MEETING A TSUNDERE GIRL
CHAPTER 29Third Person's POV
Sa kalagitnaan ng gabi ay bigla nalang bumangon si Devox. Pinakiramdaman niya ang puso niya dahil sumisikip na naman ito. Dali-dali niyang kinuha ang gamot niya sa drawer pero wala paring epekto. He pressed the buttons at the side of the lamps para tawagin ang mga katulong. He only press this fpr emergency purposes only.
"Devox!" Tawag ng Head Maid sa kanya na puno ng pag-aalala.
"Tumawag kayo ng ambulansya dali!" Utos ng head maid sa mga katulong. Inalalayan nila si Devox at maya-maya lang ay nandito na ang ambulansya.
Sinugod si Devox sa hospital. Ngayon na ulit nangyari ito na kung saan masaya na sila ni Steffie, na kung saan gusto niyang makasama ang babaeng mahal niya.
"Hindi na gumagana ang gamot sa kanya" sabi ng doctor sa Head Maid
"Doc, may magagawa pa ba?" Tanong ng Head Maid.
"Only if there's a donor. Mahirap maghanap ngayon" sabi ng Doctor
"Has I checked his records, na-admit na siya before and went to US para magpagamot. Bakit hindi nalang siya inoperahan don?" Tanong ng doctor
"Ayaw niya kasi Doc. Gusto ng parents niya operahan na siya pero di siya pumayag. Ayaw niya daw na palitan ang puso niya, dahil sabi niya ang puso niya ang magiging tulay upang mahanap muli ang batang gusto niya noon. Kung kaya't sinunod niya lahat ng sinasabi ng doctor don at binigyan siya ng mamahalin at epektibong gamot. Gumana naman iyon at naging maayos siya pwera nalang ngayon doc" sabi ng Head Maid na tumutulo na ang luha.
"Pagmatatagalan pa ay maaari niyang ikamatay. Nasaan ba ang mga magulang niya?" Tanong ng doctor.
"T-tinawagan na po doc. Uuwi na sila baka mamayang tanghali pa sila makarating"sabi ng maid at tumango lang ang doctor.
"Nagpapahinga siya sa loob. Puntahan mo na" sabi ng doctor saka umalis.
**********
STEFFIE POV
Sabado ngayon at excited na ako dahil mag-de-date kami ni Devox. Di man obvious sa mukha ko pero deep inside, sobra pa sa excited. I week boyfriend ko na si Devox. Kaunti lang ang may alam sa school dahil ayaw ko na dumugin ng mga estudyante don, mapa-away pa ako pagnagkataon.
"Excited si Pinsan o"sabi ni Kuya Bryan.
"Lamporeber sa taong Tsundere na katulad mo. Bwahahaha." Sabi ni Tymon at dahil don ay binatukan ko siya.
"Gago ka. Huwag kang ganyan, inggit ka lang dahil hindi mapapasayo yung mga babaeng anime mo" sabi ko
"Umupo na kayo. Mag-aaway pa kayo ah! Kain na" saway ni Mom.
"Yes po Tita"sabi ni Tymon
"Si winter?" Tanong ni Mommy
"Bagsak pa po"sagot ni Kuya Joe
"Saan punta mo anak? May date kayo ni Devox no? Eeeehhh! Kakilig naman. Ganon din kami ng Daddy mo non, pa-date-date."sabi ni Mommy na para bang may iniimagin sa taas. Nakatingin kasi siya sa taas eh.
"Kain nalang po Tayo" sabi ko at nagsikainan na kami ng biglang may tumawag.
"Maam, para po sa inyo"sabi ng katulong
"Kanino?!"sigaw ni Mom. Nasa dining kasi kami, nasa sala naman yung katulong. Nagsisigawan silang dalawa. -___ -
"Kay Maam Steffie po"sigaw ng katulong at tumayo na ako.
BINABASA MO ANG
Meeting A Tsundere Girl
Ficção AdolescenteMeeting a Tsundere girl is not easy to deal with lalo na pag naging girlfriend mo na ito.Tsundere means (act mean and sometimes violent on the outside but is sweet on the inside). Devox Ferrer Montecar is a guy who fell in love and met a Tsundere gi...