Naiiritang binalingan ko si Tope ng tingin "Tope stop" pagbabanta ko sa kanya
May bahid ng pag-aalinlangan niya akong tinignan "Ipakikilala ka lang namin sa bago nating classmate" paliwanag niya na tinuro pa yung Dame-on na nakaupo sa harap
Mayroon talaga akong attitude na once na masama ang first impression ko sa isang tao, hindi na ito magbabago. Ganoon ako nagtitiwala sa aking instincts.
"As if I'm interested with him, may gagawin pa ako kaya chupi" pagpapalayas ko kay Tope na winagayway pa ang aking mga kamay bilang senyales
Bahagyang nalungkot ang mukha ni Tope at kasabay nito ay ang paggilid niya para makadaan ako "Sige na nga, may regla ka ata eh"
Lumingon ako sa kanya ng may nanlilisik na tingin, "Ito naman talaga si Agape di mabiro hehe" saka siya dali-daling umalis at bumalik sa harap. Ako nama'y nagsimula nang maglakad papunta muna sa canteen para kumain.
Iniwan ako ni Missy, actually hindi na siya bumalik after niya umalis para mag CR mga last 5 minutes ng class ni Ma'am at sigurado akong nandun nanaman iyon sa kabilang building. Nandun kasi yung matagal niya nang crush, si Kenneth na hindi naman siya pinapansin
Hindi ko talaga alam kung anong meron kay Kenneth at ganun kalakas ang tama sa kanya ni Missy but there's one thing na alam ko, si Missy ang best example ng babaeng tanga
Patayuan ko kaya ng fans club yun?
Habang nag-iisip ako ng magandang platforms for her club, binaybay ko na ang daan papuntang canteen.
And isa lang ang napansin ko... ANDAMING KALAT.
Yuko ako nang yuko kakapulot ng kalat. May basurahan naman pero hindi man lang magawang sadyain, itapon doon yung kalat. Hays! kailangan kong makaisip ng project for this.
Habang pinupulot ko yung kalat sa school grounds, may nauna nang pumulot para sa akin, tiningala ko siya only to see a cute little girl. Nakacolor pink siyang leggings na fit na fit sa hita niya dahil sa taba, white blouse na may print ng isang Disney Princess na paputok na sa bandang tiyan niya and may hawak siyang isang Barbie doll on her right hand, then sa kaliwa naman yung balat ng candy.
Ngiting ngiti siya na winewave pa yung kalat na pinulot niya. This cute girl is my favorite baby "Mei-Mei!" tawag ko sa pangalan niya then I hugged her.
Si Mei ay anak ng isang teacher dito sa KNHS, lagi siyang nandito dahil sinasama siya ni Ma'am Jen, and naabutan ko siyang pagala-gala ngayon "Why are you here?" tanong ko dahil spokening dollar 'tong batang ito eh
"Because Mommy wants me to" pagtataray niya pa. So cute!
Kunwari'y nalungkot ako sa sinabi niya, itinukod ko ang aking tuhod sa sahig "So you're not here to see me?"
Napalitan ng pag aalinlangan ang kanyang mukha "No, of course not! I'm happy to see you" at niyakap niya pa ako ulit
Pagkabitaw niya ay tumayo na rin ako, naglakad kami papunta sa harap ng basurahan "I was watching you a while ago, you're picking up trashes on the ground" itinaas niya pa ang balat ng candy sa kanyang kamay "These aren't yours, so why?"
"Oh that! Hhhhmmm" umarte akong nag-iisip "Let me ask you a question first" tumigil kami saglit sa paglalakad at tiningala niya ako nang may nagtatakang mukha
"Okay" pagtugon niya na "OWKEEEEEY" ang pagkakapronounce
"Why did you pick that one?" tinuro ko ang hawak niyang balat ng candy
YOU ARE READING
Blame it on the Rain
RomantizmAgape- "Divine love" and "The Highest form of Love" There were different types of love one could offer, a love for your family, for you friends, for your enemy and for that special "one". But how could someone differentiate your love for someone? H...