HSLT 41

57 1 0
                                    


•Narrative•

Welcome to Grade 11! Welcome to the Academic track! Welcome sa'kin sa ABM strand!

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon—pero mas nangingibabaw ang kaba sa'kin. Aaminin ko na kokonti pa lang ang alam ko tungkol sa buhay Senior High School,  at wala talaga akong idea kung paano ang magiging buhay ko sa dalawang taon.

Nandito ako ngayon sa harap ng isang blackboard kung saan naka-post ang listahan ng pangalan naming mga estudyante at kung saang section kami napunta. Nasa section ako ng Academic 11-F,  at sobra sa galak talaga ako nang makita ko na may kakilala ako. Akala ko kasi puro galing sa ibang schools ang mga magiging kaklase ko.

Naging maayos at masaya naman ang takbo ng first day—though medyo boring kasi puro Orientation at pag-aaral ng school rules lang ang ginawa namin. Papauwi na sana ako nang bigla akong tinawag ng adviser namin (which is naging teacher ko na rin dati noong JHS) at inutusan ako na dalhin ang isang file ng estudyante sa kabilang section—sa Academic 11-E.

Hindi naman sa pakialamera o tsismosa, pero hindi ko sinasadyang makita kung kanino ang files na 'yon. Nagulat na lang ako nang makita ang picture at pangalan ng may-ari ng papeles.

Name: Tenecius Alta Miranda
Track: Academic
Strand: STEM

Bigla kong natandaan ang sinabi ni Ma'am sa'kin kanina bago ako sumunod sa inuutos niya at umalis ng classroom namin.

"Kaklase mo sana 'yan, kaso nilagay na lang sa Acad E dahil sobrang dami niyo na dito sa F. "

Ahm... Medyo...

Nakakapanghinayang.

Sayang, dapat pala magkaklase kami ulit ni Kuya Ten, e.

High School Love Team | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon