ang pagdatong ng kanyang Lolo sa kampo, hindi niya maiwasang maisip kung ano ang dala nitong assignment.

"I see. You're still the same, Athos... Well," umayos na din si General ng kanyang pagkakaupo at nagseryoso.

Iniabot naman ng isang lalaki ang hawak nitong envelope, at mabilis na binuksan iyon ni Athos.

"Major, this is your new assignment." Ani General.

Picture iyon ng isang simbolong nakaguhit sa isang pader gamit ang dugo. Sa baba noon ay katawan ng isang sikat na pulitiko.

"Congressman Roger Fronda found dead at an alley in Tondo, last week. That symbol is confirmed to be drawn from his blood."

Kinuha naman ni Athos ang isa pang litrato. May katawan din doon at naroon ang kaparehong simbolo.

"That is a chinese businessman, found dead in his condo unit in QC. Same scenario."

"Have any assumptions regarding this matter?" Tanong niya kay General.

"Seems like a vigilante group or a syndicate. Nothing is certain, Major. That what we want your team to find out. You'll fly to QC, next week. Susunduin kayo ng chopper."

"Cynthia will send you more details once you're in the city. This is a special mission for the military. The safety of the public is in your hands."

Huminga si Athos. He'll be back in Manila, next week. Tumayo siya at ganun din si General na naghahanda na sa pag-alis. Nagkamayan sila.

"I believe in you, Athos. Make our family proud."

Tumango siya at niyakap ang matanda.

"I will."

Nang makaalis ang chopper, mabilis niyang tinipon ang mga kasamahan. Pito sila sa grupo. Walo sila noon, bago namatay ang kanyang kaibigan na si Serge.

"Mag-impake kayo. Babalik na tayo sa Maynila sa isang linggo." Aniya.

Nasaya naman ang kanyang mga kasamahan. Sa wakas, makakauwi na sila sa kani-kanilang pamilya. Ilan sa kanila, may mga anak at asawa na kaya hindi maitago ang saya. Siya na lamang ang natitirang bachelor sa kanilang unit.

Kinuha niya ang kwintas. Sa wakas, magagawa na niya ang pinangako sa kaibigan bago ito malagutan ng hininga.

"Maibabalik na kita sa kapatid mo." Bulong niya habang nakatitig sa kwintas.

_

#BSPanimula

This is the second installment of the Querio series. I hope everyone will love Athos the way you did love Kristoff! Thank you everyone and God bless! 💞

Battle Scars (Querio Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon