MEETING A TSUNDERE
CHAPTER 27DEVOX POV
"Bro, napag-alaman namin na inataki ka na naman" sabi ni Bert"Akala ba namin ayos ka na? Muntikan ka ng di makahinga sabi ng mga katulong mo" sabi ni Lemark
"Sinabi nila sa inyo kanina?" Tanong ko
"Narinig namin" sabi ni Jaime
"Bakit bro? Anong problema.? Diba magaling ka na?" Tanong ni Karl. Himala amg isang to walang subo na Chupachups.
"I am. Pagod lang siguro ako. Ang dami ko kayang ginawa kahapon"sagot ko.
Pagkauwi ko sa bahay bigla nalang kasi akong nahirapang makahinga. Sobrang sakit ng puso ko. Lalo pat malaman mo na may fiancee na ang babaeng mahal mo at nakatakda ng ikasal. Hindi niya lang alam kung gaano ako naghihirap sa mga araw na di niya ako iniimikan sa tuwing kausapan ko siya, di niya ako nakikita at parang di talaga ako nag-exist sa mundong to. Hindi niya lang alam na sobrang nasasaktan ako.at mas triple pa kapag iba ang pakikitungo ko sa kanya. Nahihirapan talaga ako. Dahil sa ginagawa niya ay para akong patay.
Mahal ko si Steffie. I don't know when or how. I just woke up with this feelings that slowly drowning me. She has that effect to me that i also felt to Teff. They are somewhat same and look alike when she's smile or laugh. I love her so much that I will try to live so hard for her. Sana mali ang hinala ko.
"I'm fine guys, no need to worry about" sabi ko at tumango naman sila.
This day is a first day of sport fest. Halos busy ang lahat sa kaniya-kaniyang gawain. Sobrang dami ring tao ritp dahil may mga bisita kami galing sa iba't-ibang Universities. Kaya kaming mga Councils ay todo handa talaga para maging maayos ang lahat.
Isa-isa naming pinuntahan ang bawat sections kung maayos ang takbo ng lahat at walang problema. Mukhang maayos naman at marami narin silang kita. Unang e-ja-judge ngayon ay ang booths, ang ibat ibang laro naman ay nagsisimula narin sa labas.
Nakasalubong ko si Steffie. Bigla nalang siyang huminto ng nakita ako. Magkaharap kami ngayon sa isat-isa. Nauna narin ang mga Teachers na nagjudge kanina sa bawat booths per sections.
Nakatitig lang aki sa kanya ng seryoso. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing makikita ko siya. Gusto ko siyang talian sa tabi ko at yakapin ng mahigpit. Gustong-gusto kong iparinig sa kanya ang awit ng puso ko para sa kanya na hindi ito biro. Ngunit sa tuwing naiisip ko iyon ay nagiging duwag naman ako lalo na nakatakda na siyang ikasal sa kababata niya.
"H-hinahanap ka s-sa field." Sabi niya
"Okay" tipid kong sabi
"P-pwede ba tayong m-mag-usap?" Tanong niya
'Sige, ano yun?'
"Hinahanap na ako don diba?"seryoso kong tanong sa kanya at tumango lang siya.
Nauna akong naglakad sa kanya at nakasunod lang siya sa akin. Sobrang bigat din ng paghinga ko. Pinakiramdaman ko siya sa likod at rinig ko rin ang buntong hininga niya.
'Ano ang sasabihin niya sa akin? Will she invite me to her wedding? Nah! Thats impossible, ayaw niya sayo Devox, at huwag karing pupunta dahil sigurado akong wasak ang puso mo'
Hindi ko talaga siya matiis kaya huminto ako sa paglalakad kaya bumangga siya sa likod ko.
"Aray ko naman, ang ilong ko!" Nakakunot niyang noong reklamo.
"Pango ka naman kaya okay lang"sabi ko
"Tss!" Pag-tss-ed niya. Grabe. Ibang klase talaga.
"Don't tss to me. Isang tss mo pa sa akin hahalikan kita" inis kong sabi sa kanya. Hindi naman ako pikonin pero napipikon lang ako pag mag tss siya sa akin, yung feeling na tss lang ang isasagot sayo o isusukli sayo sa pagdaldal mo. Kahighblood mga dre.
BINABASA MO ANG
Meeting A Tsundere Girl
Подростковая литератураMeeting a Tsundere girl is not easy to deal with lalo na pag naging girlfriend mo na ito.Tsundere means (act mean and sometimes violent on the outside but is sweet on the inside). Devox Ferrer Montecar is a guy who fell in love and met a Tsundere gi...