Symptom VII

820 47 49
                                    

From the journal of Patient Sixteen written under the initials of CTL, JLL, TLN, CL, and JTT, dated in 20 June 2001; voice recorded by Dr. Quirrero

S E V E N T H S Y M P T O M:

S E V E N T H S Y M P T O M:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

1

"JULIET..."

Marahas na paulit-ulit na napapailing si Juliet. Nanginginig ang kanyang mga kamay na mahigpit ang hawak sa sariling buhok habang nilulukob ng kakaibang takot ang kanyang isip. Isang mahigpit na yakap ang biglang bumalot sa kanyang katawan na naging dahilan upang matigilan siya at kasabay nito ang unti-unting pagkalma ng kanyang sistema. Dahan-dahang inangat ni Julien ang kanyang mukhang hilam sa luha. Kaagad na napaiwas ng tingin si Juliet nang makita sa mga mata nito ang awa. Tila paulit-ulit na tinutusok ng karayom ang kanyang puso at hindi niya maiwasang maramdaman ang pag-usbong ng pagkamuhi sa sarili.

Julien rubbed her thumb onto Juliet's pinkish cheeks as she cooed her. "You are Juliet. You will always be Juliet, okay?" Julien softly whispers as she rubbed her other hand on Juliet's back, soothing the latter.

Muling unti-unting tumulo ang luha mula sa mata ni Juliet at niyakap nang mahigpit pabalik ang kanyang kapatid. Hindi niya mapigilan ang pagbaon ng kanyang mga kuko sa likuran ni Julien nang marinig ang namomroblemang boses ni Talin. Mas lalong ibinaon niya ang kanyang mukha sa dibdib ng kanyang kakambal nang marinig ang bilin ni Liano na hahanapin ang hindi pa nakilalang alter.

Habol ang hiningang bumalikwas ng bangon si Juliet. Mariin na napalunok siya kasabay nang pagtulo ng isang butil ng pawis sa gilid ng kanyang pisngi. Kaagad na hinagod ng kanyang paningin ang paligid kahit na nasa gitna ng kadiliman.

"Liet?"

Awtomatikong muling napapikit ng mariin si Juliet nang biglang bumaha ang nakakasilaw na liwanag sa kanyang paligid. Napayuko siya. Kumirot ng bahagya ang kanyang ulo na kaagad din namang nawala.

"Kumusta pakiramdam mo?"

Narinig niyang tanong ng kanyang kakambal mula sa kanyang gilid.

Sumisingkit ang mata na binuksan ni Juliet ang kanyang mga mata. Sinuri niya ito pati na ang bitbit nito.

May dala itong isang tray na may laman ng pagkain at baso ng tubig. Marahang napabuga ng hininga si Juliet nang maramdaman ang mainit na palad ni Julien na dumampi sa kanyang noo at dumausdos ito sa kanyang pisngi.

"Ano'ng oras na?" Garalgal na tanong ni Juliet at pilit na lumunok pagkatapos.

"2:33 A.M. May napanaginipan ka bang masama?" Halos pabulong na tanong ng kanyang kapatid pagkatapos umupo sa kanyang tabi at inilapag ang tray sa kanyang kandungan.

"Wala," namamaos at mahinang sagot ni Juliet.

Isang pilit na ngiti ang pumorma sa kanyang labi bago niya kinuha ang isang baso na may laman ng maligamgam na tubig. Kaagad ding naubos niya ang laman na para bang ilang araw na siyang hindi nakainom ng tubig.

Thorns Of JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon