"Oy ulan! Hindi mo ako maiisahan! Alam kong tatakas karin katulad ng ginawa ni kuya!" sigaw nito sakin.
"Aish! Oo na, ito na!" padabog akong lumapit sa kanya, wala lang trip ko lang mag dabog.
Nang matapos kaming mag-linis ay bumaba muna kami para makapag-almusal.
"Ohh andyan na pala kayo. Tara kain na. Teka! Bakit hindi pa kayo nakaligo? Sabi ko maligo na kayo diba?" Tanong ni kuya Gelo.
"Eh kung hindi mo kaya kami tinakasan sa paglilinis diba? Edi sana nakaligo na kami,"sagot naman ni Nate na ikinatawa ng huli.
"Ahh hahaha akala ko di niyo naisip na tinakasan ko lang kayo hahahaha" tawa parin siya ng tawa kaya ayun... Nabulunan tss.
"Ayan! Nabulunan ka tuloy! Tawa pa!" ako naman ngayon ang nagsalita.
"Hahaha. Halina nga kayo! Kumain na," Sabi niya samin.
Umupo naman na ako sa kanang bahagi ng mesa at sa kaliwa sa Nate at nagsimula ng kumain nang tahimik.
Nang matapos na kaming kumain ay umakyat na kami sa sarili naming mga kwarto ay nag handa na para pumasok.
May mga gamit naman ako dito kaya hindi ko na kailangan pang pumunta sa bahay namin atsaka nandito na rin pala yung bag na iniwan ko kagabi sa bahay.
"Kuya, alis na kami!" paalam namin ng nakapag ayos na kami at ready ng pumasok.
"Mommy! Bye bye po!" sabi naman ni Gab atsaka ako niyakap.
"Hahaha. Bye baby, papasok na si mommy." Niyakap ko naman ito pabalik.
"Oyy kayong mag ina kuno dyan! Tama na yan at aalis na mommy at kuya mo!"sabi naman ni Kuya Gelo at hinila saakin si Gab.
"Bye ulit,mommy!" kaway naman ulit ni Gab
"Hahaha. Bye, baby."
"Tara na, ulan."
Lumabas na kami sa bahay nila at naglakad na papasok.
Nang makarating kami sa gate ng school ay binati 'ko si Mr. G at binati naman ako nito pabalik, akala ko iisnobin ako eh.
"Unggoy, daan muna tayong cafeteria,"sabi ko kaya napalingon sakin si Nathan.
"At bakit?" taas kilay niyang tanong.
"Bibili akong tubig!" pilit ko namang bulyaw. Nanunuyo kasi lalamunan ko.
"Ano? Bakit? May nararamdaman ka ba? Oyy Ulan mag salita ka!! Anong masakit sayo?Bakit hindi ka makahinga? Mamamatay ka na ba ha?!" sunod sunod niyang tanong kaya binatukan ko siya.
BINABASA MO ANG
[Slow update]War of the past
Misteri / ThrillerLife is full of mystery, So expect the unexpected, And believe the unbelievable. Date started: December 24, 2017 Date finished: -----