Ferris Wheel

44 3 1
                                    

Bwiset na buhay to, o! Asan na ba yung nireto sa akin ni bes? Tatlong oras na kaya ako naghihintay rito? Tsk, parang hindi lalaki. Kung makapag-late, wagas! Taragis.

Teka nga muna. Hmmm... Putang-ina-juice! Tatlong oras na pala ako naghihintay sa ka blind date ko?! Arrggh!

Tawagan ko kaya si bes?

*Hey! I just met you and this is crazy! So here's my number so call me maybe?*

Ano ba to? Ang oldie naman ng kanta ng babaeng iyon.

*It's hard to-*

"Hello?"

"Hoy! Babaeng mukhang palaka!" lab ko yan, eh.

"O, bes? Ano kamusta date niyo? Ang gwapo niya no? Tapos-" hindi ko na siya pinatapos.

"Anong gwapo?! Eh, sa hindi nga dumating ang baklang iyon, eh?!"

"What? Baka  na-late lang."

"Anong late? For pete's sake, three hours akong naghintay tapos wala namang dumating."

"A-ahh. B-bes. Tinatawag kasi ako ni mama, eh. S-sige bye!" bwiset na bespren yun! Binabaan ba naman ako. Tsk.

Tumingin-tingin naman ako sa amusement park. Sayang naman ang pinambayad ko dun sa entrance, susulitin ko nga lang to. Kaya bumili nalang ako ng ride-all-you-want tix.

Hmmm, saan kaya magandang unahin? Ahh, sa butterfly nalang. Kaya ayun, feeling butterfly rin ang peg ko, palipad-lipad. Sinunod ko naman ang barko. Alam mo yung barkong nagba-back n' forth.

Next naman triny ko na din yung parang spaceship na dadalhin ka daw sa outer space. Sayang nga, hindi na nila ako tinapon sa outer space. Cheap ride!

Matapos kong mag trip to outer space eh may nahagip naman ang mga mata ko. Hmmm, ma-try nga to. Lumapit na ako sa labas ng bahay na yun.

Nagtataka siguro kayo kung nasaan ako ngayon? Asan pa nga ba, edi sa labas ng horror house. Ma-try natin kung nakakatakot nga ba to.

Pumasok na ako. Sa door palang nay nakasulat na Enter it if you dare. Tsk.

Pumasok na nga ako. Keri lang naman, medyo madilim nga lamang. Eh, syempre, horror house nga? May horror house bang puno ng christmas lights? Tsk. Tingnan mo nga ang epekto ng pang-iindyan ng lalaking yun sa akin.

Bigla namang may humawak sa paa ko. So syempre ano pa nga bang ginawa ko kundi, sinipa ko lang naman ang feslalu ng kung sinong humawak sa paa ko. Sayang naman kasi yung pinag-aralan kong martial arts.

"Araay! Ano ka ba naman miss? Ba't ka naninipa?" tanong ng multo kuno na humawak sa paa ko.

"E, syempre. Hinawakan mo ang paa ko. Tsk." tanging sagot ko at pinagpatuloy ang adventure ko.

Pagkatapos ng isang liko ay may babae namang naka-puti na bumulaga sa akin. "O? Ano ginagawa mo diyan? Alis ka na. Paharang-harang ka pa diyan."

"Magulat ka muna." sabi nung babae kaya syempre, pagbigyan.

"Aaaaah. Yun. Gulat na ko. Sige, na. Alis ka na diyan." walang gana kong sabi.

"Okay, thank you." pangiti-ngiti niya pang sabi habang tumatabi. Dinaanan ko nalang siya.

"Boo!" sabi na naman ng isang babaeng kalahati lang ang katawan. Ano to? May manananggal bang sinasabing Boo? Huli na yata ako sa latest news.

Pinalakpakan ko nalang siya. Sayang kasi ang effort niya habang nakabitay. Mukha naman siyang tanga kasi nalilito ata siya sa ginawa ko. Kaya ayun, napilitan tuloy akong mag-cheer.

Ferris WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon