Under the Rain

134 13 7
                                    


Umuulan na naman. Basa na naman ang mga kalsada. Ang lungkot na naman sa pakiramdam. Diba, ganun naman kapag umuulan? Pakiramdam mo umiiyak ang langit.

Ayoko talaga kapag umuulan. Kasi ayoko ng nababasa ang paa ko. Iba kasi pakiramdam ko kapag basa ang paa. At tamad din ako magdala ng payong o kaya naman lagi kong nakakalimutan.

" Ella, tanghali na! Hindi ka pa ba bababa dyan at kumain na ng agahan para makapasok ka na? Malelate ka na naman! Hinihintay ka na ni Cj!" napatigil ako sa pagmumuni muni ng sumigaw si Mama mula sa ibaba.

"Opooo! Bababa na po!"

Magkaibigan na kami ni Cj simula noong elementary kaya kilalang kilala na sya nila Mama. Siya yung kaibigan na kahit kailan di ako iniiwan at sinusuportahan ako lagi sa lahat ng bagay.

"Ma! Alis na po kami."

"Sige, ingat kayo ah."

4th year College na nga pala kami ni Cj. Office Administration ang course ko at Information Technology naman sa kanya. Sa Standford University kami nag aaral.

Habang palabas na kami ng bahay, binuksan na ni Cj ang payong nya.

"Oh, alam mong naulan di ka nagdadala ng payong. Tsk."

"Okay lang yun. Andyan ka naman ee." Ngiting ngiting sabi ko sa kanya.

"Mamaya nga bumili tayo ng payong mo." Nakasimangot nyang sabi.
Tumango na lang ako at sinimulan na naming maglakad sa may sakayan papunta sa university.

Nagkahiwalay na kami ni Cj pagdating sa university dahil magkaiba kami ng building. Pagdating ko sa room sinalubong agad ako ni Shen.

"Hi Ella, kamusta? Umuulan ngayon oh. Di ba ayaw mong umuulan?" tanong niya habang sinasabayan akong makaupo sa upuan ko.

Si Shen ang lagi kong kasama sa school simula nung 1st year. Ewan ko ba, ang daldal nya kasi kaya siya na din naging kaclose ko. Tahimik lang kasi ako at di gaano nagsasalita kung di naman ako kinakausap.

"Eto, tamad na tamad yung pakiramdam. Buti nga di ganun kalakas yung ulan. Hindi nabasa ng sobra yung sapatos ko"

"Ewan ko ba sayo. Para mababasa lang naman paa mo. Para kang di naliligo ee. Kapag naliligo ka ba di mo binabasa paa mo?" mapang asar nyang sambit.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at tinawan nya lang ako . Luka luka talaga tong babae na to.

---

Lumipas ang ilang oras at uwian na namin. Dalawang subject lang kasi klase ko ngayon. Mas mauuna lang ako ng isang oras kay Cj.

Umuulan na naman. Wala pa naman akong payong. Nasan na kaya si Cj? Sabi niya sabay ulit kaming uuwi kasi alam nyang wala akong payong.

Mayamaya bigla na lang may nagpatong ng payong sa balikat ko.

"Oh.. Payong." at nilagpasan ako sabay takbo niya sa gitna ng ulan.

"T-teka lang! May kasabay naman ako na may payong di ko to kailangan!" sigaw ko sa kanya pero tuloy tuloy lang siya sa paglalakad.

Inalala ko yung boses nya, pamilyar pero di ko masabi kung sino. Yung bag niya! Oo alam ko kung kanino yung bag na yun! Kay Drei yun. Ang alam ko kaklase yun ni Cj ah.

Nasan na kaya si Cj okay lang kaya siya? Naghintay pa ko ng kalahating oras pero wala pa din sya. Ano kayang nangyare dun? Mayamaya nag vibrate yung phone ko. Pagtingin ko nagtext si Cj

Cj
+63 954 567 ****
Ella, sorry di kita naitext agad. May emergency kasi sa bahay kaya nauna na ko umuwi. Pasensya na.

Under The RainWhere stories live. Discover now