IVY'S POINT OF VIEW
Every time I see your face in the television, nagfaflashback lahat.
I was once your number one fan na nagchicheer sayo every game mo tuwing intramurals. Ako ang nagbibitbit ng tubig mo. Taga bantay ng bag nyo sa bench. Taga take ng pictures mo. Taga punas ng likod mo tuwing time out.
Kilig na kilig ako kapag kinikindatan mo ko sabay ngiti tuwing makakashoot ka. Kaya ayun lahat tuloy ng nanonood nagtitinginan saken.
As usual palagi kayong panalo, Kaya proud na proud ako sayo. Ikaw star player sa team. Hindi ka lang gwapo, matangkad at higit sa lahat mabait ka pa. Kaya naman ang daming mga babaeng lumalapit sayo.
Naalala mo pa noon? Inutusan ako ng isa sa mga fangirl mong magtake ng picture nyo? Di nya ata alam na girl friend mo ko.
Baby girl! Halika nga dito! Girls meet my future wife, Lincoln said.
I was so happy. You never let me feel jealous to the other girls "your fangirls" because you make them jealous instead.
Then finally nakagraduate tayo ng highschool ng sabay. We entered *** University together with the same course. Remember the day of your first try out in our institute basketball team? You were so nervous. Feeling mo pa nga hindi ka makukuha kasi ang gagaling ng mga nandun. But I was with you for the entire day. Minomotivate kita na kaya mo. Na nandyan ako palagi sa tabi mo anumang mangyare. Kaya ayun nagkaroon ka ng lakas ng loob.
At the end of the five hours of waiting, the result made us both cry ng tinawag ang pangalan mo. Natanggap ka. Sobrang saya mo at sa sobrang kasiyahan mo binuhat mo pa ko. Hinalikan sa pisnge ng sampung beses. Nakakatawang alalahanin. Mga panahong unti-unti mong naabot ang pangarap mo. Syempre Masaya rin ako kasi masaya ka. Ako na ata ang pinakaproud na girlfriend sa buong mundo.
Expected ko na rin na ikaw ang pinaka magiging star player ng institute team. Tama naman ang expectation ko. The same as we were in high school. You always dominate the game. You're always the MVP. Sa dami ng panalo mo, lalong dumadami mga taong humahanga sayo. Lalo na ang mga babae. But I never felt threatened kasi alam kong ako lang. I was with you all the time. To cheer you. To take photos of you. To give you the what you called "strength power" my kisses and hugs every time out.
Freshmen to sophomore everything was fine. Pero nung nagthird year tayo dumami na ang mga responsibilities mo. Pinuntahan mo ko sa classroom at masayang ibinalita sakin na kinuha ka ng *** university coach para maging team B player. Kaso sabi mo, kailangan mo ng magstay sa athlete's quarter's. Di kana pwedeng umuwi ng araw araw kasi palagi na kayong may practice. Okay lang sakin, I was so happy for you. Really happy.
Kaso dumating na yung point na madalas na hindi na kayo pinapapasok sa klase. Tatawag ka na lang na may practice kayo. Di mo na ako masabayan sa lunch at vacant times unlike before. Di muna tayo pwedeng magkita dahil ayaw ng coach.
Despite of your other commitments I understand, rereplayan na lang kita ng "Ingat ka mahal kita". Magrereply ka din ng "Mahal din kita. I miss you -_-".
Miss na miss natin ang isa't-isa. Noon kasi hindi tayo mapaghiwalay diba?
Hanggang sa fourth year.
Nawala na lahat.
Dumating sa point na napapagalitan ka ng coach mo dahil tumatakas ka para makipagkita saken. Ihahatid mo ko sa bahay tapos pagdating mo sa practice pagod ka na at nanghihina ka na raw.
Tumawag ka saking depress ka kasi nasisigawan ka couch mo kapag di ka nakakapagperform ng maayos. You were the star player but because of me, naapektuhan na ang tingin sayo ng team at coach mo. Tinatawag ka nilang irresponsible at may attitude problem.
Kahit na busy ka hindi mo ako nakakalimutan pati mga duties mo as a boyfriend kahit na alam mong pagbalik mo ng quarters mabubulyawan ka. I appreciated everything.
But I've realized, I have to make a distance from you. Ayokong maging dahilan para masira ang pangarap mo. Ayoko ring maging dahilan para matanggal ka sa team. Nandyan kana eh. Konti na lang nasa tuktok kana. Mahal kita kaya ayokong sirain ang mga bagay na nagpapasaya sayo.
Linayuan kita at gumawa ng excuse na may bago na akong mahal.
Di na ako nakipagusap sayo.
But you were trying to get everything back.
You begged, You kneeled in front of me, crying and asking me to come back.
Sabi mo kung ang dahilan ng pagalis ko ay ang kawalan mo ng time saken, handa kang umalis sa team para ibalik lang lahat.
Pero dahil mahal kita.
Tumanggi ako.
Iniwan kitang walang salitang natatanggap mula saken. I heared how depressed you are.
But know, look you've reached your goals. I know you are happy from where you are now. I am more than happy because I made the right decision.
Look how famous you are. Napapanuod na kita sa Tv pati narin sa live. Kaso ayokong magpakita sayo. Nahihiya ako ee.
Baka kasi magalit ka sakin dahil sinayang ko ang ilang taong meron tayo. Natatakot din akong isipin na kapag nakita mo ko dedmahin mo na lang ako.
Meron na kasing bagong nagchi-cheer sayo.
Meron nang bagong nagbibigay ng inspirasyon sayo.
Niyayakap mo pagkatapos ng laro.
Masakit? Oo
Wala akong pinagsisisihan kasi worth it lahat ng sacrifices ko.
Pero gusto kong malaman mo na kahit halos dalawang taon na ang lumipas
Ikaw padin ang MVP ng buhay ko
At ako padin ang number one fan mo =) ...
The end.....
Lesson: Ang tunay na nagmamahal hindi madamot hindi makasarili at handang isakripisyo maging ang kanilang pansariling kaligayahan para sa makakapagpasaya sa taong mahal nila.
YOU ARE READING
Everything Is Worth It
Short StoryLincoln Alvarez. Who would have thought that you are my boyfriend? An MVP of their basketball team.