TBP - The Broken Promise [ONE SHOT]

112 3 6
                                    

------------------------------------------------------

Ako si Couldie Xylir, isa ako sa mga tangang babae sa mundo na hindi marunong tumupad sa mga pangako, yung time kasi na yun napaka gulo ng isip ko lagi nalang sinasabi ng utak ko na 'wala naman talagang FOREVER' kaya hindi ako umasa na mabubuhay pa pala siya.

Sino ba naman kasing matino na nalandi ka pa habang nag aagaw buhay yung mahal mo?

Ako yung tipong babae na pa cool lang, yung dating walang pakielam sa mundo pero nag bago yun nung nakilala ko sya...

~*~

"hi!" may narinig akong nag salita mula sa gilid ko at tumabi sya sa duyan na bakante na nasa tabi ko, hindi ko siya pinapansin kasi hindi ko naman sya kilala at wala akong pake.

"ano yang binabasa mo?" bigkas nyang muli, at sa uulitin binalewala ko lang sya.

"grabe ang sungit mo naman"

"pero ok lang, kahit na hindi mo ko pansinin ang cute mo parin!" napalingon naman ako sa sinabi nya. hmmm gwapo naman sya pero wala akong pake!

"oh? bakit ka tumingin sakin? sigurooo hindi mo na ko matiis no yiee!" pag katapos nyang sabihin yon bigla syang tumayo at pumunta sa likod ko tapos biglang kiniliti ako! aba loko to ah!

"Ano ba?! I dont talk to strangers okay?! Tss" nakakaburaot naman to napaka kulit at hindi ako natutuwa.

"Aissh! Fine! Ako na lang ang mag papakikala para di na stranger ang tingin mo sakin hehehe" ani nya. Wow ha parang napilitan pa kapal ng mukha grabe.

"Hmm ako si Clifford Simpson ang future boyfriend mo--" huwat?! Nahihibang na ba to? Anlakas mantrip ang mokong!

"Pwede ba?! Wala akong pake kung anong pangalan mo okay?! Hindi ka ba nahihiya ha? Nakita mong nanahimik na nagbabasa ako dito nangungulit ka dyan! Bwisit!"

Duh! Sino ba kasing matutuwa sa ganon diba? Nakita ng nagbabasa eh!

"ano nga palang pangalan mo?" oo nga no? kanina ko pa sya kausap pero hindi ko man lang alam ang pangalan nya.

"ako si Couldie Xylir, ikaw?" pag papakilala ko sa kanya

"ako naman si Clifford Simpson pero cliff nalang"

"Ah!"

~*~

Naging mag bestfriend kami ni cliff hanggang naging high school kami...

naging close pa kami sa isat isa at na ngako na walang iwanan.

"Bakit ka malungkot?"tanong sakin ni cliff. Nandito kasi ako sa tambayan namin yung una kaming nag kilala. Sa duyan.

Nandito sya naka upo sa tabi ko, hindi ko alam na kanina pa pala tumutulo ang luha ko.

"Nag away kasi ang mga magulang ko eh"siya palagi ang nasasabihan ko ng problema lalo't lalo na tungkol ito sa mga magulang kong walang ibang ginawa kundi mag sumbatan, sigawan at pag aaway! *sigh* nakakapagod na!

"Shh! huy! Kanina pa kita pinapatigil dyan, patuloy pa rin yang pag tulo ng luha mo! Tapos kanina pako nag sasalita dito hindi ka man lang sumasagot alam ko naman na may problema ka kaya lutang ka sa pag iisip eh kaya nga ako nandito diba para bigyan ka ng payo pero hindi ka naman nakikinig! Aistt!" bumalik ako sa realidad nung nag dadaldal tong si cliff at halata nga sa muka nya na naiinis na sya kasi salita sya ng salita tapos hindi ako nakikinig.

TBP - The Broken Promise [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon