♥ lovely xxxv ♥

8.7K 49 0
                                    

"Hoy, kayong dalawa. Maiba tayo ha... may time kayo sa party party na 'yan, ha! 'Di niyo man lang mabisita ang inaanak niyo." Natahimik silang dalawa sa sinabi ko at pamaya-maya ay natawa na lang.

"Ang kukuripot niyo! Last bigay n'yo ng gift yata ay no'ng binyag niya saka no'ng pasko!" kantiyaw ko sa dalawa.

"Oh, tamang-tama medyo nakaluluwag ako ngayon," ani Hera.

"Pfft... maluwag ka naman na talaga," sabat ni Joni dahilan para kurutin siya ni Hera sa tagiliran.

"Wow ha? Mamatay na virgin dito!" ani Hera hanggang sa nagtawanan na lang kami.

"Tara na nga," ani Joni. "Na-bored lang ako rito. Pinagkakaisahan n'yo 'ko, e!" reklamo pa niya at kinuha ang kanyang bag para isabit sa balikat niya.

"Sa'n naman tayo pupunta?" biglaang tanong ni Hera sa biglaang aya ni Joni na umalis na raw kami.

"'Di ko rin alam," sagot ni Joni. Siraulo talaga siya. Magyayaya siya na aalis na raw tapos 'di naman pala alam kung sa'n pupunta.

"Wait, Joni dala mo 'yong car mo?" tanong ko kay Joni. Inayos ko na rin ang bag ko. Inilagay ko sa maliit na shoulder bag ko ang cellphone ko saka tumayo na rin.

"Gaga! Nananaginip ka ba, Myz? Wala pa 'kong car, berat!" sagot naman ni Joni. Ay, umaariba na naman ang kalutangan ko.

"Ay, oo nga pala," sagot ko na lang saka ko na-realize na wala pa ngang car si Joni. Ba't ko nga ba naitanong 'yon?

"Ako, oo, bakit?" sagot ni Hera. Napatingin ako sa direksyon niya't kinausap siya.

"Tamang-tama. 'Di na 'ko magpapasundo kay Mule. Sasabihin ko ako na susundo kay Jam. I mean, sasakay tayo sa kotse mo," sabi ko't nakamasid lang sa kanyang mukha; naghihintay ng kanyang magiging reaksyon.

"So, pupunta tayo ngayon sa school ng anak mo?" tanong niya. Mukhang ayos lang naman sa kanya saka hindi pwedeng hindi dahil para sa'n pa ang pagkakaibigan namin, aber?

"Yup! Pero mag-lunch muna tayo kasi mamayang 2 PM pa naman ang tapos ng klase niya," sagot ko tapos tumango siya. So, okay na.

"Ah, sa'n tayo?" tanong naman ni Joni. Nasa labas na kami ng coffee shop at papunta na kami sa car ni Hera.

"Kahit saan?" sagot ko naman habang sinasabayan ang malakaki't mabibilis nilang hakbang.

"'Di ko alam kung saang lugar 'yang 'kahit saan'," sagot naman ni Hera na ngayo'y binuksan na ang pinto ng kanyang car. Dali-dali namang kaming sumakay.

"Hmm... wait! Naaalala n'yo ba 'yong kinakainan nating karendirya dati 'pag gusto nating makatipid?" tanong sa 'min ni Joni.

"Naalala mo pa 'yon?" tanong din ang isinagot ko.

"Ako, 'di na..." ani Hera. "...pero kung ipapaalala n'yo mukhang maaalala ko naman," dagdag pa niya.

"Si Myz naaalala niyan, s'yempre. Siya ang nagturo kung pa'no magtipid, e!" sabi pa ni Joni umaayos ng upo.

"Oo, naaalala ko pa 'yon kaya lang bukas pa rin kaya hanggang ngayon 'yon? E, no'ng senior high pa tayo no'n 'di ba?" sabi ko naman. Nilingon ko si Joni saka si Hera. Hinihintay ang sagot nila.

"Pa'no natin malalaman kung 'di natin pupuntahan 'di ba?" sagot ni Hera na umarya na naman ang pagiging pilosopo.

"Tara na nga, bahala na si Batman," sabi naman ni Joni na maayos nang nakasandal ngayon sa backseat.

Nagkukwentuhan lang kami habang bumibiyahe. Si Hera ang nagmamaneho habang kami naman ni Joni ay sa likod nakaupo. Ayaw kasi ni Joni na siya lang mag-isa ro'n, gusto niya may karamay sa pagdaldal.

"Hala, naliligaw na 'ata tayo," ani Hera dahilan para matigil kami ni Joni sa pinag-uusapan namin na kung ano-ano lang naman. Ilang minuto na rin kasi kaming nasa biyahe at hanggang ngayon ay wala pa rin kami ro'n. Hindi ko na inabala si Hera sa pagmamaneho at nagkwentuhan na lang kami ni Joni dahil sabi niya natatandaan niya naman na daw, so pinaubaya na namin sa kanya.

"Huh?" sabay naming reaksyon ni Joni.

"Charot, malapit na tayo," ani Hera na pasimpleng tumawa.

"Hay, nako, pinapakaba mo naman kami, e! Kumakalam na nga ang sikmura namin, e," ani Joni. Ipinagpatuloy namin ang kwentuhan hanggang sa makalipas ang ilang saglit ay huminto na ang aming sinasakyan.

"We're here," ani Hera. Pagkasabi niyang 'yon ay nagkatinginan kaming dalawa ni Joni. Animo'y excite na excite sa makikita.

"Oh my gosh!" sabi naming dalawa.

Nagmamadali kaming lumabas upang makita ang lugar kung saan kami magkakasamang bumuo ng memories together as a friend. Umorder na kami sa tindera ng mga ulam na napili naming kainin. Sad to say lang kasi wala sila manang na ka-close namin dati. Patay na raw, mga anak niya na lang ang nagma-manage nitong kainan na 'to. Nakakatawa naman dahil hanggang ngayon dinarayo pa rin ang kainan nila lalo ng mga estudyante.

"Ang sarap talaga ng luto rito, 'no?" ani Joni na abot ang subo ngayon sa pagkain.

"Oo nga, naaalala ko dati kapag naru-rush tayo sa thesis, dito tayo kumakain tapos after no'n sibat agad tayo sa computer shop, e," sabi ko naman habang nginunguya ang pagkaing laman ng bibig ko.

"Ang demonyong guard kasi napakasungit, ayaw pa magpalabas! Kaya kanya-kanyang isip ng paraan talaga para makalaya, e!" sabi naman ng barumbadong si Hera.

"Para sa grades, haha!" ani Joni pagkatapos lumagok ng tubig.

"True," sabi ko na lang saka sinabayan ng higop sa masarap na soup.

"Guess who's here, hmm?" Lahat kami ay nagulat at nagtaka nang may marinig kaming nagsalita sa 'min. Sino 'yon? Sabay-sabay pa kaming napalingon at pagtingin namin ay hindi lang kami nagulat sa nakita namin at the same time natuwa pa kami.

"Sir Neeeeep!" malakas naming sambit. Napatayo pa kami sa inuupuan namin para lang yakapin siya. "Kain tayo, sir!" anyaya ko naman sa kanya. 'Di naman siya tumanggi.

"Sir, 'di ba mayaman ka na? Ba't nagtitiyaga ka pang magturo saka bakit dito ka kakain sa karinderya?" usisa naman ni Joni habang ako ay tinawag ang binatang taga-serve ng food para itanong kung anong gusto ni Sir Nep na menu.

"'Di ko nga rin alam, e, siguro ito ang rason kung bakit ako dinala ng mga paa ko rito. Actually, niyayaya nga ako ng darling ko kumain sa labas, e, tinanggihan ko lang," ani Sir. Jusko, ang matandang 'to feelinf niya kabataan niya pa. Mukhang 'di na nga tumatalab 'yong gamit niyang anti-ageing chuchu. Kumukulubot na.

LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon