Habang palabas na ako. iniisip ko kung bakit di siya tumakas? diba pumasok pa siya ng school nun? ba't di siya nagsumbong? sobrang gulo na ng isip ko!
1 unread message
puntahan mo ako dito sa hospital malapit lang naman.makikita mo agad ang building.
from: Mia <3 02:39pm
lumaki ang mata ko!!! from mia!??text galing kay mia?!!! ano to!!!? baliw na ba ako!???? illusion ko lang ba to!!?? pagod na ako! pagod na ang puso ko! TAMA NA!!!!.
* * * * * * *
Papunta na ako ng hospital at nakita ko si Rhea. si rhea? andito si rhea? anong ginagawa nya dito!? tatanungin ko sana siya nang maalala ko na may kasalanan pala ako sa kanya kaya tumakbo ako kaagad sa kanya para mag sorry sa ginawa ko.
"rhea,sorry talaga! di ko kasi alam na ganun pala yung nangyari! hinusgahan kita kaagad. nagsisisi ako rhea! patawad talaga! maiintindihan ko kung di mo ako papatawarin" paliwanag ko sakanya.
"Oo,sobra akong nasaktan sa mga sinabi mo kanina pero naiintindihan ko kung ba't mo nasabi yun kaya okay lang" sabi nya sa mahinang boses. agad nya akong pinatawad pero nakokonsensya parin ako. Naalala ko! Oo! si mia pala ang pinunta ko dito! nagtext siya sakin pero imposible! baliw na ako!! pagod na ako sa kaka isip!
"salamat pinatawad mo ko agad at salamat kasi naiintindihan mo ako. pero sa totoo lang rhea andito talaga ako kasi...." di pa ako tapos magsalita nang bigla siyang nagsalita
"dahil tinext ka ni mia?" sabi nya sa mahinang boses. pe- pep pero ba't nya alam na nagtext sakin si mia? ano na ba to? haaaaaaaaays. idaan ko nalang to sa iyak
"hindi si mia yun" sabi nya. pero number ni mia yun diba? galing yun sakanya!
"kinuha ko ang phone nya. ako yung nagtext sayo" sabi nya sakin habang nakangiti. haaa? akala ko si mia yun! akala ko baliw na ako! mas lalong!! akala ko buhay pa siya. pero ba't nya ako pina punta dito?
"ba't mo ako pinapunta dito?" tanong ko sakanya
"pinapunta kita kasi andito ang mama ni mia. nabaliw siya dahil sa pagkamatay ni mia. puntahan mo siya magtanong tanong ka lang sa nurse" kalmadong pagkasabi nya sakin
Nagtanong tanong ako sa mga nurse kung saang room matatagpuan ang mama ni mia hanggang sa nakarating ako at nakita ko ang mama ni mia na naka upo,naka tulala,naka dilat ang mata,hindi gumagalaw. nakikita ko sa itsura nya na sobrang lungkot nya.
"tita" tinawag ko siya sa mahinang boses ko habang nasa pintuan pa ako.pero hindi siya tumingin sakin kaya nilapitan ko siya. umupo ako sa tabi nya.
"miss ko na po ang anak nyo,miss ko na si mia" sabi ko sakanya nang biglang tumulo ang luha nya pero naka dilat parin ang mata at di gumagalaw, di nya parin ako tinitingnan.naka tulala parin siya.
"ba't po kaya nagawa nila yun kay mia?" pagtatakang tanong ko nang biglang sumigaw siya at tiningnan ako!
"adik ka! demonyo ka! akala ko nagbago kana! pinagdusa mo si mia mahal ko!" sigaw nya habang hinampas hampas nya ako ng unan. nakakatakot ang boses nya.nakakatakot ang mga mata nya.
"mahal kong mia andito si nanay pupuntahan na kita" sabi ni tita habang kumakanta. ramdam na ramdam ko na mahal nya talaga si mia.
"nurse!! kunin mo ang pampatulog!" sigaw ng isang nurse na kakapasok lang ng pintuan. kaya lumabas nalang ako para makapag pahinga na ang mama ni mia.
Pinuntahan ko ulit si rhea. nang makita ko siya, tumabi ako sa kanya.
"wag mo sanang mamasamain pero ba't ikaw lang natakas?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Never Ending Cries
Mystery / ThrillerBakit kaya nagkaganun si mia? Sana di nalang ako naka graduate kung ito naman pala ang kapalit may katapusan kaya itong sakit na nararamdaman ko?