"dito siguro siya kinukulong" sabi ni rhea habang nakatingin sa maliit na banyo.
"sino?" si mia bah ang tinutukoy nya? hindi ako agad nakapag salita. tulalang tulala ako. pinasok ko ang maliit na banyo at sobra akong napa iyak bigla! sobrang baho! sobrang dumi! sobrang dilim! at sobrang liit! may pagkaing bulok kahit saan. may basag na beer! ikinulong siya dito? pero sino may gawa nito? ba't nya naman gagawin to kay mia? alam ba to ng mama niya?
"ginahasa siya" sabi ni rhea sa mahinang boses. nabigla ako! ang brutal ng taong gumawa sakanya nito! hindi ako nakapag salita dahil sa sobrang gulat!!
"tira tirang pagkain lang ang pinakain sa kanya at dahil marami sila marami ang kinakain nyang tira. kung hindi nya to nauubos nilulunod ang mukha nya sa tubig. araw-araw iba ang gumagamit sa kanya. iba ibang matandang lalaki ang bumababoy sakanya."
sabi ni rhea habang umiiyak. ito ba ang pinag dadaanan nya? demonyo ata ang gumagawa sakanya nito!? ba't to nila ginagawa!? bakit si mia pa!? BAKIT!?? umiiyak na ako na parang di ko na mahabol ang paghinga ko.
"sino may gawa nito!? bakit nila ginagawa ang mga brutal na bagay na yan!? wala silang awa!" sigaw ko habang umiiyak. at napa luhod ako. sobrang sakit na ng puso ko.
"ang papa nya. yung stepfather nya at sinama pa niya ang barkada nya! pito silang lahat! pito sila! pinagtutulungan siya ng pitong matatanda! gumagamit sila ng drugs. kahit si mia pinipilit nilang mag drugs.nagtatawanan lang sila habang si mia ay umiiyak. pagkatapos nilang gamitin si mia ikukulong na siya sa banyo."
kay sakit isipin na ganun pala ang pinagdadaanan ni mia. habang ako ay nag aaral,siya naman ay nagdudusa sa impyerno kasama ang kalahi ni satanas. wala man lang akong nagawa? kaya pala ganun na siya. ba't di siya nagsumbong? ba't di siya tumakas? bakit?bakit ba talaga?! di ko parin naiintindihan! sobrang galit ako ngayon! kaya't hinagis ko ang maliit na sirang lamesa na nasa likod ko at napasigaw!
"kailan lang to nag simula? ba't alam mo lahat to!? at kung alam mo na to noon pa! sana sinabi mo man lang sakin! sana may ginawa ka rin naman! anong klase kang kaibigan!? natiis mong pabayaan si mia sa ganitong sitwasyon!?" dahil sa sobrang galit ko nasigawan at napagsabihan ko ng masasakit na salita si rhea.
"wag kang magsalita ng ganyan nick! wala kang alam sa mga pinagsasabi mo!" sabi ni rhea ng pasigaw
"anong walang alam eh sinabi mo nga sakin diba!?" pasigaw kong sinabi
"hindi pa ako tapos!" sobra ang pagsigaw at pag iyak ni rhea. hindi pa tapos? ibig sabihin may ginawa pa sila kay mia? hindi pa ba sila na kokontento sa mga ginawa nila?
"kasama ako dun,pero nakatakas ako" sabi ni rhea sa mahinang boses.
"nagahasa rin ako! nakulong rin ako! napaglaruan rin ako! naranasan ko rin ang lahat na naranas ni mia sa kamay ng mga demonyong yun! kaya wala kang karapatan na tanungin kung anong klase akong kaibigan! wala kang karapatan na pagsabihan ako ng masasakit na salita! dahil andun ako at ikaw! ikaw ang wala dun!" sigaw sakin ni rhea sabay takbo palabas. sobrang galit siya. nakikita ko sa mga mata nya na sobra siyang nasaktan. naranas nya yun!? pero!? napagsabihan ko siya ng ganun!? naguguluhan pa rin ako! parang namatay na rin ako! mia,patawad. kailangan ko ring manghingi ng sorry kay rhea. ang sama ko!!! sobrang sama ko!! galit na galit ako sa sarili ko!!! napatumba ako sa sahig at umiyak nang umiyak! di ko kaya ang sakit!!! ayoko na!!!! habang umiiyak ako. may dugo akong nakita.may dugo sa sahig!!! sinundan ko ang maliliit na patak ng dugo at biglang!!! sa banyo!!! sa banyo! may nakita akong nakasulat sa dingding gamit ang dugo.
"pagod na ako,
gusto ko nang magpahinga."
sulat kamay ito ni mia! ginamit nya ang dugo nya para isulat ang mga salitang yun!
BINABASA MO ANG
Never Ending Cries
Mystery / ThrillerBakit kaya nagkaganun si mia? Sana di nalang ako naka graduate kung ito naman pala ang kapalit may katapusan kaya itong sakit na nararamdaman ko?