Chapter Five: He is still here?
***
Matagal akong nag antay sa loob ng coffe shop. Isang oras na akong naka upo dito. 8pm ang pag sasara ng coffe shop.
'Nashly, andito na ako.'
Hindi sya nag reply. Masama ang kutob ko. Baka na aksidente yun! O kaya at hinarangan sa daan! Halaaaa! Wag!
Napa iling ako sa imaginations ko.
"Hala, umulan."
Napa tingin ako sa labas. Ang lakas nga ng ulan. May kulog at kidlat pa. Hinanap ko ang payong na ibinigay ni Felix sa akin. Ngunit naiwan ko ata yun sa dressing room. Napa hawak ako ng ulo ko.
"Tatawagan ko nalang siguro si Nashly."
Kumbinsido ako sa aking desisyon. Tinawagan ko sya at ang tagal pa bago ito sagutin.
'Nashly, saan ka na?'
'I'm so sorry Eury. Something came up.'
Hindi ako naka sagot sa sinabi nya. Ako na mismo ang pumatay ng tawag.
"Miss, magsasara na po kami."
Tumango ako at tumayo. Lumabas ako sa coffe shop kahit umuulan. Hindi ko maintidihan kung bakit dapat pang mangyare ito.
Tumingala ako sa langit ngunit hindi ko masyadong makita ang kagandahan nito dahil sumabay ang luha at patak ng ulan sa aking mga mata.
"Isang paasa karin pala, Nashly."
Umiyak lang ako ng umiyak sa labas ng coffe shop. May tao pang dumadaan pero wala na akong paki.
Niyakap ko ang sarili ko dahil nakaramdam ako ng lamig.
"Tapos, family meeting! Che! Humanda ka sakin! Huhuhuhu!"
Sinipa ko ang bato na malapit sakin.
"Aray!"
Hala! May natamaan ako. Napa tapik ako ng baba ko at tinakbo ko ang distansya namin.
"Wag kang tumakbo. Baka madulas ka."
Hindi ako nakinig. Pinatuloy ko ang pag takbo at natipalo ako. Dali dali syang tumakbo palapit sa akin at hinawakan ang aking katawan. Hindi ko makita ang mukha dahil naka hood ito, sabay pa ang patak ng ulan.
"S-sorry ah."
Tumango sya at ngumiti.
Unti unti akong nalinawan na si Felix pala ang humahawak sa akin. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko. Natagalan pa kami sa pwesto na iyon at unti unting nang init ang aking mukha.
"Saan si Nashly?"
Wala sya.
"Ah, kakatapos lang naming mag hapunan. Tara! Uwi na tayo."
Nag aalangan pa syang tumango bago sumunod sa akin. Medyo mahina na ang ulan kaya marami din kaming naka sabayan lumalakad.
Naka yakap parin ako sa aking sarili dahil sa lamig.
"Alam mo, Felix! Ang sarap ng ulam namin kanina. Grabe! Ang dami, maraming pagkain ang hinanda ng family ni Nashly!"
Naka ngiti ako ng lingunin ang pwesto nya ngunit hindi ko sya nakita.
"Liar, alam ko na d sya sumipot."
Nagulat ako ng biglang may jacket na naka balot sa aking katawan. Lumuhod sya sa harap ko para alisin ng sandals na suot ko.
Hindi ko alam bakit tumulo ang luha ko. Pinalitan nya iyon ng tsinelas na suot nya. Aangal pa sana ako ngunit ngumiti nalang sya sa akin.
"Hindi bagay ang mga luha sa mukha mo. Mas bagay ang ngumiti kaysa umiyak. Alam mo bang, pang malungkot ka. Umiikli buhay mo. So smile for my life, Eury."
Hindi ko mapigilang mapangiti. Pinahiran nya ang luha ko.
"Let's go home."
Tumango ako at sumunod sa kanya. Sando nalang ang suot nya at naka paa lamang sya habang naglalakad.
Nag iisip ako ng paraan para maibsan ang lamig na naramdaman nya.
Dahan dahan kong hinawakan ang kamay nya at pinasok ito sa bulsq ng jacket nya.
"Kahit sa kanitong paraan maibsan ko ang lamig na nararamdaman mo."
Hindi nya naka sagot sa sinabi ko. Hindi nya namn kailangan pang sagutin iyon.
Maya maya ay naka rating na kami sa harap ng apartment namin.
"Uuwi na ako. Maligo ka para d ka lagnatin."
Tinignan ko ang nagtutulong tubig galing sa kanyang buhok. Napa talon sya ng hawakan ko iyon.
"Nakapag hapunan ka na?"
Dahan dahan syang umiling. Hinatak ko sya paakyat sa apartment namin. Matagal pang binuksan ni Zyrah amg pinto. Agad na naging histerical ang reaction nya.
Kumuha ako ng towel at ako mismo ang nagpa tuyo ng buhok ni Felix.
"Maligo ka na, baka magka sakit ka."
Tinignan ko naman sya nanginginig sya sa lamig.
"Zy, ano ulam?"
"Lechon manok."
Hinatak ko si Felix papuntang hapag kainan. Hinanda ko ang mga kubyertos at isa isa silang nilagay sa mesa.
"Maligo ka na."
Hindi ko sya pinansin. Patuloy lang ako sa pag aayos ng gagamitin namin sa pagkain.
"Umupo ka."
Wala syang magawa kundi sundin ang utos ko. Umupo sya sa harap ko at ako naman ay naglagay ng kanin sa kanyang plato.
"Maligo ka muna. Mag aantay ako dito."
Napa tingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha nito at mukhang nag aalala.
"O-o sige. Basta. 5minutes lang ito."
Agad akong tumakbo papuntang kwarto para kumuha ng damit.
Mabuti nalang at medyo malayo layo pa ang C.R namin sa kusina.
Agad kong pina andar ng shower. Mainit ang tubig na lumabas dito. Binilisan kong maligo dahil sa totoo lang ay hiyang hiya ako kay Felix.
5 minutes talaga bago ako lumabas. Hindi ko na pina tuyo ang buhok ko. Agad akong lumabas at nakita ko si Felix na naka upo parin doon at mukhang malalim amg iniisip.
"Kain na tayo!"
Masiglang sabi ko. Agad akong kumain ng lechon manok. Oo, gutom na gutom na talaga ako. Naka ngiti lamang si Felix sa harap ko.
"Kumain ka."
Tumango sya at sinunod ang utos ko. Palihim akong ngumiti at uminom mg tubig.
Mabilis lang kaming kumain dahil sa nagmamadali ring umiwi si Felix.
"Aalis na ako. Paalam! Eury, uminom ka ng gamot ha. Zy, salamat sa pagpapatuloy. Sige mauna na ako."
Tumango ako at kumaway sa kanya. Pina hiram ko nalang sya ng pinaka malaki kong damit. Buti at nag kasya. Pinahiram ko rin sya ng payong at jacket.
Pag sara namin ng pinto ay agad akong pina ulanan ng tanong ni Zyrah.
"Anong nangyare sa hapunan? Bakit si Felix kasama mo? Bakit basa kayo? Saan si Nashly?!"
Napa tawa ako sa mga tanong ni Zyrah.
"I will explain tommorow na ha. Puyat na ako!"
Tumakbo ako papuntang kwarto.
"Patuyuin mo ang buhok mo!"
Napa halakhak ako sa kanya.
"Bakit d ka sumipot, Nashly?"
Yan agad ang tanong ko bago ako maka tulog.
***
BINABASA MO ANG
Ba't ang Ganda Ko
Novela JuvenilMeet Eurika. Ang Magandang babae, matalino at napaka bait.Marami na syang naging Boyfriend pero palagi lang syang panakip butas o kaya ay hinahabol lang sa kaya ay ang kanyang katawan. Meet Felix. Ang ultimong Mahirap, malas pero matalino. Isang ma...