Second Person (one shot)

755 46 8
                                    

Author's Note: Sana magustuhan niyo. Ang tagal ko na ring hindi nagpopost ng mga one shots. Second Person may be cliche but at least try to read it. Leave some comments down below, okay? I need all your feedbacks :) *

(ONE SHOT STORY)

SECOND PERSON  by gretellawesome

Hindi ka mapakali. Wala na sa ayos yung buhok mo tapos magulo na rin yung make up mo. Hindi mo mapigilang hindi umiyak sa nakita mo kanina kaya nagpapanic ka ngayon sa loob ng CR. Ikaw lang mag-isa sa loob kaya kahit anong gawin mong gulo o pagwawala doon, walang makakarinig sayo. Swerte mo pa at ang lakas rin ng tugtog sa labas kaya walang magtataka kung sino yung babaeng nababaliw na sa loob ng kubeta.

Halos magdugo na iyang labi mo sa kakakagat mo. Nagagalit ka sa sarili mo kasi nadulas ang dila mo. Dapat kasi hindi ka na lang nagsalita! Ayan tuloy, nasabi mo tuloy yung nararamdaman mo para sa kaniya. Kanina mo pa gustong lamunin ka ng lupa, itangay ng hangin tapos sunugin ang bawat laman mo sa katawan dahil sa kahihiyan... At sa inaasahang sakit.

Ilang taon mo na nga bang tinago iyang feelings mo para sa kaniya? Ay, oo nga pala, tatlong taon na. Pero bakit ngayon ka pa nadulas? Okay ka naman na ilihim ang lahat sa kaniya di ba? Kasi alam mo sa sarili mo na kapag nalaman niya, masisira lahat ng namamagitan sa inyong dalawa na friendship.

Matagal mo nang tanggap na hanggang kaibigan lang ang makikita niya sayo. Alam na alam mo na imposibleng maging kayo kasi may gusto siyang ibang babae na mas higit pa sayo. Mas maganda siya, matalino, nakakatawa, cool, masarap kausap at nakakaenjoy kasama. Alam mo naman na bestfriend mo din yung gusto niya di ba? Kaso... Ang problema, ayun, nadulas ka. Hindi mo sadyang masabi sa kaniya na mahal mo siya at ang tanga tanga niya kasi nagbubulagbulagan pa siya.

Tinitigan mo ang sarili mo sa salamin. Namumula ka na at namamaga na ang mata mo sa kakaiyak. Teka nga muna, bakit ka umiiyak? Akala ko ba ayos lang sayo yun? I mean, akala ko ba tanggap mo na kung ano ang lugar mo sa kaniya? Di ba dapat hindi ka na nasasaktan? Saka isa pa, anong nangyari sa tatlong taon na pagiging manhid mo? Napagod ka na ba? Eh kung sa bagay, tao lang naman din tayo at may mga pagkakataon na gusto mo nang sumuko.

"Jane," sabi niya sayo kanina. Heto ka na naman, inaalala kung ano nangyari kanina. Akala ko ba nasaktan ka kanina? Bakit iniisip mo na naman iyon ngayon? Gusto mo bang mas lalo pang masaktan? Mas lalo pang lumalim ang sugat? Oo nga pala, kapag nasasaktan na tayo ng paulit-ulit, yung sarili natin na mismo ang nagcocope up sa sakit. Mas lalo ka pang magiging manhid. Kakalyuhin iyang sugat mo pag nagkataon kaya sige, isipin mo lang. Ulit-ulitin mo pa yung eksenang nangyari kanina.

Nakatitig lang sayo si Jacob. Halatang nagulat siya sa sinabi mo. Napatakip ka sa bibig mo tapos tumutulo na ang luha mo nun. Hala, Jane. Hinay lang, alam mo naman ang kondisyon mo kapag nase-stress ka di ba? Nanghihina ka at nahihilo. "Oh, shit. Dapat hindi ko nasabi yun..." sabi mo sa sarili mo pero narinig pa rin naman ni Jacob kung ano yung sinabi mo.

Nagkatinginan kayo ni Jacob saglit. Iniling niya ulo niya, "Jane... Kailan pa?"

Nagdadalawang isip ka kung sasagot ka ba sa tanong niya o hindi. Sa mga oras na iyon, hindi ka na makapagsalita pa kasi natameme ka na sa nangyari. Aalis ka na sana kaso bigla ka niyang hinawakan sa braso para pigilan ka sa paglakad. "Jane, I'm sorry..." sabi niya sayo.

Mas lalo kang umiyak. Eto na nga ba ang sinasabi sayo eh. Kaya ayaw mo ngang ipaalam na may gusto ka sa kaniya kasi natatakot kang ireject ka niya. Kaya mo nga pinili na huwag sabihin ang lahat kasi ikaw na mismo ang gumagawa sa pagreject ng sarili mo sa kaniya. Ang martyr mo talaga. Kunwari ka pang kinikilig sa dalawang bestfriend mo kapag sila naman ang magkasama - si Jacob at Reese - ang mga bestfriend mong alam mong may pagtingin sa isa't-isa pero duwag pang mag-aminan ang dalawa. Matagal na silang may gusto sa isa't-isa di ba? Alam mo yan kasi parehas silang nagsasabi sayo, parehas sila na sayo lumalapit kapag may bagong kwento na ikukwento. You know their sides very well. 

Second Person (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon