PROLOGUE: MTBEW💕CALLI'S POV
"Calli Hein." Narinig kong tawag sakin ng nagsasalita sa stage, nang matapos niya akong tawagin ay narinig kong nagsipalak-pakan ang mga ka batch kong gra-graduate din ng college.
Habang naglalakad ako papunta ng stage hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa wakas makukuha ko na din ang diploma na pinaghirapan at makakamit ko na din ang gusto ko, ang maging isang maganda't masipag na FA.
Kinamayan ko ang principal at iba pang may matataas na katungkulan sa university namin. Nang makuha ko ang diploma ko ay masaya akong pumunta sa puwesto ng mga magulang ko. "Congratulations,baby." proud na sabi ni daddy sa akin. "I'm so proud of you my dearest baby." pagbati naman sa akin ni mommy. "Thank you mom, dad, kahit kailan, hindi ko 'to makakamit kung wala kayo sa tabi ko. God knows how much i'm thankful to have the both of you in my life. I love you." bago ako bumalik sa upuan ko ay binigyan ko sila ng tig-isang halik sa pisngi. Hindi halos maipinta sa mukha ko ang pagkasaya.. After years, finally. Graduate nako! Ang saya sa pakiramdam.
Pag katapos ng aming graduation namin ay pinauna ko muna sila mom at dad pauwi dahil gusto kong puntahan ang boyfriend ko, gusto ko siyang i-congratulate ng sobra-sobra.
Habang hinahanap ko si Copper, ay may biglang umagaw ng pansin ko, isang lalaki at babae na parang nag-aaway, hindi ko makilala 'yong lalake dahil nakatalikod pero parang pamilyar ang lalaking iyon, dahil sa na-curious ako sa pinag uusapan nila ay lumapit ako sakanila para marinig ng maayos ang pinag uusapan nila.
"Ano ba copper, kailan mo ba kasi hihiwalayan si Calli? Hanggang kailan natin itatago tong relasyon natin?!" Agad kumunot ang noo ko sa sinabi ng babae. Pangalan ko yon ah? At.. bat pamilyar yung boses ng babae?
Nawala sa sarili ko nung narinig ko nang marinig ko ang pangalan at boses ni copper, pati ang pinag-uusapan nila ni kessel, ang bestfriend ko. "Kessel, just wait, ok. I'll break up with her as soon as possible."
That's it. A-anong pinagsasasabi niya!? Hindi ko alam kung bakit ko pa tinuloy ang paki-kinig sa usapan nilang dalawa, kahit nanakit na ang dibdib ko at malapit ng mamasa ang mata ko ay tinutuloy ko parin. "What!? As soon as possible? No copper! I want you to break up with her, today! You hear me right? Today!" Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung makikinig paba ako? Magpapakita ba ako sa kanila? O tatakbo paalis at iiiyak ko nalang ito?
Habang lutang akong nakikinig sa usapan nila, hindi ko inaasahang makikita ako ni kessel. "Oh! Andito pala si Calli eh.." nakangisi niyang sabi sakin. "Do what you should do, babe." hinalikan niya muna sa labi si copper bago niya kami iniwan. Naiwan kaming tahimik ng matauhan ako.
Pinipigilan kong wag lumabas ang luha ko dahil ayokong makita niyang mahina ako. Lumapit ako sa kanya at sinampal ko siya. Nanginginig pa ang kamay ko dahil sa galit. Galit sa kanilang dalawa. "I fvcking deserve it." mahina niyang sabi. Buti alam mong gago ka.
"Ang kapal din ng muka mo, no!? Kelan pa to? Answer me. When did it start?!" pinipilit kong hindi mautal.
"Look, wala pa tayong relasyon, may relasyon na kami ni kessel." nung pagkasabi niya non, hindi ko na napigilan ang pag patak ng luha ko.
"A-ano? Tatlong taon tayo nagsama, So mas m-matagal kayong nag-sama ni kessel kesa saakin?" Napasinghap ako ng malakas. At lalaong lumakas ang pag-agos ng luha ko. Mukhang babaha ata. "All along na magkasama tayo, meron na kayong relasyon?!" Tumingin ako sakanya. Yung tinging nanghihingi ng sagot. Sagot sa bakit, kelan, paano, at saan. Gusto kong marinig yung sagot niya pero ni isa wala. Tanging pag yuko lang ang sinagot niya. Gusto kong sampalin siya ng pauli't ulit hanggang sa mamantal yung kamay ko sa pisngi niya pero alam kong hindi ko iyon magagawa.
BINABASA MO ANG
May The Best Ex Win
Teen FictionPast is past, pero pano kung bumalik ang mga tao sa past mo? Sabi nga nila, people in your past should stay in the past. They shouldn't interfere with you're present, not even in the future. But what if you're ex'es simultaneously coming back to you...