Auva's POV
"Auva? Gising na hija, umaga na" sabi ni yaya Cora at hinawi ang mga kurtina.
"Hmmmmm, yaya wait lang, 5 minutes pa po" sabi ko sabay yakap sa malambot at malaki kong unan.
"Hay naku, ikaw talagang bata ka, ayaw mo talagang gumising?" Tanong niya.
"Ayaaaaw paaa" tamad kong sabi.
"Bahala ka, niluto ko pa naman ang paborito mong adobo" sabi ni yaya at akmang aalis.
Dahil sa sinabi niya, napabangon ako bigla....
"Talaga yaya? Oh sige po kain na tayo" sabi ko, at ako na ang naghila sa kanya papuntang dining room.
"Hahaha ikaw talaga, oh siya, dahan dahan lang"
Haha hinihila ko kasi siya haha, matanda na kasi si yaya Cora... Pero kahit ganun mahal na mahal ko pa rin siya ^_- .
"Oh yaya upo ka na" sabay hila ng upuan at pinaupo siya.
"Kumain ka na, kumain na ako kanina kasama yung ibang kasambahay" sabi niya at nilagyan yung plato ko ng kanin at adobo (^O^).
"Salamat po yaya" sabay subo ng pagkain.
"Yaya?"
"Ano yun Auva?"
"Anong oras pupunta si maam alvarez ngayon? Kahapon kasi absent siya eh, hindi niya man lang sinagot yung tawag ko sa kanya kahapon, baka sakaling tumawag siya sayo?" Tanong ko habang ngumunguya.
"Masarap siguro yung adobo ko ano, namiss mo kasi bigla si maam alvarez eh, noon parang gusto mo siyang isumpa kasi walang P.E at hindi ka makalabas, ngayon hinahanap hanap mo na hahaha"
-_- anong nangyari kay yaya? Nagtanong lang eh, kung ano ano na pinag sasabi, may mental disorder na ba siya o menopausal niya na kasi diba nag iiba mood nila.... Pfttt haha----
*Tinggggggg - tunog ng pagbukas ng gate*
Wahhh sino yun? First time ah...
"Ako na hija, kain ka lang jan" sabi ni yaya.
Hindi na ako sumagot kasi kumuha uli ako ng kanin at kumain ...
"AUVA?"
Lumingon ako sa pintuan...
"D-daddy?" Tanong ko.
Woahhh first time in history.... Nandito si DADDY a-at si M-MOMMY!!!!
YOU ARE READING
IMPERFECTLY PERFECT
Teen FictionShe was alone in their big mansion.. She was home schooling since she was a child.. She doesn't have friends because she's always inside their mansion.. She doesn't remember when was her last celebration of her birthday.. Her parents is just giving...