Pra Mis

2 0 0
                                    


Mapait na ngiti any nabuo sa mukha ko, gaya nang nakaraa'y ganito parin ang napapaginipan ko. Labin-limang taon narin ang nakakalipas magmula ng paulit-ulit itong dumadalaw sa bawat panaginip ko. Ang alam ko lang ay ako yaong batang babae pero diko matandaan kung sino nga ba si Den-Den.

Isang araw na naman. Mabilis akong bumangon sa higaan at nag-ayos ng sarili. Pagbaba ko sa kusina'y naroroon na sila Nanay at Tatay maging sila kuya'y nandoon din. Naupo na ako't nagsimulang mag-almusal. Magana akong naka-kain dahil gaya ng dati'y kaysarap na naman ng luto ni Nanay.

Pagkatapos kumain ay nagpa-alam na ako sa kanila. Hinatid pa nga ako ni Nanay sa labasan para mag-abang ng sasakyang tricycle pagpasok. Pagsakay ko'y kumaway na ako sa kanya. Muli Kong tinanaw ang aming bahay , simpleng bahay lamang yon, at inuupahan pa. Kaya nga gusto kong makatapos ng pag-aaral ng sa gayo'y matulungan ko na sila.

Tanaw na tanaw ko na naman ang mga maanuring mata ng aking mga kamag-aral. Gaya ng dati, naupo ako sa dulo at di na sila pinansin. Bakit? Bakit ganoon sila sakin? Ganito kasi iyon, sa paaralang ito tila ba isa kang bacteria kapag mahirap ka, lalayuan ka nila dahil sila nga'y mayayaman at ikaw at isa lang dukha. Wala akong paki doon. Atleast diba? Tahimik ang buhay ko?

"Good morning class!" Masiglang bati ni Mrs. Reyes. Ginantihan naman namin ito.

"Bring out your assignments!" Sigaw nito sa amin . kasabay nito'y nilabas ko na ang sketch na gawa ko. Isa akong Architecture Student .

Hilig ko talaga ang pagdo-drawing. Mula bata at into na talaga ang kinahiligan ko kaya ng noong pinapili ako in tatay ng kurso'y ito ang pinili ko.

"Briones, ikaw ba ang may gawa nito?" Takang tanong ni Mrs. Reyes.

"Yes po Ma'am" Tugon ko dito.

"Baka naman ipinagawa no lang ito sa iba?" Nanunuyang tanong niya.

"Hindi ho, kung gusto niyo'y ulitin ko pa into sa inyong harapan" pagtatanggol na sagot ko.

"Hindi na, naniniwala na ako." Taas kilay niyang sagot.

Nagpatuloy na ang klase bukod tanging ako lang ang tinanong ni Mrs. Reyes .

Pagkatapos ng klase bandang ala-kuwatro ng hapon ay dumiretso na ako sa pinagta-trabahuan kong fast food chain. Part time job lang naman ito. Dito run ako minsan kumukuha ng pambaon kapag walang pera sina Tatay. Matagal-tagal narin ako dito.

Pagkatapos Kong magpalit ng uniform ay lumapit na ako sa counter. Waitress ako dito.

Namataan ko ang table na hinahanap ko. Inilagay ko na ang order nila ng masangga ako ng isang bata sa likod ko. Kaya't laking gulat ko ng matapon ang drinks na dala ko sa lalaking nasa harap ko.

"Fu*ck shit! WTH?!" Galit na galit na sigaw nito.

"S-sir sorry!" Tinulungan ko siyang punasan ang namanstahan na yata niyang polo.

"Tch, What the hell? Don't touch me!" Masungit na sigaw nito .

Halos lahat ng customer ay naka tingin na sa amin. Paanong Hindi? Eh to'ng lalaking to kung makasigaw wagas.

"Sir sorry po talaga! Hindi ko naman po sinasadya---" hinging paumanhin ko dito.

"Mababawi ba ng sorry mo ang mansta sa damit ko?" Napaka sungit talaga ng isang to.

"Look sir! Hindi naman po talaga sinadya , it was an accident" Konti nalang talaga , mapupuno na ako sa lalaking to.

"What's happening here?" Biglag pagsulpot ng boss ko.

"S-sir" nakayukong bulong ko. Paanong hindi? Halatang di nya gusto ang nangyayari. Sa tinagal-tagal ko na rito ngayon lang nangyari ang gan'to .

"Ms. Briones, answer me!" Kasabay nito ay ang pagpikit at pag-iwas ko sa kanyang mga tingin.

"S-sir hindi k-ko naman p-po talaga sinasadya"

"Tch You dissapoint me"

Nanlulubog na ako sa kinatatayuan ko, kung pwede lang. Nilamon na ako ng lupa dahil sa kahihiyan.

"Pfffft" pagpipigil tawa ng lalaking nasa harap ko. Sinamaam ko nalang siya ng tingin.

Ngunit gumanti lang ito ng nakakalokong ngiti.

Hindi ko alam  kung paano nalusutan ang mga pangyayari , bastat ang alam ko lang suspended ako ng tatlong araw. Sayang din yon, nakakainis lang dahil napaka malas ko ngayong araw.

Lulugo-lugo akong lumabas ng restaurant, paano ba naman kasi! Dahil sa nangyari pina-uwi na ako kaagad ni Sir at pinagligpit. Di manlang natapos yung shift ko.

Swear to  the panty ng Nanay ng bestfriend ko. Kapag nakita ko ulit yung lalaking yon, tatamaan sya ng bonggang-bongga. Iko- Ko Dong Man legendary kick ko siya.

Pagpasok ko sa bahay wala pa sila Kuya  , ginabi na naman sa kaka-barkada nila.

"Hi Nanay!" Sabay yakap ko sa kanya at pagkatapos at nagmano ako Kay tatay.

"Katherine , magpalit ka na nang damit mo, siguradong panay pawis na yan" mapag-alalang saad in Nanay.

Pagpasok ko sa kwarto ay binaba ko na ang bag ko kasama ng mga librong dala ko. Naalala ko , mayron nga pala kaming exam bukas. Kailangan mataas ang makuha ko dahil higit sa lahat scholar ako, kailangang ma-mentain ang lahat ng grades ko. Kung hindi, tsugi ako.

I will do my best to succeed and to find my self. To find who is Katherine Dein Briones .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pra MisWhere stories live. Discover now