LAST CHAPTER 2

18.3K 318 27
                                    

ANTON POV

Tulad ng naplano namin, namili kami ng mga gamit para sa loob ng bahay nila, kahit nakanguso si Betina, tinuloy ko parin. Sa lahat ng pasakit na nagawa ko, kulang pa itong kabayaran at regalo sa kanila. Hindi matutumbasan ng anong halaga ang binigay nya sa aking regalo. Si Toniboy.

Bumili kami ng bagong ref, bagong flat screen, washing machine with dryer at tatlong electric fans.  Mga bagong fluorescent light at solar para makatipid ng kuryente.

Bumili din ako ng bagong music component para mas maenjoy ng mg magulang nya ang pakikinig ng drama sa radyo.

Bumili din ako ng stove para in case of emergency may magamit sila. Kahoy kasi ang gamit nila, naaawa ako sa nanay nyang araw-araw na uusukan para lang makapag-init ng tubig at makaluto ng pagkain.

Buti nalang at nagkasya ang lahat ng mga pinamili namin sa likuran ng hilux ko.

Nakanguso si Betina at wala paring gana. Kanina sa tuwing pumipili ako inaayawan nya lahat.

Huminto kami sa isang food chain. "Kain muna tayo" sabi ko at hinila ang kamay nya. "Kanina kapa grumpy, nagbibiro lang naman ako tapos ngayon high blood ka na"

"Hindi ah, iniisip ko lang kung paano ba kita mababayaran sa lahat ng nagastos mo para sa amin, nahihiya na tuloy ako. Unang besis mo palang sa amin eh daig pa namin ng nanalo sa lotto" nakanguso nyang sabi.

Natawa ako sa sinabi nya.  Inayos ko ang takas ng buhok nya at kiniliti sya. "Next mo na isipin yan kung may malaki kanang sweldo at may asawa kanang abogado" kiniliti ko sya na lalo nya lang kinanguso.

"Sabagay, malapit na maging abogado si Ivan, si Jacob at si --"

Nawala ang ngiti ko, pinutol ko na ang sasabihin nya. "Not a good joke"  umiwas ako at kinuha ang wallet ko. "Kain na tay-- "

"At si Anton, yung daddy ni Toni boy. Mas maganda yun kasi CPA lawyer na gwapo pa" sabi nya.

Napahinto ako. Napatitig sa daanan at napailing.

"Oa mo ha!" Umirap sya at napangiti ako.

"Panahon lang ang pwedeng masayang Tin, hindi yung chances natin na maging masaya" sabi ko na kinairap nya pero halatang namumula na ang pisngi nya.

Nagmeryenda kami, bumili narin ng take-out para sa mga kapatid nya sa bahay. Dumaan kami sa sikat na nagtitinda ng lechon manok sa bayan nila at yun ang iuulam namin ngayong pananghalian.

Pagdating ng bahay, natapos na nila ang harapang bahagi. Sa labas makapal na yero na may desenyo at kulay pula ang ilalagay at sa loob makapal na tabla. Natapos narin ang kusina, nailagay na ang tiles at nagawa na ang maliit na bintana nito sa gilid at sa harapan ng nilulutuan ng nanay nya para lumiwanag.

Nasa kubo kami at kumakain nang magising si Toni boy na tahimik na natutulog sa crib nito at nakamosquete. Umiyak sya na kinataranta naman ni Betina. Napahinto ako ng kain at pinagmasdan syang inalo ang ang anak namin. Hindi ko maiwasang mapangiti nang kinarga nya ang anak namin at natahimik ito sa malakas nyang iyak. May ilang luha ang namumuro sa mga mata nya, nakanguso at namumula ang kilay nya. Halatang wala na naman sa mood ang anak ko. Bad dreams!

"Ang ingay mo naman nak" malambing ko syang hinalikan sa noo na kinanguso nya lalo.

Dahil sa maalikabok na ang paligid dahil sa mga pinuputol na mga tabla, pinatambay ko sa loob ng kotse ang mag-ina ko habang naglalaro silang dalawa sa tablet.

Pagsapit ng gabi, natapos nila ang wall at kisame, naiwan nalang ang mga kwarto at sahig. Pula ang gustong sahig ng nanay nila kaya bukas maagang sisimulan ang pagpatag ng magaspang nilang sahig at maalikabok.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon