SIX

3 2 0
                                    

Chapter Six: Lub Dub

***

Ilang text ang natanggap ko galing kay Nashly. Hindi ko binuksan ito dahil alam kong panghihingi lamang ng kapatawaran ang laman nun.

Mabilis akong gumalaw para maaga akong maka rating sa eskwelahan.

Tinignan ko ang pinapatuyong jacket ni Felix.

"Eury, sabi ni Felix--"

Hindi natapos ang sasabihin ni Zyrah dahil may tumawag. Walang pangalan ito kaya agad kong sinagot.

Hinantay kong magsalita ito.

"Eury.."

Agad kong nakilala ang boses ni Nashly.

"Morning. Napa tawag ka?"

Isang bugtong hinga ang pinakawalan nya. Nagtaka naman ako. Naka tinginan kami ni Zyrah, at mukha na weirdohan din sa sagot ko.

"Sorry. I am really sorry. D ko sinasadya. If i only knew, d na ako umuwi."

Ako naman ang hindi maka sagot. D umuwi? Bakit?

"Bakit?"

"My family arrange me to have a date with their business partner. I am so sorry, Eury. Hindi ko magawang maka alis dahil sinara nila lahat na exit."

"Okay lang."

Napa tingin ulit ako kay Zyrah. Masama ang tingin nito sakin. Dumistansya ako sa kanya para iwasan ang tingin nya.

"Hayaan mong maka bawi ako."

Masiglang sabi ni Nashly. Napa ngiti naman ako.

"Paano, aber?"

"I'll fetch you dyan sa bahay nyu. Sabay tayong pupunta sa school."

Mas lalong lumaki ng ngiti ko.

"Sige, aantayin kita."

Pabulong kong sabi. Tumawa naman sya sa kabilang linya.

"See you, my princess."

Tumawa din ako at pinatay ang tawag.

Nilingon ko si Zyrah. Ngunit wala na sya sa pwesto nya. Nakita ko syang nag hahanda ng kubyertos sa mesa.

"Ano nga pala yung about kay, Felix?"

Tinignan nya ako at umirap. Okay.. What's the problem?

"Gusto nya sanang sya ang mag hatid sa iyo sa school ngayon dahil aalis sya mamaya papuntang manila."

"Isang buwan sya mawawala dahil ipadadala sya ng school natin sa manila. Ngunit, nauna na atang bumawi si Nashly. Sana kagabi ko pa sinabi."

Napa yuko ako. I feel guilt. Maya maya ay may kumatok sa pinto. Ako na ang nag presenta na mag bukas. Agad bumungad sa akin ang mukha ni Felix na kakaligo lang. Naka ngiti at mukhang excited.

"Hi Eury."

Napa ngiti lang ako sa bati nya.

"Pasok ka."

Sumunod naman sya sa akin. At gaya ng naka sanayan nya ay iniiwan nya ang tsinelas nya sa labas ng bahay.

"D sya sasama sa iyo, Felix."

Agad akong napa tingin kay Zyrah. Matalim ang tingin nito at mukhang galit.

"Ah, o sige. Ihahatid nalang kita sa paradahan ng tricycle."

Nilingon ko naman si Felix.

This guy never give up.

"Susunduin sya ni Nashly."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ba't ang Ganda Ko Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon