*Bilang hanggang tatlo*
*(Malayang pagtula)*
Isa, dalawa, tatlo
Binilang ko pati ang minuto't mga segundo
Nung tayo ay magkasama't masaya
Yung tayong meron pa
Bilang ang mga araw na nagdaan
Ang mga taon at ang mga buwan
Nagbabasakaling bumalik ang lahat sa ayos
Ang ating relasyong tuluyan ng natapos
Nangako ka diba?
Nung sinabi kong huwag mo akong bibitawan
Dahil baka ako'y mabasag at masaktan
Nangako kang di mo ako iiwan
Na walang mangyayaring hiwalayan
Sinabi nating pareho na walang bibitaw
At ang kudlit ng kasayaha'y di papanaw
Ngiting lagi lamang na nakalitaw
Iniuumang ang sarili sa iyo
Kapalit ang pagmamahalang ating matatamo
Ibinigay ang sariling walang halong pag-aatubili
NI hindi nag-alinlangan kahit man lang sandali
Pero bakit sa huli'y nawala ang matamis na pangako
Sa dulo'y walang ikaw, walang ako. Walang tayo.
******************
I create this because i was inspired by the book that i've read.
Hope you like it, do i don't think you'll like my creation. Hehehehehe, just bare with my undying emagination. ^_^

YOU ARE READING
My Creation-[On GOING] (Unedited)
PoetryMy creation is all about EVERTHING..This is a spoken poetry,short story etc.. #752- Spoken