Chapter #22

1.1K 33 0
                                    


.
Halos mag iisang oras na rin ako nakatambay sa kwarto nila mama at tumutulong aayos ng mga gamit nila.

"Ate! Bumalik ka na kaya sa kuwarto niyo.. Baka kanina pa naghihintay si kuya Diel don nakakaawa naman.. Kong ako sayo babalik na ako don!"
Sambit ni Jennie na may kong anong kinakalikot sa cellphone niya.

"Alam mo? Ikaw nalang kaya pumunta don! Total naman crush na crush mo siya diba? Kaya palit nalang tayo.. Ikaw nalang yong asawa niya!! Tsss! Kung makapagsalita kala mo siya yong pinangasawa e.!"
Sermon ko sa kanya..

Kahit kailan talaga walang pakialam sa nararamdaman ko tong kapatid ko e..
Kung makapag salita kala mo ang dali daling makasama ang lalaking yon..

Matagal niya na kasing crush si Diel! Pero bokya siya dahil hindi naman katulad niya ang gusto ni Diel.. Kikay kasi.

"Ikaw talaga ate ang sama mo sakin? Suggestion ko lang naman kasi yon!!
Ikaw din baka hindi natin  namamalayan.. May babae na palang pinasok yon sa kwarto niyo mismo.!"
Sabi niya na walang reaction..

"E di mas mabuti!."
Sarkastiko kong sabi..

Ang totoo nasasaktan ako.. Baka nga totoo ang mga sinabi ni Jennie! Kaya medyo nag aalangan ako pero hindi ko lang pinahahalata..

"Hoyy! Kayong dalawa tumigil na nga kayo sa mga bangayan niyong yan? Baka mamaya niyan naririnig pala tayo sa labas.!"
Saway ni Mama na ngaliligpit ng mga damit.

"E yan kasi e!! Kabata bata pa ang dami ng alam.!"
Niinis na sabi ko.

"Bakit! Totoo naman mga sinabi ko ah!! Selos ka lang siguro ate e.!"
Sabat pa ni Jennie.

"Hayy! Ma wag mo kong pipigilan.. Hahampasin ko na talaga ang pagmumukha ng batang to.!"
Nakakuyom na ako sa subrang inis..

Kumaripas siya ng takbo palapit kay Papa na natutulog kasama si Jennon.. Bat naging ganto ba ang kapatid kong to!. Ang layo layo ng ugali sa kakambal niya..

  Hindi ko nalang pinatulan.. Baka kasi magising pa sila Papa.. Dalawa kasi ang kama ng room nato pero samin ni Diel isa lang.. Hayy! Kainis.

.
Nagpahinga muna kami ng ilan pang minuto at lumabas na.. Nakita kong kalalabas lang nnai Mommy at Daddy! Bumati naman ako at nagbeso na may kasamang ngiti..

Lalabas na kami para makapag swimming na sa dagat! Excited na ako matagal kona kasing gustong pumunta sa dagat kung pwede nga lang sa tabi ng dagat narin ako tumira e..
Alam kong mapakababaw ng kasiyahan ko pero eto talaga ako e..
Isang babaeng walang ibang pinangarap kundi ang mabuhay ng payapa.

Naglalakad na kami ng magsalita si Mommy..
"Roxanne! Where's Diel? Diba magkasama palang kayo kanina?"
Takang tanong ni Mommy..
Ako naman ay parang naestatwa.

"Aii! Iniwan niya po si kuya Diel kanina.. Isangiras nga po siyang tumambay sa kuwarto namin e.!"
Sabat ni Jennie..
Hayy! Gusto na talaga akong siraan ng kapatid kong to.. Kapatid ko ba talaga to.! Nakakainis na kasi e.

"Bakit naman? Sige na Roxanne! Sunduin mo na para makapag swimming na tayo sabay sabay.!"
Utos ni Mommy.. Wala na akong nagawa pa kundi angsumunod.

Pinanlakihan ko ng mga mata si Jennie bago ako tumalikod.. Imbis na matakot ngumiti lang at kinawayan ako.. Humanda ka talaga sakin bata ka.

Nakasuot ako ng one piece swim suit na kulay pink at may nakapatong pang butas butas na damit.. Yong pang patong talaga sa swim suit..
Sila mama at mommy naman ay nakabistida lang na pangbeach..

*Back to the main story*

Nasan na ba kasi ang lalaking yon.. Paemportante masyado hindi naman emportante.
Pagkarating ko sa tapat ng unit namin ay kumatok na agad ako..

Mr. Maniac Fall In Love With Ms. PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon